TW: Violence, r@pe, death
Please, please, please read at your own risk. I've already tried my best to write it as vague as I can but some scenes are still too much to take.
----
"G-ginamit mo lang ako para gumanti kay Mama?" pag uulit ko dahil hindi siya nagsalita.
Hindi ko alam kung bakit inuulit ulit ko pa rin kahit ang sakit sakit pakinggan. Umasa ako eh. Naniwala. Akala ko totoo na. Na lahat ng pinakita niya, puro at sinsero.
Kaya pala...
Kaya pala sa unang pagkikita namin, nilapitan niya ako kahit pa wala kaming ibang koneksyon. Kaya pala dinaan niya ako sa regalo...kasi inisip niyang katulad lang din ako ni Mama. Na papatol ako sa kanya dahil mayaman siya at mapera.
Sana naniwala ako sa isip ko. Na parang may mali! Hindi totoo ang lahat kasi laro lang pala iyon sa kanya! Pinaglaruan lang ako para gumanti sa sarili kong ina.
"Kasi si Mama ang..." Ilang beses pa akong napahikbo. "...kabit ng Papa mo?"
Naunang maka-recover si Selene. Humakbang siya sa harap ni Jarreau, para bang pilit pinoprotektahan iyon laban sa akin.
"Stop acting like ikaw ang kawawa rito! You also used him, you gold digging bitch! Mas nakinabang ka pa nga! Manang mana ka sa malandi mong nanay!" sigaw ni Selene sa akin at nagawa pang sugurin ako ng sabunot.
Sa panghihina, hindi ako nakaiwas. Bumaon ang mahaba niyang kuko sa gilid ng leeg ko habang mariing hablot ang ilang hibla ng buhok ko. Napaluhod ang isa kong tuhod sa lakas ng atake. Kahit ang manlaban, hindi ko magawa.
Nanlabo lang ang mga mata ko sa luha habang tinatanggap ang kapalaran. Patas ang tadhana. Kung ano ang ibinigay mo, dalawa o tatlong beses na higit ang magiging balik. Mabuti man o masama. Minsan, hindi direktang sa'yo ang ganti. Minsan, sa mga taong mahalaga sa'yo.
Katulad ko...na sumasalo sa mga ganting dapat ay kay mama.
"Stop it, Selene!" sa wakas ay nakapagsalita si Jarreau.
"Ouch!" si Selene habang unti unting lumuluwag ang pagsabunot. "Jarreau! Ano ba?!"
"Can you please leave?"
Akala ko ay sa akin ang utos na iyon. Dahan dahan kong inangat ang mata, handa nang angilan siya. Nagulat ako nang maaninag na mariin ang hawak ni Jarreau sa braso ni Selene.
Pagalit na pinalis ni Selene ang kamay ni Jarreau at inayos ang sarili.
"Stop this madness, please, too," banta niya kay Jarreau at bago tuluyang umalis, inirapan muna ako.
Dahan dahan akong tumayo. Naiinis akong dahil sa mga nalaman ko, hindi ako naging handa at hindi ako nakalaban. Ayaw kong nagpapatalo pero heto ako sa harap ng taong naglaro sa damdamin ko, mukhang kaawa awa at lugmok.
"Huwag mo 'kong hawakan!" sigaw ko kay Jarreau nang tulungan akong tumayo.
Tinulak ko ang dibdib niya. Inasahan kong hindi siya matitinag kaya isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya. Doon siya napaatras.
"I'm...sorry," napapaos niyang bulong kahit nakaawang ang labi.
"Sorry kasi niloko mo 'ko? Sorry kung nasaktan ako? Sorry kung naniwala ako na mahal mo ako?"
"Hindi totoong..." he struggled to find words. Ilang beses siyang umiling. "Nagkamali ako."
"Kung may hindi man nagsasabi ng totoo rito, ikaw 'yon. At ako ang nagkamali kasi...pinaniwalaan ko ang lahat ng panggagago mo sa 'kin!"
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
General FictionMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...