"I want to talk to you."
Kumabog ang dibdib ko sa narinig na iyon. Na kahit nakaalis na si Nei, natutulala pa rin ako at hindi malaman ang tamang gagawin. Nawala ang antok ko ngunit napalitan ng pagkabalisa.
Gusto niyang makipag usap. Tungkol saan? At bakit? Kami lang bang dalawa?
Ang sabi niya ay ipapahanda niya ang executive lounge para sa amin. Doon niya ako hihintayin pagkatapos kong magbihis. Hindi ko alam kung gusto ko bang tumuloy. Pati kung ano ang susuotin ay pinoproblema ko.
But, is it a good sign? Intimidating naman talaga si Nei ngunit kalmado ang aura niya kanina. Iyon ang dahilan kung bakit napapayag na lang ako na makipag usap kahit pa hindi ko naman alam kung ano ang pag uusapan.
Paano kung utusan niya akong layuan si Jarreau? Uso iyon sa mayayaman, hindi ba? Paano kung i-blackmail niya ako? Paano kung pagtangkaan ang buhay ko?
Napansin kong natataranta na naman ako at bumibilis ang tibok ng puso kaya naupo ako at kinalma ang sarili. Heto na naman ako, nago-overthink. Nei is a family. I have to give her the benefit of the doubt kahit pa ba ang dami niyang pagtataray na ginawa sa nakaraan.
Tama. Malay ko ba kung may problema lang iyong tao at gusto ng makakausap? Masyado ko naman siyang nahusgahan.
With that thought, umakyat ako sa executive lounge.
Tunog ng jazz music agad ang sumalubong sa akin. Ang isang attendant ay inalalayan ako sa kung nasaan si Nei. Nasa dulong mesa siya at umiinom na ng wine habang nakatanaw sa city lights sa labas. Madrama lang siyang lumingon sa akin nang umupo na sa tapat niyang upuan.
"Drinks, ma'am?" ang attendant.
"No, thanks," sagot ko na lang at muling binalingan si Nei.
Wala na yatang ibang ekspresyon ang mukha niya kundi katarayan. Kung tumitig ay para bang palaging tagos sa kaluluwa. Laging may panghuhusga sa malalim niyang mata. Effortless sa kanya na i-intimidate ka. Kung may eskwelahan lang para matutong mangmata ng tao, siya dapat ang principal.
Ngumisi siya sa akin at taas kilay na uminom muli sa wine glass.
"How were you in Japan?" tanong niya, na para bang isang istriktong mother in law.
Kumunot ang noo ko. Nagsisimula na siya at nararamdaman kong hindi maganda ang patutunguhan ng usapan.
Ilang segundo akong nag isip ng isasagot, takot na hinahanapan niya lang ako ng maling sasabihin.
"Maayos naman. I have a good job, a good environment. Literally a good life. I couldn't ask for more. "
Pumilig ang ulo niya sa gilid.
"Are you planning to stay there for good? Or you prefer staying here in the Philippines?"
"Hindi pa namin napag uusapan ni Jarreau. But if you'll ask me, I prefer to live in Japan. Still, I will talk to your brother about it."
Ayaw kong magdesisyon na mag isa. Gusto ko sa Japan. Komportable doon. Masaya ako roon. May trabaho at may pamilya. Doon ako nakatagpo ng kagalingan. Ayos na ako sa buhay ko.
But married life is different. In all aspects and decision making, hindi na ako iisa. Kailangan na naming ikonsidera ni Jarreau ang isa't isa at magkompormiso kung kailangan.
Hindi sumagot si Nei kaya naman mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Tumanaw lang siya sa city lights sa labas habang mabagal na umiinom ng wine.
Napaisip tuloy ako kung iyon lang ba ang gusto niyang malaman? Handa ako sa sigawan at drama. Handa ako kung sakaling mag offer siya ng pera. Alam ko ang isasagot at kung paano iyon tatanggihan. Ngunit talaga bang ito lang ang tanong niya?
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
Fiksi UmumMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...
