Eighth

1K 40 6
                                    

Mahal ni Jarreau ang Mama niya. Walang duda.

Lahat ng nakakausap ko tungkol sa kanya, laging sinasabing suplado ito at mukhang arogante. Hindi namamansin. Mayabang. At isama pa ang guhit sa kilay niya, nakumpleto niya ang checklist ng pagiging bad boy.

Kaya naninikip ang dibdib ko habang nararamdaman ang mabibigat niyang paghinga. Yakap ko na siya. Nakapulupot ang matigas niyang braso sa akin, mahigpit ang hawak at halos mahawakan ko ang pagkasabik niya sa ina. Nakabaon naman ang mukha ko sa dibdib niya, una para icomfort siya. At pangalawa, para itago ang emosyong kumawala na rin sa akin.

Nangingilid ang luha ko habang inaalala si Mama at ang naging pagtatampo ko sa kanya noong nakaraang araw. Itong pag alis alis niya at parang kawalang pakialam sa akin.

Narealize ko na mas okay na siguro na ganito siya, aalis at alam kong babalik  din naman sa akin. Nakakausap, nakakasama at nayayakap ko kahit paano. Hindi katulad ng sitwasyon ni Jarreau. Kahit anong iyak, kahit anong pakiusap, kahit anong pagsisisi, hindi niya na makakasama ang Mama niya. Hindi na ito babalik sa kanila kahit kailan.

Alam ko namang lahat ay lilisan sa mundong ito. Hindi natin alam kung kailan. Walang pwera, bata o matanda. Una una lang, ika nga. Pero ang isiping mawawala si Mama, hindi ko kaya. Hindi ako kailanman magiging handa sa araw na iyon.

Ipinagkibit balikat ni Jarreau ang nangyari, para bang ayaw niya nang pag usapan pa namin iyon. Naiba niya ang topic nang ganoon kadali. Naitago niya kaagad ang emosyong lumabas kanina.

Dahil tinawag na, naglakad na kami pababa ng rancho nila. Hawak niya ang kamay ko, mahigpit iyon at hindi ko alam kung nakakatulong ba o mas nahihirapan akong ibalanse ang sarili dahil sa bakong pilapil. Nakapagreklamo lang ako nang tuluyan nang natalisod at kung hindi niya lang mabilis na nasalo, nakahandusay na ako sa bukirin.

"Kanina mo pa kasi hawak ang kamay ko!" reklamo sabay bawi ng kamay ko. 

Hinabol niya nga lang iyon at muling hinawakan.

"I'm holding you so you won't fall like that, Yassi," seryosong sagot niya na para bang totoong totoo na iyon ang dahilan. 

Maniniwala ba ako? Eh kanina lang ayaw niyang bumitiw sa yakap ko. Kung hindi pa naubo si Leticia, hindi kami maghihiwalay. Ang sabihin niya, gusto niyang maka-chansing sa akin! 

Ako naman ang ngumisi sa kanya. Nanatili ang seryoso niyang mukha.

"Weh? Ang totoo yata ay gustong gusto mo lang hawakan ang kamay ko," biro ko sa kanya sabay kindat.

Kitang kita ang agarang pagtaas ng kilay niya at ang pagnguso para pigilan ang ngiti. Inaasahan kong magiging defensive siya at agad na bibitawan ang kamay ko. Kaya naman nagulat ako nang humigpit pa nga ang hawak niya at bahagyang itinaas ang magkasalikop naming kamay. Saka siya yumuko hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tainga ko. 

"Totoo nga," bulong niya sa mababang boses. "Gustong gusto ko ngang hawak at yakap ka...baby."

Nahigit ko ang hininga ko sa ginawa niya at sandaling nanlambot ang tuhod. Pero dahil mataas ang pride ko, hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. 

Gamit ang kabilang kamay, inangat ko iyon para hawakan ang pisngi niya. 

"Ang landi mo naman, baby." I then gave his cheek a slight pat.

Natawa siya at umayos ng tayo. 

"Sa'yo lang naman, baby."

"Sigurado ka, baby? Sa akin lang talaga? No girls left in Manila?" pang aasar ko pero pakiramdam ko, may asidong dumaloy sa tiyan ko. Lalo dahil naalala ko ang naging usapan nila ni Selene kahapon. 

Pawned (Gold Digger Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon