"What do you mean nasa school si Jarreau? Ano 'yon, estudyante mo? O may anak siya doon? Omg!" litong tanong ni Shylene nang ikwento ko sa kanya ang nangyari sa school.
Ilang oras din akong nagkulong sa kwarto, walang ginawa kundi ang umiyak at pagkatapos ay matulog. Gusto ko sanang bangungot na lang ulit ang nangyari pero sigurado akong totoo iyon. Nandoon talaga siya sa school at nagkita kami.
Automatic ang pagsimangot ko nang naalala ang pagtingin niya bago magsalita kanina. Talagang ngumiti pa siya! Ano ang akala niya? Burado na lahat ng kasalanan niya sa akin dahil matagal naman na iyon? Na ganoon lang kadaling kalimutan lahat? Na naging maayos naman na ako pagkatapos ng nangyari kaya dapat ayos na rin kami?
Umirap ako sa kawalan dahil sa iritasyon.
"Sana nga may anak na lang siyang nag aaral doon. Baka mas katanggap tanggap pa 'yon," pagod kong sagot sabay hugot ng malalim na paghinga.
Kakagising ko lang ngunit pagod ko pa ring isinandal ang likod at ulo sa headboard ng kama ko.
"Eh bakit ba siya nandoon?"
"Bagong school board member."
Malakas na napasinghap si Shylene, napatakip pa nga sa bibig.
"Ayaw kitang ipag overthink pero paano kung sinusundan ka nga? Hindi ko alam kung ano ang totoong motibo niya pero feeling ko, sinusundan ka talaga niyan. Bumili lang talaga 'yan ng stocks sa school niyo para mabantayan ka," she voiced out what's obvious in my head.
"Anong gagawin ko? Paano kung saktan ulit ako?" nanginginig kong tanong.
Niyakap ko ang mga tuhod ko, nagsisimula muling dumagsa ang alalahanin.
"Ngayon mo mas kailangan si Benj, sis," anang pinsan ko.
Lito ko siyang tiningnan. Hindi ko maintindihan kung ano ang kinalaman ni Benj dito. Eh kanina nga lang, tawag iyon nang tawag sa akin nang umalis ako sa hall pero hindi ko na nilingon. Sabi ko nga, ayaw ko siyang idamay.
"Bakit si Benj?"
Nagkibit balikat si Shy.
"Kung hindi mo pa siya gagawing boyfriend, at least i-entertain mo na manligaw. Para lagi kang may kasama at hindi tayo nag aalala na may gawin sa'yo ang Dela Siervo na 'yon," paliwanag niya.
Napasimangot nga lang ako at agad na umiling bilang pagtanggi. Ayaw ko ngang madamay si Benj. Ayaw ko siyang ipasok sa gulong ito. Kung may gagawin mang paghihiganti si Jarreau, sa akin na lang. Ako na lang ang mabaliw sa takot.
"Ayaw kong paasahin si Benj. At ayaw ko nang idagdag pa 'to sa problema ko in the future. Bahala na kung anong paghihiganti ang pinaplano ng lalaking 'yon. Basta labas si Benj dito."
"Kumuha ka kaya ng bodyguard?" ibang suhestyon naman ngayon ang ibinigay niya.
Umirap ako. As if mura ang bodyguard dito. Isa pa, agad mapapansin ng mga tao kung sakaling magkaroon nga ako ng guard. Magtataka sila. At ano ang sasabihin ko lalo sa mga co teachers? Na iyong hinahangaan nilang bagong board ay naghihiganti sa akin dahil naging kabit ng Papa niya ang Mama ko?
"Saka na. Kapag kumilos na siya nang kakaiba," sagot ko na lang.
Kinabukasan, bukod sa mga gamot, nagdala ako ng maliit na patalim. Mukha lang iyong keychain kaya hindi halata sa guard inspection. Inilagay ko iyon sa bulsa ko para siguradong dala ko kahit saan.
Hindi ako mapakali. May random board inspection ngayong araw at iyon dapat ang iniisip ko pero heto ako, mas iniisip na baka makalapit na naman sa akin si Jarreau. Maya't maya ay tumitingin ako sa paligid, iniisip na may nakatingin sa akin kahit wala. Dapat ay abala na ako sa pagtuturo para kung sakaling abutan, tama ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
Fiksi UmumMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...