Thirteenth

1.7K 52 8
                                        

"Akala ko ay may part time job ka na? Hindi ka na nagtu-tutor kay Jarreau?" si Shylene habang tutok sa phone.

Nakahiga siya sa kutson ko at nakataas ang paa. Ako naman ay nasa tabi niya, nakaupo at nakasandal ang likod sa pader. Sinabi ko sa kanya na gusto kong maghanap ng part time o kahit one time work lang para may pambili ako ng regalo kay Jarreau.

"Hindi na. Matalino naman 'yon, nagpanggap lang para..." Hindi ko naituloy ang sasabihin.

Inamin ni Jarreau iyon sa akin ilang linggo na ang nakakaraan. Totoong nagpanggap lang siya na walang alam sa statistics para mapalapit sa akin. Syempre, nakaramdam ako ng kaunting galit sa kanya. Ang controlling ng dating sa akin ng ginawa niya.

Pero naisip kong nakinabang din naman ako. Binayaran niya ako nang tama, higit pa nga kung tutuusin. Hindi rin ako nahirapan at sa totoo lang, naging masaya din naman ako sa ginawa. Kaya sa mga napag isip isip at sa masugid na panunuyo at paghingi ng tawad ni Jarreau, napatawad ko siya.

Hindi ko na siya tinuturuan kaya hindi na rin ako tumatanggap ng bayad mula sa kanya kahit pa minsan ay inaabutan niya ako. Hindi ko magawang tanggapin. Pangarap ko iyon dati. Tipong pera na ang lalapit at wala kang kailangang gawin kung hindi ang maging maganda.

Kaya lang, ngayong nandito na, hindi pala tama sa pakiramdam. Hindi ka pala magiging masaya sa perang hindi mo naman pinaghirapan.

Malisyosang tumitig si Shy sa akin. Tumaas ang kilay ko sa kanya nang unti unti itong bumangon.

"Umamin ka nga. Kayo na, hindi ba?" nakangisi niyang tanong.

"Baliw! Hindi pa."

"Ay sus! Hindi pa raw pero hindi ba't doon ka nakitulog noong minsan? Iyon ba ang hindi pa boyfriend? If I know, may...kakaiba nang nangyari," pagpapatuloy niya.

Umirap ako kahit parang gatilyo, bumalik nga doon ang alaala ko. Pero hindi na sa gabing magkasama kami ni Jarreau kundi sa mga ginawa at sinabi ng sarili kong ina. Galit na galit siya sa ginawa ko, nasampal pa nga ako. Bawal na raw akong lumabas na hindi kasama si Shy pero imposible iyon. May kanya kanya kaming buhay.

Umalis din siya nang umagang iyon at hanggang ngayon, wala ulit paramdam. Hindi niya ipinaliwanag kung bakit hindi dapat alisin ang itak sa gilid ng pinto. May mga araw na gusto ko iyong tanggalin doon, lalo pa at nadadalas si Harry rito, para manghingi sa akin ng pagkain. Natatakot akong galawin iyon ng bata at syempre, delikado.

Hindi ko alam kung bakit parang may masamang plano si Mama sa itak na ito. Kinikilabutan ako tuwing naaalala ang titig at ngisi niya roon. Ang weird.

"Huh? Ang berde mo. Wala kaming ginawa. At hindi pa kami, Shylene!" kunwari'y galit na giit ko naman.

Natawa ang pinsan ko.

"Weh? Hindi ako naniniwala. Si Jarreau pa ba? Ano, sis? Tall, daks and handsome ba? Feel ko TDH eh!"

Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mata sa sobrang gulat. Lalo pa dahil bumalik nga sa utak ko ang umbok na tumama sa hita ko nang gabing iyon. At pati na rin kung paano iyon bumakat sa boxers niya nang tumayo.

Nilukob ng init ang mukha ko dahil doon. Ni hindi ko kayang pigilan ang sariling pamumula. Nang mapansin iyon ni Shy, humagalpak ito ng tawa.

"I knew it! Ginawa niyo na nga! I'm so proud of you, sister!" Niyakap pa ako ng loka. "Don't worry, hindi kita ilalaglag kay Tita."

Syempre dahil hindi naman totoo, agad ako siyang itinulak para kumalas sa yakap niya.

"Tumigil ka nga. Hindi pa kami at walang kababalaghang naganap. Nagkasakit siya noon at inalagaan ko. Period."

Pawned (Gold Digger Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon