"Di ba sabi ko..." Sa inis ko, hindi ko matapos tapos ang sasabihin.
Hindi ko maitago ang iritasyon at napapapadyak pa. Pumunta pa talaga rito! Hindi ba siya makaramdam na iniiwasan ko siya?
Humakbang pa siya ng isa palapit, walang pakialam sa galit ko. Mas naghahari ang pag aalala sa mata niya.
"You need these medicines. At huwag ka nang pumasok bukas," pangaral niya na inirapan ko.
"May mga gamot naman ako dito, hindi mo na kailangan pa sanang mag abala at pumunta pa rito."
"I want to personally check on you," giit pa rin niya.
Narinig ko ang hagikgik ng pamangkin ko mula sa loob ng bahay kaya sandaling napabaling doon. Sinundan iyon ng mapaglarong tunog ng dinosaur na ginawa ni Shylene. Mukhang naglalaro sila. At tuwing ganito, tatakbo nang tatakbo si Jordyn hanggang kahit dito sa labas.
At paano kung maabutan kami rito?
Hinarap ko ulit si Jarreau. Nakatingin din siya sa loob ng bahay, kuryoso sa naririnig na tawa ng bata.
"Okay, fine! Wala akong sakit. Masigla ako. Salamat sa pagpunta. Pwede ka nang umalis."
Bahagya ko siyang tinulak.
"Take this first," pagpupumilit niya sa gamot na binili.
Ilang segundo kong tiningnan ang paper bag na nakagiya na sa harap ko. Busangot ang mukha ko dahil ayaw na tanggapin iyon. Nga lang, alam kong aalis lang siya kapag kinuha ko iyon.
"Tsk!" iritadong sabi ko at saka kinuha ang paper bag.
Kasabay noon ang malakas na kabog ng pagbukas ng pinto. Lumabas ang pamangkin kong tumitili na sa kakatawa.
Sabay kaming napalingon doon, muntik pa akong tumakbo dahil muntik na madapa si Jordyn pababa ng maliit na hagdan.
"Tita! Tita!" hingal na tawag niya sa akin. "Hide me, Tita! Mommy monster is here!"
At ilang segundo nga lang, lumabas na rin ang pinsan ko. Naka-costume pala ito ng ulo ng dinosaur, dahilan para matawa at matakot itong si Jordyn.
"I'm gonna eat the naughty child! Rawr!"
Tumili ulit si Jordyn at mula sa pagtatago sa likod ko, tumakbo siya papunta sa likod ni Jarreau. Kita ang bahagyang panlalaki ng mata ng lalaki nang umamba ng buhat ang pamangkin ko.
"Jordyn!" banta ko.
Hindi ako noon pinakinggan at mas lalo pang tumalon kay Jarreau. Isang sulyap ang ginawa nito sa akin bago tuluyang sumuko sa request ng bata.
Tuwang tuwa naman ang pamangkin ko. Hinahamon niya ang mommy niya na lumapit at habulin siya ngunit paglingon ko kay Shy, tanggal na ang costume nito at puno ng pagtataka ang mukha habang nakatitig sa hindi ko rin naman gustong bisita.
"Come on, Mommy!"
Ngunit halatang nawala na sa mood ang pinsan ko. Napairap na lang ako sa ere. Kung ano pa ang iniiwasan at kinatatakutan, iyon talaga ang ibinabato sa atin ng tadhana! Tinaasan niya ako ng kilay, gets ko agad ang pagtatanong sa kanyang mata. I discreetly shrugged my shoulder.
"We're done for the day, Jordyn. Go inside. Your Tita has a visitor," malamig na utos ni Shy sa anak.
"Huh?" inosenteng bulong ng bata, halatang gusto pang maglaro.
"Come here," muling utos ni Shylene, hindi inaalis ang mata sa hindi ko gustong bisita.
Si Jarreau na mismo ang nagbaba kay Jordyn, naramdaman yata ang biglang pag iiba ng tono ng pinsan ko. That moment, nagsimulang kumabog ang puso ko. Hindi siya nagbabanta na hindi niya tototohanin. Kaya base sa tono at titig niya sa akin at kay Jarreau, alam kong kakausapin niya ito.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
General FictionMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...
