Second

3.1K 78 13
                                        

Hello! Happy New Year! Apologies for the super slow updates. My eyes are giving me a hard time. I hope you started this New Year positively. We have a huge battle to fight ahead. Asking for help is never a sign of weakness. You can count on me!

Enjoy this chap!

---

"Ang weird!" malakas kong sabi sa pinsan ko sabay tulak sa paper bag na bigay ni Jarreau.

Ngumuso ako at inisip kung bakit kilig na kilig ang mga kasamahan ko sa cheer squad samantalang nawiwirduhan ako sa Jarreau na iyon. Relo rin ang laman ng paper bag, kapareho ng ibinigay sa akin ng engineering student kahapon. Pero this time, may serial number na iyon at siguradong authentic.

"So, tingin mo may hidden agenda?" Shy asked while scanning the watch.

"Parang. Lalo pa at nakita ko nga na related kay Selene. Pakiramdam ko, may plano sila laban sa akin."

"Eh ang tagal naman na nung issue niyo ah? Hindi pa nakaka-move on si Ate Girl?"

"Ewan ko sa kanya! Ni hindi ko nga tinanggap ang regalo ng ex niya. Tapos kung makasisi siya sa akin, parang inakit ko ang jowa niyang bisugo," nakairap kong sabi at natawa si Shy.

"Mga pangit pa talaga ang malakas magloko eh, 'no?"

Nagkibit ako ng balikat, pinatong ang dalawang braso sa mesa at pinulot ang cellphone na may notification ng friend request ni Jarreau. Umirap ako roon na parang si Jarreau na mismo ang inirapan ko.

"Ah basta! Hindi ko papatulan 'yan! Makas talaga ang kutob ko na may ibang plano sila," sabi ko, ayaw nang makilala pa ang lalaking iyon kahit pa nalaman ko ang extent ng kayamanan nila.

Marami palang hawak na kumpanya ang mga Dela Siervo. May gold mining na siyang pinakamaunlad sa bansa. Mayroong pearl farming at mga hacienda pa rito sa Nueva Vizcaya.

Kung tutuusin, pwedeng pwede ko namang agad i-entertain si Jarreau. Mayaman. Gwapo rin. At mukhang interesado sa akin.

Hindi ko lang magawang magtiwala kaagad sa kanya na biglaang sumulpot sa buhay ko.

"Nakakapagduda," dugtong ko pa sa naunang sinabi.

Nagkibit balikat ang pinsan ko.

"Sabagay, kung ako rin naman ay magtataka. Ang alam ko, family friend nina Ivan ang mga Dela Siervo," anito at agad akong nag angat ng tingin sa kanya.

"Talaga? Eh bakit hindi mo man lang nabanggit sa akin?"

"Hindi ko naman alam na bababa ang isang tagapagmana rito sa Aldersgate!"

"Isa pa nga iyan. Saan ba siya galing at bakit lumipat dito?"

"Ang alam ko, sa La Salle. Hindi ko rin alam kung bakit nga lumipat eh isang taon na lang naman."

"Nakakapagtaka, hindi ba?" nakanguso kong tanong sa pinsan. Tumango tango naman ito kasama ng isang makahulugang ngisi.

"Nakakapagtaka nga. At...popormahan ka?"

"Wow! Sa tono mo parang sinasabi mong hindi pang tagapagmana itong ganda ko?" taas kilay kong tanong at natawa ito.

Tumingin tingin siya sa paligid na para bang sinisiguradong walang ibang tao sa paligid. Nandito naman na kami sa bahay nila, ilang metro ang layo sa bahay namin. Walang ibang pumupunta rito, maliban na lang kung mapapasyal ang mga batang pinsan na anak ni Tito Caloy.

Siguro'y nakitang wala naman talagang tao, ipinatong niya ang dalawang braso sa mesa at bahagyang inilapit ang mukha sa akin.

"Alam mo kasi ang mga Dela Siervo, bukod sa babaero, mahilig pa sa..." Sa makahulugang ngisi, bumaba ang mata niya sa dibdib ko. "...suso."

Pawned (Gold Digger Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon