Thirty-seventh

1.1K 35 11
                                    

Days.

Weeks.

Months.

Nagdaan ang panahon na hindi ko na siya nakita. Kahit saan. Gaya ng hiling ko.

Hindi ko siya hinanap sa mga naunang araw. Ang totoo, ako pa ang umiwas. Hindi ako masyadong lumalabas ng room. At sa church...ilang beses akong wala sa mga services na madalas ay dinadaluhan ko.

Nang mapagod ako sa pagtatago, saka ko itinuloy ang normal na buhay. At doon ko rin napagtantong wala naman palang silbi ang lahat ng pagtatagong ginawa ko sa nagdaang araw.

Dahil kung gaano na ako katagal na nagtatago, ganoon na rin siya katagal na hindi nakikita ng mga tao.

"I haven't see Mr. Dela Siervo for weeks now," dinig kong puna ng isang teacher sa isang meeting.

Sabay sabay ang pagbaling ng mga ulo sa akin. Hindi naman nawala ang mga haka haka na may relasyon kami. Hanggang ngayon, iba pa rin ang trato ng karamihan sa akin dahil doon.

"Where is he, Teacher Yassi? Did he go back to the Philippines?" kuryosong tanong ng isang teacher.

Nilingon ko si Kazumi. Nag iwas siya ng tingin nang makita ang ginawa ko. Yumuko siya at nagtipa ng kung ano sa laptop.

Bahagya akong nakaramdam ng lungkot. Hindi naman kami close pero noon, kaswal ang pakikitungo namin sa isa't isa. Ngayon, kahit magsimula ako ng small talk, agad na pinuputol niya na iyon.

"I... don't know," alanganing sagot ko.

Hindi ko naman talaga alam kung nasaan siya. Pero guilty ako dahil alam kong ako ang nagpaalis.

"You're in a relationship with him, right? How come you don't know?"

Maliit na ngiti ang itinugon ko bago umiling.

"No. I have no relationship with him...aside from him being one of our bosses here," pinal na sagot ko na tingin ko'y tinanggap naman na nila.

Bakit nga naman iyon biglang mawawala kung talagang may relasyon kami? Hindi nag iiwanan ang mga taong nagmamahalan...kahit pa gaano katindi ang pinag awayan. Hindi natitibag ang pagmamahal.

Totoo siguro iyon...para sa iba. Pero hindi ko naman naranasan. Wala akong ehemplo ng matibay na pag ibig mula sa magulang ko kaya siguro sinukuan ko nang paniwalaan iyon.

"You know Tito Jarreau, Tita?" tanong ni Jordyn isang gabi.

Yakap ko siya, naglalambing dahil may sakit. Kalagitnaan ng Disyembre nang magsimulang umulan ng niyebe. Siguro ay nanibago ang katawan ng bata.

Nga lang, mas gulat ako sa naging tanong niya. Alam ko namang naging close sila bago tuluyang umalis si Jarreau. Sa church, palaging magkausap iyon at ang pinsan ko. Siguro ganoon din kapag nasa restaurant.

"I don't see him now. Where did he go? Mommy said you and Tito Jarreau are like Mommy and Daddy. You should know, right?" nanghihinang tanong ng bata.

Napipi ako, hindi sigurado sa mga isasagot. Bakit ba kasi ganito ang mga sinasabi ni Shylene? Oo, mag asawa kami pero hindi katulad niya at ni Mikael.

"I... don't know, eh."

Ngumuso agad ang bata dahil hindi nasiyahan sa sagot ko.

"Then maybe you can call him? Let's ask him, Tita. Please?" Lalo siyang ngumuso at nagpapungay ng mata.

Parang may tumusok sa puso ko. Ayaw ko siyang bigyan ng maling pag asa ngunit ayaw ko ring saktan ang puso niya.

"I don't have his number."

Pawned (Gold Digger Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon