Hindi ako mapakali. Sobrang nakukunsensya ako sa ginawa ko. It was easier if he just went with Selene but he didn't. Pinili niya ako...kahit pa itinulak ko na siya.
Ang dami niyang texts kanina, nagtatanong kung nasaan ako. Kung ano ang nararamdaman ko. Kung anong gamot ang kailangan ko. At kung bakit hindi ako sumasagot.
At ang isiping sa halip na magsaya, pinili niyang bilhan ako ng gamot at maghintay dito ang lalong nagpapabigat sa dibdib ko. Lahat ng efforts niya para sa akin kanina, nabasura nang malamang pinagsinungalingan ko siya.
Ako:
I'm sorry.
Chat ko iyon sa kanya kani kanina pero hindi niya pa nababasa. Hindi pa yata online. Kanina pa siya umalis galing dito at hindi naman kalayuan ang bahay nila kaya dapat sa mga oras na ito ay nasa bahay na siya.
Nasanay akong pagkahatid niya sa akin, ilang minuto ay magsasabi siya sa chat na nakauwi na siya. Hindi kaya may iba pa siyang pinuntahan? Baka ngayon sa inis niya ay tumuloy na siya sa gala nina Selene?
Niyakap ko ang tuhod nang nasa ibabaw na ng higaan. Hindi ako makakain. Nagbabara ang lalamunan ko at parang may dagan ang tiyan ko. I feel guilty.
Dalawa ang kasalanan ko sa kanya. Una, iyong pagsisinungaling ko na may sakit para hindi matuloy ang pagkikita namin. Pangalawa, iba pa ang tinuruan ko kapalit niya.
Sinabunutan ko ang sarili. Wala talagang naidudulot na maganda ang biglaang desisyon. Ang hirap lusutan at panindigan kapag nagkamali.
At paano kung umatras sa panliligaw si Jarreau dahil sa nangyaring ito? Paano kung nasagi ko ang ego niya? Paano kung umiwas na siya sa akin?
Magagalit si Mama! Lalo pa dahil umasa na siyang may mayaman akong manliligaw. Ano na lang ang sasabihin niya kapag sinabi kong umatras iyon sa panliligaw?
Paano ang pangarap naming makaahon sa hirap? Na makaalis dito sa lusak?
Sa ngayon, si Jarreau ang pinakamalapit na pag asa. At kung mawawala ang pag asang iyon, hindi ko alam kung makakahanap pa ako rito sa Solano o kahit sa Maynila, ng lalaking kayang tumapat sa kayamanan at kagwapuhan niya.
Takot at naiinis sa sarili, muli kong kinuha ang phone. Nanlaki ang mata ko nang makitang online na si Jarreau. Nga lang, hindi niya pa nababasa ang chat ko.
Nagtipa akong muli ng bagong mensahe.
Ako:
Psst!
I sent that one, walang ibang maisip na sabihin.
At laking gulat ko na binuksan niya ang chat! Napangiti ako sa sarili, nabuhayan ng loob na mapapatawad niya ako. Ngayong gabi rin!
Ako:
Can we talk?
Ako:
Please?
Nilagyan ko ng paiyak na emoji ang chat para cute. Agad niya ring nabasa ang chat na iyon. The three dots moved, finally! Magrereply! At pigil na pigil ang hininga ko sa paghihintay ng reply niya.
Hindi ako kailanman naging ganito ka-excited para sa reply ng kahit sino. Hindi ako interesado. Ngayon lang talaga, siguro dahil alam kong ako ang nagkamali at nanghihingi ako ng kapatawaran niya.
Kaya lang ay lumipas ang mahigit limang minuto na walang reply na dumating. Napakamot ako sa ulo. Ang hirap naman niyang suyuin!
Ako:
Magpapaliwanag ako. Please?
Walang reply. Pero agad na nababasa ang chat. Lalo akong nagkaroon ng ganang mangulit.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
General FictionMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...
