Gamit ang choppper plane ng mga Dela Siervo, lumapag kami sa Solano. Mula sa rooftop ng building, kitang kita ang pag unlad na nangyari sa lugar. Dumami ang mga imprastraktura at nabawasan ang berdeng bulubundukin. Sa kabila nito, mas sariwa at malamig pa rin ang hangin kumpara sa Maynila.
Dito ako lumaki. Dito ako nagkaisip. Dito ako nangarap. Dito ako nagmahal. At dito ako nasaktan.
Sa kabila nito, posible palang maging estranghero sa sarili mong bayan. Wala na akong kilala sa mga nakasalubong. Kahit ang hotel na pinagbabaan ng chopper, hindi ko kilala. Ang dami nang nagbago. Ngunit ang alaala ng kahapon ko, nakaukit pa rin nang malinaw sa puso at isip ko. Bawat hakbang at bawat pag usad ng gulong ng sasakyan, dumadagsa ang mga alaala.
"You seem preoccupied the whole ride," puna ni Jarreau pagkarating sa mansyon nila sa Solano.
Sa unang pagkakataon, nakakita ako ng isang lugar na hindi nabago ng panahon. Naroon pa rin ang kahanga hangang fountain sa gitna ng hardin. Hindi nabago ang mga lamp posts na naroon at ang mga halaman ay pareho pa rin, kung hindi man mas dumami ang kakaibang uri ng mga bulaklak. At ang kabuuan ng puting mansyon, ni hindi man lang mabakasan ng kalumaan.
Para bang huminto ang buhay sa mansyon at hinintay ang pagbabalik ko.
Bumukas ang pinto ng sasakyan. Hinintay kong bumaba si Jarreau ngunit nanatili siya sa loob, nakatingin pala sa akin.
"No one can ever hurt you here," pag aalo niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Kaya siguro kanina pa siya tahimik din ay pinapakiramdaman ako. At dahil marami rin naman ang tumatakbo sa utak ko ay hindi ko siya magawang pansinin.
"I assigned body guards in all the places we will visit and deployed policemen all over Solano. Walang makakalapit sa atin. You don't have to worry about your safety."
"I know," nakangiti kong sagot. "You will protect me. I know."
Sumalubong sa amin ang mga kasambahay, yumuko at nagbigay galang. Wala akong kilala kahit isa sa kanila. Kahit ang mayordoma ay iba na.
Dinala ako ni Jarreau sa rancho nila. Sariwang hangin at maaliwalas na kabukiran ang nasa harap ko. Saganang bumuhos ang mga alaala nang makita ko ang kubo.
Dito ko siya unang tinuruan noong nagpanggap siyang bagsak sa isang subject. Paraan lang pala niya iyon para makuha ang loob ko.
Tiningala ko siya. Nakangisi siya sa akin at pakiramdam ko, pareho kami ng iniisip.
"Dito mo ako unang diniskartehan," tukso ko sa kanya na lalong nagpalawak ng kanyang ngiti.
"Dito ba? Sa gym kaya," sagot naman niya.
Kumunot ang noo ko habang inaalala kung ano ang tinutukoy niya.
"I gave you a watch, remember?"
Muling nagliwanag ang mukha ko nang maalala.
"Ahh, oo! Pero hindi pa naman kita kilala noon."
"Kaya nga nagpakilala. Hindi ko alam kung paano kita lalapitan noon. But I saw how men were giving you gifts to fight for your attention."
"Kaya nakigaya ka?"
"Yes. But I made sure mine would stand out."
"Pabida ka rin pala, Mr. Dela Siervo. Parang iyong nagpaturo ka pa sa akin sa isang subject na mas magaling ka pa."
Mabilis siyang umiling.
"I still learned a lot in the way you solve those problems. You gave me new perspectives so, I still learned."
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
General FictionMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...