Forty-second

966 31 4
                                    

Air-conditioned ang buong mansyon, iyon siguro ang lamig na nanunuot sa balat ko kahit pa naka-jacket naman ako.

Kanina sa daan, kitang kita ko ang pagbabago sa Maynila. Maganda na ito sa paningin ng bata at probinsyanang ako ngunit mas lalo pang gumanda gawa ng nagtatayugang gusali at tulay. Halos hindi ko makilala ang lugar.

Ngunit ang mansyong ito ng mga Dela Siervo, wala kahit isang pagbabago na tila ba malaking kasalanan ang galawin ang kahit ano. Nagsusumigaw pa rin ng karangyaan at sopistikasyon ang bawat sulok nito. Ngunit hindi ko maramdaman na pangaraping tumira rito ng kahit isang araw. Mas pipiliin ko pa rin ang iskwater na kinalakihan kaysa mamuhay sa masalimuot na mansyong ito.

Hindi ko maintindihan kung paanong lumaki na malambing at punong puno ng pagmamahal si Jarreau gayong ang cold cold naman sa kinalakihan niyang mansyon. Kay Nei, hindi na ako nagugulat na ganoon siya.

May mga kasambahay na yumukod sa ami, kinuha ang mga bagaheng dala at saka itinuro ang daan patungo sa patio. Mukhang nandoon karamihan ang pamilya nila. Lalo tuloy na nagtahip ang dibdib ko.

Bumalik sa akin kung paano nila ako trinato noong unang beses ko silang nakilala. Maayos lang kapag nasa paligid si Jarreau at pinandidirihan na kapag wala. Kung maulit man iyon, hindi na ako katulad dati na nakaasa kay Jarreau. Isang pambabastos mula sa kanila ay lilipad ako pabalik ng Japan.

Napahinto ako sa paglalakad nang harangan ako ni Jarreau. Seryoso ang mukha niya, mukhang stressed din pala siya sa pag uwi namin.

"If anything bad happens, if anyone bullies you or insults you, tell me immediately and we will fly back to Japan," mahigpit niyang bilin sa akin.

Ngumiti ako at tumango para panatagin ang loob niya. Kahit ang totoo, hindi ko iyon gagawin sa takot na masira ang mahalagang okasyon ng pamilya nila.

Pinatakan niya ng halik ang noo ko at saka hawak kamay naming nilakad ang patio.

Sa bukana ng patio, hindi ko inasahan na masasalubong namin si Nei na palabas na sana roon. Nanlaki ang mata ko at napatigil sa sobrang gulat. Bakit ko nga ba nakalimutan kung gaano nakakapanliit ang presensya ng babaeng ito?

Sumasabay ang kurba ng katawan sa suot nitong itim na sleeveless dress. At kahit pa natural nang matangkad, nagsusuot pa rin siya ng high heeled sandals kaya halos ay kasing tangkad siya ng asawa ko.

Saglit niya akong minata bago binalingan ang kapatid.

"Welcome back, little brother," sarkastikong bati niya sa kapatid at saka humalik sa pisngi nito.

"Thanks. And I'm back with my wife."

Nei raised her brow at me and then chuckled. "Of course!"

Ako naman ang niyakap nito. Sa sobrang bilis noon, hindi ko alam kung nangyari nga ba ang yakap.

"It's nice to see you again," sabi nito sa akin, ni hindi man lang nakangiti.

"Nice to see you, too," pormal na sagot ko na lang.

Dumating si Kuya Aissen at agad na niyakap si Jarreau, gulat na gulat dahil hindi inasahan ang pag uwi namin. Hindi niya pala ipinaalam sa kahit sino.

Ipinakilala ako ni Jarreau sa Kuya niya at sa mapapangasawa nito. Laking gulat naming pareho dahil nagkita na kami noon sa Japan, noong nagkaroon ng Math competition at ang anak nilang si Aidan ang nanalo.

"Small world!" natutuwang komento ni Princess, ang fiance ni Kuya Aissen.

"Oo nga. Kaya pala unang tingin ko pa lang kay Aidan noon, may pagka-Dela Siervo talaga siya."

Pawned (Gold Digger Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon