Thirty-eighth

2.1K 53 14
                                        

"B-Benj," naluluha kong tawag at habol sa kanya.

Malalaki ang hakbang niya kaya't nahihirapan akong abutan siya. At malamang, ayaw niya talagang magpang abot kami. Sino ba naman ang hindi magagalit kung tinanggihan ko siya sa harap ng maraming tao?

Pinilit ko naman siyang umalis kami roon at pumunta sa mas pribadong lugar, para doon ko sabihin sa kanya ang desisyon. Kaya lang, gusto niyang doon ko na siya sagutin. Siguro dahil na rin sa udyok ng mga tao.

"I can only offer friendship... I'm sorry," mahinang sabi ko, sapat para siya lang ang makarinig.

Sanay akong magpaasa ng lalaki noon, para lang sa pansarili kong interes. Pero ngayon, hindi ko na kaya iyon. Naging mabait sa akin si Benj at mabuting kaibigan, ayaw kong magkasakitan kami.

Ngunit ito na nga ang nangyayari.

Nagwalk out siya matapos ang kahihiyang idinulot ko sa kanya. Dinig ko ang disappointment maging ng mga tao sa paligid. May narinig pa akong nagsabing nag iinarte pa raw ako gayong si Benj na ito, isang Japanese-American at well established ang buhay.

"Benj, please. Talk to me," habol ko nang nakitang malapit na siya sa sasakyan.

Huminto siya at hinarap ako. Namumula ang kanyang mata. Palaging nakangiti si Benj at talagang maamo ang mukha, kaya naman marami siyang kaibigan at madaling mahalin ng mga estudyante.

Ngayon, halong galit at lungkot ang mababakas doon.

"I'm...sorry," ulit ko.

Nanatili siyang tahimik. Sinubukan kong humakbang palapit ngunit matalim na titig ang iginawad niya. Nakuha ko agad ang babala niya kaya hindi na itinuloy ang paglapit.

"I know I've told you that I only see you as a friend. But... I'd like to apologize if some of my actions confused you. Or that if I have unconsciously given you false hope."

Nanginig ang labi ko. I feel like this is the end of our beautiful friendship. Nanlalabo man ang mata dahil sa mga luha, sa harap ko mismo ay gumuguho ang ilang taong pinagsamahan namin.

Makapangyarihan ang pag ibig. It builds relationship, yes. But in a snap, it can also destruct. Katulad ng nangyayari ngayon.

"I...appreciate you so much. You became an essential part of my life here..."

"But not essential enough to be loved romantically..." paos niyang dugtong.

Napayuko ako, takot sumagot at mapalalim pa ang dulot na sugat. Tahimik akong lumuha dahil alam kong tama siya. Hindi sapat ang pag ibig na mayroon ako sa kanya para mapalitan...si Jarreau sa puso ko.

Humakbang siya palapit. Akala ko'y sasaktan niya ako sa tindi ng galit. Instinctively, I stepped back. Pero lalo siyang lumapit.

At nang nagtagumpay, binalot niya ako ng mahigpit na yakap...

"I'm sorry for putting you in that kind of pressure," bulong niya sa buhok ko.

Lalo akong naluha. Kahit nakakahiya ang ginawa ko sa kanya, siya pa rin ang humihingi ng tawad. Mahigpit ang isinukli kong yakap.

"It was wrong...to pressure you like that just to be my girlfriend. I know how much you clear it to me that you only see me as your friend. But I still tried..."

"I'm... really sorry, Benj."

"It's all on me, Yass." Bumitaw siya sa yakap at sinapo ang magkabila kong pisngi. "Give me a little time. I'll get over this."

That became one of my prayers for the coming year. Sana mapatawad ako ni Benj at mahanap niya ang babaeng para sa kanya talaga. At sana, mahalin siya nito. Buong buo ang magiging kasiyahan ko kung mangyayari iyon.

Pawned (Gold Digger Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon