Iyong trabaho nga ang umukopa ng oras ko pagkatapos ng klase. Hindi mabigat ang ginagawa dahil kadalasan, natatapos na ng naunang secretary ang gawain sa umaga bago pa ipasa sa akin. At kahit hindi rin naman mahigpit o masungit na boss si Mr. Avendaño, pinagsisikapan ko lalong magtrabaho nang maayos at tama sa oras. Minsan, higit pa sa utos ang ginagawa ko at hindi na napapansin ang oras sa sobrang pagkalibang o di kaya'y sa pagod.
Kaya naman imposibleng hindi mapansin ni Jarreau ang biglaang pagkawala ko ng oras para sa amin. Nang inamin ko sa kanya kung ano talaga ang pinagkakaabalahan ko, inasahan ko nang magagalit siya.
Ngunit hindi ganito...
"I don't understand," malamig niyang sabi pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng bahay namin. "Help me understand this because I can't."
Hindi niya ako kinibo buong biyahe kahit pa sinusubukan kong lambingin siya at humingi ng tawad. Mukhang pinigil niya ang sarili para mas mapagtuunan ako ng pansin ngayon.
Tinanggal niya ang seatbelt, muntik pa akong mapaigtad sa gulat. Nang harapin niya ako, malalim ang pagkakunot ng noo niya. Napaatras ako sa kinauupuan.
"I told you to work for me instead, right? Work for our company! Bakit diyan ka pa pumasok?" iritado at may halong hinanakit sa naging tanong niya.
Naitikom ko ang bibig at bumagsak ang balikat. Kung hindi man ako magiging guro, gugustuhin kong magtrabaho sa kanya. Kasama sa binubuong pangarap ko iyon. Iyong kahit sa opisina, sabay kaming papasok at uuwi. Sabay na kakain ng tanghalian. Gusto ko ring makita kung paano siya bilang boss.
Nagbuntong hininga ako at umiling para kontrahin ang pangarap na iyon. Hindi iyon ang tamang panahon para rito. Hindi ang pera niya ang ipantutubos ko sa sarili niyang pagmamay ari. Hindi tama iyon.
Tinanggal ko rin ang seatbelt at bahagyang umusod palapit kay Jarreau. Sapo ng dalawang kamay ko ang kanyang pisngi, hinalikan ko ang kanyang labi. Naramdaman ko ang paggalaw ng panga niya, siguro ay para pigilan ang sarili na tumugon sa halik ko.
"Doon ako nakakita ng magandang opportunity. Iyon lang ang dahilan ko," namamaos kong paliwanag pagkatapos ng halik.
"I don't believe you."
"Trust me, Jarreau. Iyon lang talaga ang dahilan ko."
"I can give you better opportunities."
Nailayo ko ang mukha at bahagyang natawa.
"Iyan nga ang ayaw ko, hindi ba? Siguradong may favoritism na agad kapag sa'yo ako nagtrabaho. Mas okay kung competency ang pagbabasehan."
Nanatili ang mainit na titig niya sa akin, kunot ang noo at para bang binabasang mabuti ang ekspresyon ko. Ngumiti ako para pagtakpan ang unti unting bumabalot na kaba sa akin.
"How sure are you that you weren't hired there out of favoritism?" mapait niyang tanong, na hindi ko agad naintindihan.
"Huh?"
"Gusto ka ng lalaking 'yon," bulong niya at saka nag iwas ng tingin sa akin.
Sa gulat ko, hindi ko napigilan ang pagsinghap. Gusto ako ni Axel? Gusto kong matawa, kung hindi lang halata ang iritasyon sa mukha niya.
Hindi iyon sumagi man lang sa utak ko. I mean, sanay akong nakakarinig ng mga lalaking may gusto raw sa akin. Pero si Axel? Kung anuman, para lang siyang kapatid para sa akin. Walang malisya ang tulong ko sa kanya kaya walang malisya rin ang tulong niya sa akin.
Mariin akong napailing.
"Hindi ako gusto ni Axel! Huwag kang mag isip ng ganyan. Tumulong lang 'yung tao," awkward akong natawa.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
Ficção GeralMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...