Thirty-first

2.2K 58 11
                                        

Tuwing bakasyon, o hindi kaya ay mga araw na hindi masyadong abala sa eskwela, tumutulong ako bilang waitress sa restaurant ni Tita Mercy. Sa mga gabing hirap akong makatulog, katulad ngayon, nagpupunta ako rito para maglibang at magpalipas ng oras.

Kasabay ng mga tao, pumalakpak ako nang natapos ang isang kanta ni Jordyn. Siya talaga ang binabalik balikan ng mga tao. Sobrang lista at cute niya, lalo sa suot na royal blue dress na may malaking pink na ribbon sa baywang at maliit na tiara na animo'y prinsesa, talagang maaaliw ang makakapanood. Ngayon nga ay tinatanong niya pa sa audience kung gusto pa nilang kumanta siya.

Panibagong kanta ang nagsimulang tumugtog. Isang classic Japanese love song iyon kaya masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga tao hindi pa man nagsisimula.

"Hulaan ko, nightmare?" si Shylene na biglang sumulpot mula sa kung saan at nakiupo sa mesa ko.

Inilapag niya ang dalawang strawberry juice, ang isa ay sa akin. Akala ko ay regular na waitress dahil nakasuot pa siya ng uniform. Siguro dahil hindi naman ganoon kaabala ang gabi kaya pwede niya akong samahan dito.

Tahimik akong nagpasalamat bago hinila ang jacket para labanan ang panlalamig.

"Hindi," tipid kong sagot.

"If not a nightmare, then about ito sa past."

Dimmed ang ilaw sa buong restaurant ngunit kita ko ang maingat na panonood ni Shy sa reaksyon ko, habang may multo ng ngisi sa labi. Sa tagal na naming magkasama, kilalang kilala niya na ako. Minsan, hindi ko na kailangang magsalita pa para sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko.

Sumipsip ako sa juice at mabagal na hinalo iyon gamit ang straw.

"Sabi ko naman sa'yo, hindi worth it na tambayan ang past. Dinadaanan lang 'yon at pinupulot ang lesson."

"Hindi ko naman binabalikan. Iba ang iniisip ko, Shy," sagot ko at muling hinila ang suot na jacket.

Tuwing sasagi ang nakaraan sa isip ko, hindi ko maiwasang manginig kahit hindi malamig ang paligid. May kakaibang humahalukay sa tiyan ko at minsan pa ay para akong masusuka. Hindi ito nawala magmula pa noon ngunit hindi na kasing grabe. Kaya ko nang pag usapan iyon nang hindi tinatakasan ng ulirat.

"Ano ba 'yan at bakit hindi ka na naman pinapatulog?"

Nagpalakpakan ang mga audience dahil maganda ang naging pagkakanta ni Jordyn sa unang chorus. Nakipalakpak kami ni Shy.

"Wala. Mga past decisions lang na akala ko hindi ko kailanman pagsisisihan. Pero heto ako ngayon," sagot ko na nagpatawa sa pinsan ko.

"Lahat naman yata ng tao may mga pinagsisihang desisyon minsan sa buhay nila. Hindi ka nag-iisa. Marami tayo."

"Ang hirap lang kasi nitong desisyong ginawa ko. Anim na taon na ang nakalipas, dala ko pa rin. Gusto kong bawiin pero ang hirap. Mahabang proseso. At ang daming future decisions na nakadepende pa doon."

"Tungkol ba 'yan sa annulment?" tanong niyang muli, this time, nakataas ang kilay sa akin.

Tumango ako. Kumunot ang noo niya at may dumaang malisyosong ngiti sa mata.

"In love ka na ba ulit?" wala sa hulog niyang tanong.

Ako naman ang napakunot ang noo. "Huh?"

"OMG! Si Benj ba? Nagpunta siya sa church kahapon, 'di ba? At kasama pa ang Mama niya?!" halos tumili ang pinsan ko sa sobrang excitement.

Lalo tuloy akong naguluhan. Hindi ko alam kung paano napasok sa usapan na in love ako. At lalong paano napasok dito si Benj?

"Ano bang sinasabi mo, Shylene?" hindi ko na napigilan itanong.

Pawned (Gold Digger Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon