34

11 7 0
                                    


Sun.

"Why are you ignoring me?" Nagulat ako, nang may yumakap sa akin galing likod. Nang tumingin ako sa kanya, ay marahan niya akong hinila papuntang kotse. Sa gilid ng kotse niya ako hinila. "Answer my question, Ms. Terrez."

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napatingala ako, para makita ko ang mukha niya kahit na madilim naman talaga sa parte na ito. "Because, hindi mo ako tinulungan magdahilan kanina! Ayaw ko na talagang pumunta sa kwarto mo—"

"I just want to hear, kung anong idadahilan mo kanina..." Aniya at tumawa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Para makita mo akong nahihirapan gano'n?" Pagtatanong ko, bigla siyang tumigil sa pagtawa at tumingin sa akin ng seryoso.

"No, I'm sorry..." Biglang sumeryoso ang mukha niya. "All these years, I saw that you suffered and I don't want to see it again. You suffered because of your own problems. Because of your family problems." He said. I sighed.

Nakikita niya pala iyon, pero ba't mga magulang ko hindi? Intindihin mo nalang, Vaisley. Medyo marami rin ka'yong magkakapatid.

"I'm sorry about that... Natutuwa lang akong makita kang naghahanap ng dahilan." He smirked. He hugged me tightly. "I'm sorry, baby."

Napapikit ako nang naramdaman ko ang yakap niya. His hugs are my home, his arms are my comfort zone. "I love you..." I said.

"I love you too... If you have any problems or anything, tell me. I'm here to listen to your problems, I'm not a boyfriend who will be with you in happy moments, but I am a boyfriend who will guide you in your hard times."

Napangiti ako sa mga sinabi niya. Parang may humawak na mainit sa puso ko. At para na akong maiiyak sa mga sinabi niya.

Hindi alam ni Kalen iyon, alam niya lang ay binibigay lahat ng magulang ko ang gusto ko. Kahit hindi naman talaga.

"Who will comfort you when you are unhappy. And who will wipe your tears when you are crying." He said. "I am your home and a comfort zone, Baby."

I giggled. "Do I deserve you?" Napakalas siya ng yakap at tumingin sa akin.

"What do you mean?"

"I'm so lucky to have a boyfriend like you. You set my standards high... And I think I deserve you." I chuckled, he smiled at me. "Because it's my first time to have a boyfriend like you."

"Hindi ba dapat ako ang nagsasabi sa'yo na I am so lucky to you? To have a best friend, girlfriend like you?" He softly asked.

I silently chuckled. Mahina kong tinampal ang mukha niya. "Ok, let's stop this... It's so cheesy na... And I don't like it..." He chuckled.

"Ok, if that's what you want... Go to Tita Camilla's house na, get rest." He said, and he slowly kissed my forehead. Pumikit ako para damahin ang halik niya sa noo ko.

Pagtapos no'n, ay kinalas niya na ang pagkakahawak sa akin at pinapunta na ako sa bahay nina Tita Camilla.

Ilang linggo na kaming patago nagkikita ni Zaiden. Mahirap at dinadalaw ako ng konsensya. Pero hindi ko nalang masyadong iniisip iyon. Nauna kaming umalis at nag-pahuli siya. Hindi ko pa kinukuha sa kanya ang regalo niya, dahil sinabi ko na pag-uwi nalang namin.

Nandito na ako sa condo ngayon, at ako palang mag-isa, na kumpleto na rin ang mga gamit dito kaya mag-papahinga nalang ako. Nandito na rin ang mga binigay niyang bulaklak.

Wala pa rin si Ate Lelei, dahil may kailangan lang raw siyang ayusin sa probinsya.

Habang nasa sala ako, ay may kumatok sa pinto. Dali-dali naman akong pumunta. Nakita kong nakatayo si Zaiden, may dalang box at iyon ata ang regalo niya sa akin. "You didn't tell me, na sa condo ka na pala?"

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon