Pumayag na akong makitulog sa condo ni Jarreau nang gabing iyon. Niyakap niya ako magdamag, na para bang sasapat iyon sa mga araw na mawawala siya. Alam kong hindi. Ilang araw pa lang ang relasyon namin pero ilang buwan na kaming magkasama. Masyado akong nasanay na nandito siya at ngayon pa lang ang unang pagkakataon na magkakalayo kami. Sumisikip na agad ang dibdib ko habang iniisip iyon.
"Babalik ako agad. Just call me anytime you miss me. I'll drop everything for you, that's a promise," pag alo niya sa akin bago ako ibaba rito sa bahay.
Mabuti na lang na hindi umuwi si Mama kaya hindi ako nahuli. Mag isa ako sa bahay at buryong buryo maghapon dahil wala ring pasok sa eskwela.
Kahit ipinangako ni Jarreau na sasagutin niya kung sakaling tumawag ako, syempre hindi naman pwedeng ganoon palagi. Kahit gaano kayaman ang isang tao, walang sinuman ang may kakayanang talikuran ang lahat at mamuhay nang mag isa. Sobrang importante ng koneksyon at iyon ang ayaw kong mawala sa kanya dahil lang miss niya rin ako.
Isang text lang ang nagawa niya, nagsabi lang na nakarating na sa bahay nila sa Maynila at paalis na raw sila ni Nei. Nakatulog din ako kaagad kaya nang tumawag siya kinagabihan, hindi ko na nasagot.
Kinabukasan naman, ako ang naging busy sa mga quizzes at practice kaya hindi ulit nakapag usap sa tawag at puro text lang ang nagagawa, ilang oras pa ang pagitan ng mga replies!
"Yassi!" dinig kong tawag sa akin ng isang lalaki nang paalis na ako sa gym.
Kasama ko si Kayla na kanina pa ako kinukulit kung nasaan si Jarreau at kung totoo bang kami na. Paano ba naman kasi, nagpost ulit sa social media si Jarreau ng picture ko. Selfie ko iyon nang pakialaman ko ang phone niya ilang linggo na ang nakakalipas at may caption na 'i miss you'.
Kanina ko lang iyon nakita pagkagising. Nagkomento lang ako ng 'I miss you, too' tapos ay hindi na tumigil ang phone ko sa kakatunog sa dami ng notifications. Pinatay ko na lang at data at sa text na lang kinausap si Jarreau.
"Yassi, buti naabutan kita," medyo hingal na sabi sa akin ni Kita nang nakalapit.
Ngumiti ako sa kanya. Napansin ko ang dala niyang tupperware, kapareho ng ibinigay niya sa akin noong nakaraan. Mukhang kaparehong cake din ang laman noon.
Wait, para sa akin ba ulit?
"Uh, hi! May kailangan ka?" tanong ko rito. Tumikhim sa gilid ko si Kayla.
"Ibibigay lang ulit 'to."
Inabot niya nga ang tupperware sa akin. Hindi ko alam kung para saan ito. Iyong una, gets ko na dahil sa kanya ko ibinigay ang pagkain na para dapat kay Jarreau. Ngayon, wala naman akong ginawa.
Tinitigan ko lang iyon, alanganin talagang tanggapin.
"Sa akin?"
"Yeah," sagot niya na may magandang ngiti.
May itsura rin si Kit. Matangkad at galing din sa kilalang pamilya. Singkit din, mukhang may lahing intsik at iyon ang lalong nagpalakas ng dating niya.
Kung walang Jarreau at ako pa rin ang Yassi na oportunista, baka kinaibigan ko siya para sa mga posibleng benefits na makukuha ko sa kanya. Kaya lang, may Jarreau ako at ayaw ko na rin namang gatasan ang ibang tao para mabuhay.
"Para saan? I mean..."
Natawa si Kit saka kinuha ang kamay ko para ilagay doon ang tupperware.
"Gusto ko lang," malabo niyang sagot habang lumilinga sa paligid. "At wala ba si Jarreau? Kailan ang balik niya?"
"Nasa Maynila siya kasama ang kapatid. Baka isang linggo siya roon. Bakit?"
"Wala naman. May laban kasi kami bukas. Hindi ka pala makakanood," makahulugang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
Fiksi UmumMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...
