Napaatras ako sa gulat pero dahil hawak ni Jarreau, hindi ako nakalayo at nakawala. Ilang segundo kong pinroseso ang nangyayari.
Bakit siya nandito at bakit gusto niyang makipag usap? Iniwasan niya ako, hindi ba? Bakit ngayon ay siya itong parang sising sisi at naghahabol ngayon?!
"Mag-usap tayo, Yassi," aniya sa seryoso at mababang tono.
Nanunuyo ang lalamunan ko. Kinailangan kong ilang ulit na lumunok at umiling bago siya sagutin.
"H-hindi ako pwede." Tuluyan kong tinanggal ang hawak niya sa akin at umatras. "Sa susunod na lang."
Mabilis akong tumalikod. Ayaw kong tingnan siya direkta sa mata dahil nanlalambot hindi lang ang tuhod ko, kundi maging ang puso ko. Siguro gusto niyang makipag-ayos. Siguro may mga napag isip din siya sa nagdaang mga araw. Pero paano naman ako at ang mga iniluha ko sa nagdaang araw?
Sa isip ko, napakawalan ko na siya. Pipilitin ko na lang na maging maayos. Bakit ngayon, heto na naman siya at nanggugulo?
"Yassi, please..." Hinawakan muli ni Jarreau ang kamay ko. "Mag-usap tayo. Kahit sandali lang."
Handa na akong muling tumanggi. Handa na akong itaboy siya dahil nagsisimula na akong mairita sa presensya niya.
But then, pumagitna sa amin si Axel, isang bagay na hindi ko kailanman inasahan. Marahas niyang pinalis ang pagkahawak ni Jarreau sa kamay ko.
"Hey, she said no," si Axel na kahit takot, pilit akong pinagtatanggol.
Ako tuloy ang natakot para sa kanya nang balingan siya ni Jarreau, salubong ang kilay at matalim ang mata. Nakikita ko lang siya na ganyan sa court, kapag may mga basketball players na nahuhuli niyang titig na titig sa akin.
Sandaling nahukot si Axel nang tumuwid ng tayo si Jarreau.
"Can you please leave us alone for a while? I want to talk to my girlfriend," ani Jarreau sa supladong tono, halatang nagpipigil ng iritasyon.
But Axel stepped forward, effectively hiding me behind him.
"Girlfriend? I'm sure you aren't talking about Yassi. Kasi wala siyang boyfriend."
Gumalaw ang panga ni Jarreau at naningkit ang mata sa lalaking nasa harap.
"Who are you? Someone trying his luck at my girl?" asik niya kay Axel.
"Your girl? You're not even her suitor, as per Yassi," natatawang balik ni Axel.
Kaya bumalik din sa akin ang matatalim na titig ni Jarreau. Muntik akong mapaatras sa kakaibang takot. His gentle eyes were nowhere to be found now.
Lalo akong nagtago sa likod ni Axel. Hindi nga lang makatakas nang tuluyan sa mainit niyang titig.
"I made my intentions clear, right? Nanliligaw ako. Gusto kong maging boyfriend mo. Kailan ako tumigil sa panliligaw sa'yo?" iritadong tanong ni Jarreau sa akin.
At ang mga ginawa niyang pilit kong kinalimutan sa nagdaang araw ay bumalik at bumaha sa isipan ko dahil sa naging tanong niya.
Kailan siya tumigil sa panliligaw? Hindi ba't siya itong naunang tumangging makipag usap? Hindi ba't siya ang naunang umiwas? Hindi ba't siya ang walang reply sa mga chats ko? Siya ang may kasamang ibang babae?
Hindi pa ba sapat na senyales ang mga iyon na huminto na nga siya sa panliligaw sa akin? At kung hindi nga siya huminto, ako pa rin ang may karapatang magdesisyon sa ligawang ito.
Dumiretso ako ng tayo at matapang na sinalubong ang mata niya. Unti unti kong ibinuka ang bibig ngunit naramdamang tuyo ang lalamunan kaya kinailangan kong tumikhim. Jarreau looked impatient for my answer, yet something in his eyes suggests he's also afraid of what I'll say.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
Ficción GeneralMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...