Forty-first

2.2K 52 7
                                        

Pasensya na po at salamat sa paghihintay. Feels good to click that "Publish" button again.

---------------------

"Ha?" ang unang salitang lumabas sa bibig ko pagkatapos ng tanong na iyon.

Naintindihan ko ang tanong niya. Malinaw at alam kong hindi ako nabingi. Nagulat lang ako dahil hindi ko inasahan.

Nang nag usap kami kanina, wala sa plano ang pag uwi sa Pilipinas. Alam kong iyon ang tahanan ko, ang bayan kung saan ako nagmula at namulat. Hindi ko maiaalis sa akin ang kagustuhang umuwi roon.

Kaya lang...pakiramdam ko ay masyado pang maaga para rito. Marami pa akong takot. Marami pa akong mga iniisip na... tao...na naroon.

Nagpakawala siya ng mabigat na paghinga. Lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Dama ko ang pagsisisi niya sa naging tanong.

"S-sa Pilipinas?" ako muli ang bumasag sa katahimikan.

Sandali niya pa akong pinanood. Pilit akong tumawa para ipakitang ayos lang ako kahit pa naglilikot ang mata ko.

"I'm sorry. I know we're not ready for this yet. Don't worry, I said no to Kuya," aniya at saka hinalikan ang noo ko.

Mahabang katahimikan muli ang bumalot sa amin. Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niyang tinanggihan niya ang kapatid. Ngunit may bigat pa ring nakadagan sa akin.

Pamilya niya rin iyon. At siguro hindi basta basta ang sadya kaya ilang ulit na siyang tinatawag tawagan.

"May...problema sa kompanya?" tinapangan ko na ang sarili na magtanong.

"Wala naman."

"Kung ganoon...bakit ka pinapauwi?"

Sa tanong na iyon, samu't saring teorya ang nabuo. Paano kung may fiance na pala siya roon? O pamilya? O baka naman may inaayos na party ang mga kapatid niya para sa kanya dahil may ise-set up na babae?

Ikinuyom ko nang mariin ang kamao para pigilan ang nararamdaman.

"He's... getting married," anunsyo niya.

Umawang ang labi ko. Kasal...ng kapatid niya! He shouldn't miss it. Masaya at payapang magpakasal nang pasikreto ngunit siguradong ibang lebel ng kagalakan kung sumumpa ng pag ibig sa harap ng pamilya at kaibigan.

"He wants me to be his best man. I already turned it down weeks ago. He's just insistent."

"When is it? You can go. Kasal ng kuya mo 'yon. Importante 'yon," pamimilit ko.

Tinapunan niya lang ako ng matalim na tingin

"It's on the fourteenth of February. I will not go," pinal na sagot niya bago ako hinila para mahiga.

Hindi na muna ako kumontra. Mahigit isang buwan pa naman bago ang kasal at siguro naman ay mababago ko pa ang isip niya. Valentine's ang kasal. Gusto ko rin naman siyang makasama sa araw na iyon. Hindi naman big deal ang Valentine's dito sa Japan kagaya sa Pinas ngunit gusto ko rin sanang maranasan na magkasama kami sa araw na 'yon...at hindi na sa post niya lang ibinubuhos ang nararamdaman.

Bahala na! Mapapapayag ko naman siguro siya na tumuloy. Pwedeng hatinggabi namin salubungin ang Valentine's tapos ay saka siya bibiyahe papuntang Pilipinas sa umaga.

Laking pasalamat ko na hindi naman na niya binanggit iyon sa mga sumunod na araw. Nga lang, madalas ko siyang makitang aburido habang may katawagan. Hindi ko mapigilang makaramdam ng guilt sa tuwing ganoon.

"Eh bakit ba kasi hindi mo subukan na sumama? Isang araw lang naman ang kasal. Kumbaga, pagbibigyan mo lang itong asawa mo," si Shylene nang ikinuwento ko sa kanya ang tungkol doon.

Pawned (Gold Digger Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon