Fortieth

1.6K 46 13
                                    

Sa halip na bumalik sa kwarto ng mga babae, nagmamadali akong pumasok sa kwarto ni Jarreau at sinarado iyon. Gulat pa ako sa nangyari kaya sapo ang dibdib.

Hindi ko alam na hinanap nila ako. Mula pa ba kaninang umaga ay ganoon na? Hindi ba lumabas si Jarreau? O kagigising niya lang din? Alam ba niyang hinahanap ako?

Ano ang dapat kong gawin? Dapat na ba akong bumalik sa mga babae at umamin na bago pa kumalat ang balita sa hindi magandang paraan? Wala akong ginagawang masama pero itong kaba ko, parang ang laki ng kasalanan ko.

Technically, kasalanan kong naglihim akong may asawa na. Tapos ay alam pa nilang may kung anong namamagitan sa amin ni Benj. Hindi naman ako nagpapaka-santo ngunit alam kong malaking rebelasyon at disappointment ang maidudulot nito sa karamihan, lalo sa mga kapwa ko Sunday school teacher.

Problemadong nakasandal sa pinto at sapo pa rin ang dibdib, sa ganoong pwesto ako naabutan ni Jarreau. Umawang ang labi niya nang natanaw ako pagkalabas na pagkalabas niya sa bathroom. Nakatapis ng puting tuwalya ang baywang niya habang hubad ang itaas. Sandali kong nalimutan ang problema nang matanaw ang mga ugat ng braso niyang sumusunod ang galaw sa bawat hakbang nito.

"Are you okay?" kaagad na tanong niya nang nakalapit.

Sinapo niya ang magkabila kong pisngi at saka hinalikan ang labi.

"Good morning. I took a shower but I planned to lie beside you again after. Is there a problem?"

Saglit akong pumikit at saka nagbuntong hininga. Kasalanan ko ito. Dapat ay hindi ako nagpatanghali nang ganito. Napag alala ko pa yata ang mga tao at ngayon, nabunyag na ang sikreto namin.

Napasandal ako sa dibdib ni Jarreau. Agad niyang ipinulupot ang braso sa baywang ko.

"Lalabas na sana ako para bumalik sa kwarto namin. Kaya lang...pagbukas ko ng pinto, nakaharap ko si Lyra," sabi ko.

Naalala ko na naman ang gulat at disgusto sa mukha niya nang ako ang makita. Hindi na lang siguro siya ang nakakaalam, baka naikwento niya na kay Jemma o sa iba pa. Hinuhusgahan na nila siguro ako ngayon, katulad ng panghuhusga na nakuha ko noon sa sex video.

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni Jarreau.

"What did she say? Did she hurt you?"

Umiling ako.

"Hindi naman. Sinabi lang niya na..."

"Na?"

"Makakarating daw ito kay Ate Hannah." Humiwalay ako sa yakap at tiningala siya. Bakas din ang pag aalala sa mukha niya. "Sigurado akong marami na silang iniisip tungkol sa akin...sa atin."

"Alam ni Pastor Dei ang...tungkol sa atin," aniya na parang nagdadalawang isip na aminin iyon.

"Alam ko. Nasabi ni Ate Hannah sa akin."

His eyes widened a little.

"Alam din ni Ate Hannah?"

Ngumuso ako at tumango. "Mag asawa sila eh. Syempre sila ang unang magka-tandem sa kwentuhan."

Ngumisi siya. "I'm excited for us to reach that part. I have a lot to tell you."

Hindi ko naiwasang matawa.

"Chismoso ka pala?"

Isang makahulugang ngiti lang ang isinagot niya sa akin at hindi na nagsalita. Tuloy, naalala ko na naman ang eksena kanina. May problema nga pala sa labas.

Nabura ang ngiti ko, dahilan para magbuntong hininga si Jarreau.

"Ako na ang bahala sa kanila. Stay here if you're uncomfortable to go out," suhestiyon niya.

Pawned (Gold Digger Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon