Malakas akong natawa sa sinabi niya. Lalo noong hindi na siya makatingin sa akin.
Akala ko ako lang ang hindi pinatutulog ng friend request niya. Siya rin pala. May mga gabi na natutukso na akong i-accept siya. Pero naiisip ko na sign iyon ng pagpapakita ng interest ko sa kanya kapag in-accept ko. Marami ring makakakita, mga kaklase at schoolmates.
At bakit ko nga ba iniisip ang iisipin ng iba sa akin? Si Mama ba sila?
"Kapag malaki ang bigay mo, baka makapag-load ako at i-accept na ang request mo," simpleng sagot ko.
Umangat ang dulo ng labi niya.
"You have a choice to just give your number to me."
"At ano ang gagawin mo sa number ko? Oras oras mong tatawagan?"
"If it's okay with you, I'd really do that," sabi niya sa mapaglarong tono.
"You have a lot of time in your hands, huh?"
Lalong lumuwag ang ngiti niya. Sinubukan niyang pigilan iyon sa pamamagitan ng pagkagat sa labi pero huli na. Napansin ko na.
"Let's just say... I just know how to use them especially for those I like."
"So you like me?" prangkang tanong ko.
Kanina pa siya nagpapahaging, kanina ko pa nahahalata. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon. Pero hindi ko makuhang maging masaya.
Isang hakbang palapit sa akin ang ginawa niya. Yumuko siya ng kaunti para magpantay ang mukha namin.
"Yes," seryoso niyang sagot.
Hindi ko siya binigyan ng reaksyon. Ilang minutong magkatitigan lang kami. Hinihintay kong bawiin niya ang confession na ginawa. Walang dumating.
So seryoso siya? Seryoso siya sa pag iisip na maniniwala akong gusto niya ako?
Ang seryoso ng mukha niya kaya naman pinilit kong pigilan pa ang tawa noong una. Kaya lang, nanginig ang balikat ko at hindi na naitago ang halakhak.
Kumunot ang noo ni Jarreau.
"Why?" bakas ang pagtataka sa boses niya.
Natatawa kong tinulak ang dibdib niya. Hindi man lang siya gumalaw at natinag.
"Magaling kang um-acting. Pwede nang artista!" biro ko pero hindi siya natawa.
Lalong kumunot ang noo niya, naningkit ang mata at gumalaw ang panga. Para bang na-offend pa siya sa sinabi ko.
"Acting? Hindi ka naniniwalang gusto kita?"
Nanigas ang ngiti ko dahil sa naging reaksyon niya. Kabado tuloy ako nang umiling.
"Kakakilala lang natin days ago. We're total strangers. Magugulat pa ako kung totoong may gusto ka nga sa akin."
"Strangers," pag uulit niya na para bang kinasusuklaman niya ang salitang iyon. "Should I get offended?"
"Bakit? Totoo naman, Jarreau. Ang totoo niyan, nagdududa ako sa intensyon mo sa akin. Bigla ka na lang sumulpot sa buhay ko at ngayon, sasabihin mong gusto mo ako? May plano ka, hindi ba?"
"Anong plano?"
I shrugged my shoulders.
"I don't know. I feel bad about whatever it might be. And I'm sure you won't tell me."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Yassi. Wala akong ibang plano..." Mas lumapit ang mukha niya sa akin. "...maliban sa plano kong ligawan ka."
Ha! Sabi na may plano siyang...
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
Ficción GeneralMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...
