Hello! Finally, I have reached the last chapter of this story. It was the hardest story to write, not only because of the plot but also because I had been through a lot of ups and downs in my life. This story has witnessed me grow up, break and stand up to fight once again. I thank everyone who faithfully and patiently waited for the updates since the start up until today. Mahal ko kayo katulad ng pagmamahal ni Nei sa mga kapatid niya. 🫣
Enjoy reading and see you in Auctioned!
-----------
"Are you ready?" tanong ni Jarreau habang marahang pinipisil ang kamay ko.
Huling araw namin sa Solano ngayon at kahit pa planado ko naman na ito ang gagawin sa huling araw, hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko. Nilalamig ako. Kinakabahan. Natatakot. Natutuwa. Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman.
Tumitig ako sa puting istruktura sa harap at tahimik na binasa ang pangalan ng ospital. Hindi ako kailanman nagawi rito at siguro, walang kahit sino ang pinangarap na pumunta rito.
"You're cold," nag aalalang puna ni Jarreau nang hindi ako sumagot.
Tumango ako bilang pag amin.
Matapos ang anim na taon, makikita ko ulit si Mama. Excited ako. Masaya. Ngunit natatakot ako sa maaari kong maabutan na estado niya. Handa na ba akong makita ang resulta ng ginawa niyang pagliligtas sa akin? Hindi ko alam.
Bumaba kami ni Jarreau sa sasakyan. Mainit na ang araw ngunit naghahari ang panginginig ko habang binabagtas namin ang entrada ng ospital.
Magandang ospital ang pinagdalhan ni Tita Mercy kay Mama. Ito na ang pinakamaganda sa buong Nueva Ecija at laking pasalamat ko rin na kayang tustusan ng sahod ko sa Japan ang buwanang bill dito.
Ang sabi ni Tita, pagkadala sa akin ni Mama sa ospital ay nawalan ito ng malay. Nang magising, hanap na nang hanap sa akin. Nang dalhin naman daw sa kwarto ko ay hindi ako nakilala. Ilang beses daw akong hinanap sa iba't ibang kwarto. Nang hindi makita, nagwala raw ito at hindi makontrol ng kahit sino.
Ilang linggo siyang ganoon kaya nagdesisyon ang ospital na ipalipat na lang si mama rito.
At marahil dahil sa sitwasyon niya, walang hirap na naibasura ang kasong pagpatay na isinampa sa kanya.
"Kay Ma'am Hernandez po?" bungad ng isang nurse sa lobby.
"Opo," sagot ko sa tipid na ngiti.
"Upo po muna kayo. Heads up ko lang po si Doc."
Inilibot ko ang mata sa paligid. May papasok na babaeng pasyenteng nagsisisigaw at pilit nagpupumiglas sa hawak ng tatlong nurse. Panay ang mura nito at dumuduro sa harap, kahit pa wala namang tao roon.
Hindi ko mapigilang isipin kung kumusta na si Mama. Ganito rin ba siya noon? Mas malala ba? Sa mga panahong kailangan niya ng tulong, sa mga panahong takot na takot siya, ano ang ginawa sa kanya ng mga nurse at doctor? Inalagaan ba siya?
Hindi ko kayang tanggapin na nagkaganito si mama dahil sa ginawa niyang pagliligtas noon sa akin. Pakiramdam ko, nawalan siya ng buhay para ako ang mabuhay.
Si Mama...
Napakarami niyang pangarap para sa akin. Baka iyon lahat ang pinanghawakan at inalagaan niya nang iniligtas ako sa kamay ng tatlong rapist. Baka iyon ang nasa isip niya nang pinilit niya akong umalis at magpakalayo layo.
Alam niyang makukulong siya...o maaaring siya naman ang ipapatay. Pero kinalimutan niya ang sarili at inuna ako. Kahit pa sugatan din siya nang gabing iyon.
"Ma'am, this way po for the doctor's office."
Kaya naman pinahid ko ang nangingilid na luha. Ramdam ko ang pag aalala ng asawa sa gilid ngunit pinili nitong manahimik at hayaan akong iproseso ang mga nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
Fiksi UmumMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...
