Hi! I'm here again to warn you that this story has dark themes and trigger warning contents that might not be suitable for all. I'm trying my best to write this as lightly as I can but it's still better to have you warned this early. You can drop this anytime you don't feel comfortable.
Thank you and Happy 10th month Crystals! Love you!
-mc
--------
Matagal bago ako nakabalik sa kwarto ni Jarreau. Kinailangan ko munang ikalma ang sarili pagkatapos ng mga ibinatong salita ni Leticia.
Bumalik na muli ang mga nawalang pagdududa ko kay Jarreau. Sa isang iglap, maging ako ay kinuwestyon ang nararamdaman para sa kanya.
Gusto ko si Jarreau. Matagal ko na itong inamin sa sarili. Ngunit sapat ba ang pagkagustong iyon para basta na lang sumalo ng insulto? Para masaktan at magtiis nang ganito?
Umirap ako at bumuga ng hangin. Saka ko na lang siguro iisipin. May sakit si Jarreau at iyon ang dapat kong pagtuunan ng pansin. Kahit sermon ang inabot ko kay Leticia, hindi ako nagsisisi na nandito ako. Natulungan ko si Jarreau.
Nang tuluyan nang kumalma, bumalik ako sa kwarto. Agad na nasalubong ko ang namumungay nang mata ni Jarreau. Nakaupo pa rin siya at nakasandal ang likod sa headboard. Tumaas ang kilay niya sa akin, hindi ko alam kung bakit.
"Bakit hindi ka pa natutulog at nagpapahinga?" tanong ko nang nakalapit.
Pinakiramdaman ko ang noo niya. Hindi na kasing init kanina. Hindi na rin naman siya naduduwal kaya siguro ay gagaling na siya sa araw ding ito.
Naramdaman ko ang unti unting paggapang ng kamay niya sa baywang ko. Sinundan ko iyon ng tingin at hindi inasahang hihilahin niya ako. Napaupo ako sa malaki niyang kama, katabi niya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ang tiyan mo?"
"Bakit ang tagal niyo yatang nag-usap ni Leticia?" pag ignora niya sa sinabi ko.
Hindi naman nagtagal ang usapan namin eh. Natagalan lang ako sa pagbalik dahil pinakalma ko pa ang sarili sa mga narinig. At wala naman akong balak na magsumbong sa kanya.
"Tsk. Dapat kasi hindi mo na ako hinintay. Sige na, matulog ka na--"
"What did she tell you?" tanong niya kasabay ng marahang haplos ng hinlalaki sa baywang ko.
Inilingan ko siya dahil alam kong wala namang kwenta ang napag usapan. May sakit siya at ayoko siyang ma-stress pa lalo. That is, kung totoo ang ipinapakita niyang pakitungo sa akin at nagkakamali lang si Leticia.
Kung sakaling totoo nga ang sinabi ng matanda, I don't think gugustuhin ko ring ikwento kay Jarreau ang nangyari. Mas lalo akong mahihirapang basahin sa kanya ang totoo. Lalo niyang pag iigihan ang panunuyo, hanggang sa tuluyan akong madala at maniwala.
Tapos pagtatawanan niya ako kasi naloko niya ako...
Muli akong umiling, mabilisang tinanggal ang kamay niya sa baywang ko at tumayo.
"Tinanong niya kung saan ko raw nabili ang isaw. Magpapabili rin daw siya," natatawa kong biro ngunit hindi natawa si Jarreau.
Gumalaw ang panga niya kasabay ng lalong paglalim ng mata dahil sa mariing pagkakunot ng noo.
"I want the truth, Yassi. Tatanungin ko rin siya kung ano ang sinabi niya sa'yo. Gusto ko lang malaman mula sa'yo kung ano talaga ang pinag usapan niyo."
"W-wala naman, Jarreau. Tinanong lang niya kung kaya ba talaga kitang alagaan na mag isa." I cleared my throat at nag isip pa ng mas maayos na alibi. "Sabi ko, oo. At kung sakali na magkaroon ng emergency, binigyan niya ako ng phone number sa mansyon ninyo para tawagan."
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
General FictionMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...
