"Ay sus! Basang basa ko ang ganyang galawan at ngiti, Yasuki Yvonna!" si Shylene, mataas at masayang masaya ang tono.
Lunes ng umaga. Wala siyang pasok kaya pumunta muna rito para makigamit ng internet para raw makausap niya si Ivan. Naabutan niya akong nagluluto ng ulam. Halatang hindi lang pang isa itong niluluto ko at agad siyang nakaisip ng konklusyon.
"Pinagluluto niya si Papa Jarreau!" aniya sabay palakpak at sa nababaliw pang tawa.
Guilty dahil tama siya, nanahimik ako lalo pa sa mga nagiging mas nakakabaliw na mga konklusyon niya.
"In love ka!" tili niya ulit bago niyugyog ang balikat ko. "Inlababo ang pinsan ko!"
"Ang OA mo, Shy! Nagluto lang, in love na?"
Inirapan ko siya saka marahas na tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Muli kong hinarap ang nilulutong adobo at napailing.
Gusto ko lang naman siyang bigyan ng something para kahit paano ay makabawi sa pagpapasaya sa akin noong Sabado. At palagi din naman niya akong nililibre ng lunch tuwing magsasabay kami. Tama lang naman sigurong bigyan ko siya nito. Pero syempre, inaasahan kong matutuwa si Jarreau at kikiligin dahil pinagluto ko siya. Ako, walang malisya! Just pure gratitude.
Kaso, iba ang nasa isip ng pinsan ko. Humalakhak siya na parang walang sense ang sinabi ko.
"In denial stage! Nandyan ka na, sis! Ganyang ganyan din ako dati kay Ivan kaya alam ko." Niyakap niya ako pagilid. "Gosh! Masaya ako para sa'yo."
Pigil na pigil ang tili niya sa balikat ko. Tumatalon talon pa! Agad akong kumalas sa yakap niya at pabirong tinulak siya.
"Masaya ka kasi nagluluto ako? O sige, bukas ipagluluto rin kita para sumaya ka ulit."
"Ay nako! Tanga tangahan na naman siya. Mas pabebe ka talaga kaysa sa 'kin," reklamo niya.
Kumuha siya ng isang upuan at hinila iyon ilang dipa ang layo sa akin. Naupo siya roon, nag de-kwatro at hindi nawala ang nang aasar na ngisi kahit pa naging busy naman bigla sa cellphone.
For a moment, nagdalawang isip ako kung itutuloy ko ba ito. Wala naman talaga ito sa akin. Kaya lang, paano kung isipan din ng malisya ito ni Jarreau? Paano kung isipin niyang hulog na rin ako sa kanya?
Kinagat ko ang ibabang labi nang maalala ang post niya. Doon siya nag-confess na mahal niya ako. Kahit pa ilang beses niyang sinabi na seryoso siya at balak niya akong pakasalan, naapektuhan pa rin ako sa post na iyon.
Ang daming nag-congratulate sa akin...sa amin dahil doon. Akala nila, opisyal na kami. At nakakagulat na hindi ko man lang kinompronta si Jarreau doon. Magka-chat at magkatawagan kami nang sumunod na araw na para bang walang ganoong post, na pinagkaguluhan ng lahat.
Hindi naman siguro niya gagawing big deal ito. Lunch lang naman.
"Ang bango ah! Paturo nga para ipagluto ko rin si Ivan ko," sabi ni Shy na hindi man lang nag angat ng tingin sa akin, patuloy lang sa pagtype sa cellphone.
At dahil doon, naalala ko tuloy ang minsang nabanggit ni Kayla tungkol sa kanila ni Ivan. Ngayon lang iyon sumagi sa isip ko dahil masyadong napuno ni Jarreau ang utak ko at hindi rin naman kami nagkikita nitong pinsan ko.
Kung ibabase sa sitwasyon ngayon, mukhang okay naman sila ni Ivan. Halatang kilig na kilig ang babaita habang ka-chat ang jowa. But then, kailangan ko pa ring itanong. Para alam ko kung paano ko siya ipagtatanggol sa ibang tao na mambabato sa kanya ng ganoong chismis in the future.
"Okay na kayo ni Ivan?" pagsisimula ko.
Nakuha ko agad ang atensyon niya. Kunot na kunot ang noo nito nang tingnan ako.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
Narrativa generaleMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...
