It was the most awkward situation I've ever been...so far. Tanging mga kuliglig lang at ang ingay ng nasusunog na kahoy ang namayani sa pagitan namin. Walang nagsalita kahit pa ramdam kong nakatitig siya sa akin habang ako ay nasa apoy ang mata.
Nakakagulat sigurong talaga. Pagkatapos ng mainit na usapan namin noon ay bigla akong kalmadong lalapit sa kanya na parang wala lang?
Kaya nang nilingon ko siya, natigilan siya. Umawang ang labi at saglit na nanlaki ang mata. Alam ko na noon pa man na alpha male siya, kaya ang makita ang side niyang gulat at para bang nahuli sa isang kasalanan ay bago sa akin.
"I'm... sorry kung naistorbo kita ngayon," mahina kong bulong ngunit alam kong maririnig niya dahil sa sobrang kapayapaan at katahimikan.
Gumalaw ang Adam's apple niya at saka umiling.
"It's okay," aniya at saka pinagpatuloy ang pagtitig sa akin.
Matapang kong sinalubong ang mga mata niya. Mapungay iyon at puno ng iba't ibang emosyon. Nakikita ko lang siyang ganito noon kapag...tungkol sa Mama niya ang usapan namin. Hindi ko siya mabasa ngunit ang alam ko lang, nasa gitna siya ng kahinaan niya.
"Ang totoo niyan..." Yumuko ako at itinuon ang mata sa mga naglalarong daliri sa ibabaw ng hita ko. "Sinadya kong puntahan ka rito nang makita ka kanina."
Muli kong inangat ang tingin sa kanya. Nakalinya ang labi niya nang tumango.
"I'm sorry if I still go here even if I promised not to."
"Don't say sorry," agap ko. "Kaya gusto kitang makausap ngayon kasi...gusto kong humingi ng tawad. Mali ko iyon, napangunahan ng emosyon. Hindi ko dapat sinabi lahat ng iyon sa'yo."
"I was at fault, too. Hindi na sana ako naglaro...kasi iyon ang sinabi ko sa'yo."
Mahina akong natawa.
"Huwag mo na akong ipagtanggol. Naglaro rin naman ako kahit sinabi kong hindi. Kahit ilang beses balikan ang nangyari, wala akong karapatang pagsabihan ka ng masasakit na salita."
"I'm not mad at you though."
Ngumisi siya. Nahawa ako roon. Noon ko napansin na nawala na ang karamihan ng bigat na nararamdaman ko sa nagdaang buwan. Gumaan na ang dibdib ko at sa unang pagkakataon, ngayon lang yata ako nakangiti muli nang totoo.
"Ilang buwan ka ngang wala," tudyo ko.
Bahagya siyang umusod palapit sa akin.
"Why? Missed me?" panunukso niya sa mapaglarong toni.
Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Na-miss ka ni Jordyn."
He chuckled before he nodded his head. Nilingon niya ang apoy na pawala na. Ginatungan niya ulit iyon ng kahoy at ilang sandali lang ay nabuhay na naman at nagbigay ng init sa amin.
Sa katahimikan, inisip kong baka ganoon siyang mag alaga ng pag ibig. Hindi niya hinahayaang mamatay ang apoy. Maagap siyang gatungan iyon para magpatuloy. Humihina man minsan pero hindi kailanman nawawala. At kahit gaano katagal na, kaya niyang pag initin ulit iyon katulad ng una.
"I...tried," maya maya ay nagsalita siyang muli. "I tried not to go here but I just...I just can't."
Binalingan niya ako. My eyes widened a little when I saw the pain and longing in his eyes.
"I may sound like a creep but...I can't live for long without seeing you."
He chuckled shyly and shook his head.
"But I know it's all my fault why all these happened to us."
Kumabog ang puso ko. We're here... we'll talk now about the past. Ito naman ang gusto ko, na maisarado na ang kabanatang iyon. Inisip kong kaya ko nang harapin iyon ngayon, mas bukas na ang isip ko sa kapatawaran. Hindi ko lang inasahan na may pait na dadaloy sa sistema ko ngayong inaamin niya ang lahat ng pagkakamali.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
General FictionMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...
