Fifth

1.1K 44 10
                                    

I was hyperventilating while waiting for him to answer my call.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Kung kaya nga lang, ang dami kong gamit na gusto ring ibato. At kung pwede, bubugbugin ko na rin siya. Kasi hindi ko naiintindihan kung bakit may ganito!

Anong klaseng trip ito?! Gusto niya bang magpakakuba ako sa pagtuturo sa kanya para lang mabayaran ko ang internet ko?

"Woah! Is this really true?" narinig ko ang pamilyar na baritonong boses sa kabilang linya.

Oh, finally the brute answered!

"Aldersgate's prettiest girl calling me? What a miracle!" pagpapatuloy niya sa halatang pagkamangha

Umirap ako sa ere.

"Stop playing innocent, Dela Siervo! Anong trip ito? Bakit ka nag-apply ng internet connection without my consent?!" sigaw ko, halos maputol ang ugat ng leeg ko sa sobrang pagngingitngit.

Nakita ko ang mga lalaking dahan dahan na lumalabas ng bahay, para bang takot gumawa ng ingay dahil lalamunin ko sila nang buhay kung magkataon. Umalis na rin yata si Tita Beth, naririnig ko ang iyak ni Harry sa kabilang bahay.

"Oh, that!" he pointed it out like it was nothing. Natatawa pa nga siya!

"Hindi ako natatawa, Jarreau! Hindi ko kailangan nito. Wala akong pambayad dito!" paghihimutok ko na may kasama pang pagpadyak.

Narinig ko ang pag ugong ng L300, hudyat na umalis na ang mga lalaking nagkabit ng internet.

Bwisit na 'yan! Lagot ako nito!

"You don't have to worry about it. It's billed under my name."

Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwala.

"Huh?!"

Ilang beses akong kumurap kurap habang pinoproseso ang narinig. Libre niya ito? Pinakabitan niya ako ng internet kasi ano? Ang naiisip ko lang ay para i-accept ko ang friend request niya at siyempre, magkaroon kami ng dagdag koneksyon.

Oh, gosh! Nababaliw na yata siya!

"Ipaalis mo 'to, Jarreau!" giit ko. Pagod kong ibinagsak ang katawan sa sofa. Umingit iyon.

Narinig ko siyang napabuntong hininga sa kabilang linya.

"Why? Didn't you like it? Hindi ka maglalabas ng kahit isang sentimo. Walang maniningil sa'yo."

"Paano ang kuryente? Dagdag sa kuryente lang 'to!" saad ko kahit pa pwede namang tuwing nandito lang ako saka nakasaksak ang internet.

Still, hindi ako natutuwa na may ganito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang matuwa kahit pa ang tagal ko namang pinangarap na magkaroon nito.

Siguro, dahil kay Jarreau galing.

"Then I'll shoulder your electric bill, too. I'll have someone process it. Para wala ka nang problema--"

Tinuldukan ko na ang tawag dahil lalo akong naiirita sa mga nagiging ideya niya. Saan niya ba nakuha ang ganitong ideya sa panliligaw? At wait, hindi pa naman nga ako pumapayag na manligaw siya eh.

"Maganda ka, Yasuki Yvonna. Gamitin mo sa tama. Gamitin mo para makaahon tayo sa hirap."

Muli kong narinig ang boses ni Mama. Ito ang eksaktong mga salitang nag udyok sa akin at siyang dahilan kung bakit hindi ako kailanman nakaramdam ng guilt kapag binibigyan ako ng regalo ng mga lalaki at pagkatapos ay ibebenta. Hindi ko naman hiningi ang mga iyon. At dahil binigay sa akin, may karapatan na akong gamitin ang mga iyon sa paraang gusto ko. Tama lang na pagkakitaan ko iyon.

Pawned (Gold Digger Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon