Twenty-second

1.8K 46 3
                                        

Marami pang sinabi si Tita Mercy pagkatapos noon. Malakas na rin ang naging hikbi niya at tila pinamamadali ako. Ngunit napako na lang doon ang mga paa ko, hindi ko maiangat.

Tumatakbo sa isipan ko ang mga posibilidad. Malungkot si Shylene ngayon. Hindi rin maayos ang kalusugan niya physically kaya posibleng pati nga ang mental health niya ay nadadamay.

Bumagsak ang luha ko. This time, alam kong para na iyon sa pinsan ko. Heck, she's pregnant! Iniwan siya ni Ivan sa ere kung kailan siya pinaka kailangan nito. Gaano ba kalalim ang galit niya sa pinsan ko na kahit ang sarili nilang anak ay kaya niyang itakwil at talikuran? O baka naman iyong pagmamahal niya kay Shy ang mababaw?

Wala akong ideya sa pinag awayan nila o sa kung ano ang ugat ng hiwalayan. Naiintindihan kong dumadaan naman talaga sa ganito ang isang relasyon. Hindi lang ito tungkol sa sarili, ang daming dapat ikonsidera. Pero taon ang itinagal ng pinagsamahan nila! Hindi ba dapat ay matibay na ang pundasyon ng relasyon, lalo ang tiwala?

Marami na rin silang binuong mga pangarap, sigurado ako. Ganoon kami ni Jarreau at hanggang sa pagtanda, nangangarap at pinagpaplanuhan namin. Paano pa sila? Hindi ba kasama sa pangarap nila ang pagbuo ng pamilya? Bakit kung kailan heto na at saka ipagtutulakan?

Hindi ko maintindihan. At kapag nahihirapan tayong umintindi, nauuna ang galit.

"What happened to your cousin?" iyon ang unang naging tanong ni Jarreau nang sabihin ko sa kanyang kailangan ko nang umuwi para puntahan si Shy.

Isang mabilis na sulyap ang ginawa ko sa banda ni Nei. Nakapanood siya sa akin at nakikinig. Ganoon pa rin ang mata, mukhang kuryoso at may pagkasuplada.

Hindi ko gusto ang nangyayari sa pinsan ko pero nagpapasalamat akong hindi ko na kailangan pang mag imbento ng sariling dahilan para alisin ko ang sarili sa meeting na ito.

"H-hindi ko pa alam. Pero nag aalala kasi si Tita. Hindi siya mapakali dahil kanina pa hindi matawagan si Shy. Baka...kung ano raw ang gawin," halos ay pabulong kong sabi kay Jarreau.

Kahit iyon ay nahihiya akong iparinig kay Nei. Maraming komplikasyon ang pamilya ko. Maraming chismis sa paligid na natatakot akong lalo niyang ika-disappoint kung makarating sa kanya. Sikat man dahil sa angking yaman, pribado naman ang buhay ng mga Dela Siervo. Hindi sila kailanman nasangkot sa intriga kaya baka isipin niyang marurumihan ng pamilya ko ang pangalan ni Jarreau kung magpapatuloy sa relasyong ito.

"Sasamahan kita. Tara na," ani Jarreau sabay higit sa braso ko para umalis na nga.

Napasinghap si Nei at kitang kita ko ang pagkaalarma sa mata nang balingan ko. Tumayo siya. Bakas ang iritasyon sa mukha niya habang nakatitig sa kapatid.

"Where are you going?" Nagulat akong kaya pa rin niyang palabasing mahinahon ang sarili kahit iba ang nababasa ko sa mukha.

"Emergency," si Jarreau.

"Emergency? I also have an urgent concern to bring up about the company--"

"Sa bahay na lang mamaya, Nei. We need to go."

"What? We're not even done yet with lunch!"

"Nei--"

"Jarreau, huwag ka nang sumama sa 'kin," putol ko sa kanya. Umawang ang labi niya sa akin. "Ako na ang bahala. Dito ka na lang."

Emergency nga ito at mas mapapabilis kung ihahatid niya ako. Pero ayaw kong magkasira ang magkapatid. Ngayon nga lang ulit sila nagkita. Naiintindihan kong gusto siyang makausap ni Nei tungkol sa business nila...o kung may iba pang pribadong bagay. Ayaw ko nang madagdagan pa ang mga bagay na aayawan ni Nei sa akin.

Pawned (Gold Digger Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon