Wow!
Boys never disappoint me.
Just last night, I liked a post on Facebook about this luxury rhinestone watch and then now...
"Grabe ka! Kahapon, Givenchy perfume. Ngayon naman Daniel Wellington watch! Ikaw na talaga!" ang pinsan kong si Shylene habang kumakain ng lunch sa restaurant malapit sa school.
Napailing ako kahit pa hindi mapigilan ang malaking ngisi.
May nag abot na naman nga ng regalo sa akin. Hindi ko kilala pero base sa lanyard, engineering student. Bigla na lang lumapit sa kalagitnaan ng pagkain para iabot ang isang kahon. Wala akong ideya na itong mamahaling relo pala ang laman!
"Ni hindi mo kailangang mag-post sa FB. Nag-like ka lang pero..." Hindi pa rin natigil sa pagkamangha si Shy.
Tinanggal ko ang fake Casio watch na bigay ni Mama noong isang buwan, bago siya tuluyang maglaho sa kung saan mang lupalop ng Nueva Vizcaya. I, then, wore the watch and it suits well with my fair skin, like how I imagined it to be when I liked the post last night.
"Authentic naman 'to, 'di ba?" tanong ko habang sinisipat ang bawat bahagi ng relo.
"Ang alam ko, sa serial number mo malalaman kung authentic ang DW," sagot niya habang sinusuri rin ang kahon.
Hinubad ko ang relo at agad tiningnan ang likuran nito. I stared disappointedly when I saw no serial number engraved at the back.
"Fake yata," natatawa kong sambit. Naglahong parang bula ang excitement ko.
"Huwag mong sabihing ibebenta mo kaagad 'yan? Sayang naman ang effort ni Mr. Engineering kung hindi niya makikitang suot mo 'yan. Mahirap makakuha ng authentic DW overnight."
"Isusuot ko naman this week." Kaya kahit dismayado ay isinuot ko itong muli.
Mas okay naman ito kaysa sa bigay ni Mama, kung tutuusin. Hindi pa pinapabayaran! Eh itong nanay ko, napakagaling. Ibibili ako, tapos ay pababayaran naman. Sa mas mahal pang presyo! Pati ako ay pinagkakakitaan dahil marami naman daw akong pera.
Napailing ako at muling sinipat ang relo.
Hindi naman mukhang fake kapag suot ko na. Basta lang maganda ang magiging anggulo ng kuha ni Shy, tingin ko maibebenta ko pa rin ito sa malaking halaga, katulad ng mga dating mga regalo sa akin.
Madalas namang may nagbibigay-- damit, alahas, sapatos-- kung ano ano pa. I can't classify them as manliligaw dahil hindi naman ako nagpapaligaw.
Ayoko nga! Baka mabawasan pa ang regalo mula sa mga admirers. Eh, dito ko lang din naman kinukuha ang pambaon at pambayad ko ng tuition.
"Itago mo 'yan mabuti. Naku, baka makita na naman 'yan ni Tito. Uunahan ka na naman noon sa pagbebenta niyan," Shylene warned me.
A frown automatically formed in my face. Naalala ko nga noong minsang iniwan ko saglit sa sala ang anklet na kukunin ng buyer sa bahay. Si Tito Caloy ang nakausap at sa kanya rin nagbayad. Ayaw na niyang ibigay sa akin ang pinagbilhan.
Sobrang sama ng loob ko sa kanya noon. Sinumbong ko kay Mama pero hindi naman sinaway ang kapatid na sugarol. Sabagay, sino ba siya para sawayin ang bunso niyang kapatid eh ganoon din naman siya? Mas malala pa nga yata si Mama dahil ilang beses nang pinapa-blotter kapag may hindi nababayarang utang.
At syempre, laging to the rescue ang kapatid na si Tita Mercy, ang mommy ni Shylene.
"Bakit ba kasi umuwi uwi pa 'yon dito? Nadagdagan tuloy ang pabigat sa Mommy mo," reklamo ko sa pinsan.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
General FictionMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...
