Jarreau:
I'm already at school. Was asked to go early for practice. I won't be able to pick you up.
Namuo ang bikig sa lalamunan ko habang binabasa ang chat ni Jarreau. Inumaga na at lahat, ramdam ko pa rin ang lamig ng pakitungo niya.
Kagabi nang ibaba niya ako rito sa bahay, kahit may takot pa sa puso ko ay nag offer ako na mag usap kami. Alam kong may kasalanan ako sa kanya, at dahil sa ginawa ko ay nasugatan pa siya sa pagliligtas sa akin. Gusto kong magsorry sa pagsisinungaling ko at sa naging sugat niya. Gusto kong magpasalamat sa pagtatanggol niya sa akin...at sa hustisya na isinulong niya para sa akin.
Nga lang, hindi ito pumayag at umuwi na lang.
"We'll talk tomorrow. You need to rest," linya niya sa mababang boses at walang mabakas doon kundi lamig at distansya.
Hindi ko na ipinilit pa. Tumango na lang ako at tahimik na pumasok sa bahay. Ilang beses akong nagising sa kalagitnaan ng gabi, hinahabol ang hininga at walang tigil ang daloy ng luha dahil paulit ulit na binabangungot. Paulit ulit na nakikita ko ang mukha ng matanda. Paulit ulit na tumataas ang balahibo ko sa ngisi niya. Paulit ulit na nararamdaman ko ang kamay niya sa balat ko. Paulit ulit na tinatakbuhan ko siya para lang makatakas.
Hindi na ako nagtangkang pumikit at matulog mula alas tres ng madaling araw. Hinintay ko na lang na magliwanag at nagdesisyong maluto ng lunch bilang peace offering ko kay Jarreau.
Kaya lang, itong text message nga na ito ang bumungad sa akin.
Wala akong choice kundi ang pumasok sa school nang mag isa. For the first time, paranoid ako sa paligid. Pakiramdam ko ay may nakasunod o nakatingin sa akin habang naglalakad kaya ilang beses akong lilingon lingon sa likod. At tuwing iniisip ko na isang manyak ulit ang makakasalamuha ko, nanginginig ako sa takot.
Kahit ang mga kaklaseng lalaki, hindi ako komportable sa mga simpleng ngiti. Kahit lumaki akong walang ama o mga kapatid na lalaki, madali akong makisalamuha sa mga lalaki, siguro dahil natuturuan ako ni Mama kung ano ang dapat gawin o sabihin para makuha ang atensyon nila at maligawan ako.
Ngayon lang ako nailang sa kanila. At iisang lalaki lang ang pakiramdam ko'y ligtas na makasama.
Si Jarreau.
Pagkatapos ng klase, nag-send ako sa kanya ng text message. Tinanong ko kung nasaan siya para maiabot ko ang nilutong pagkain. Syempre, pasimpleng paraan ko na rin iyon para makausap siya at makahingi ng tawad.
Ang kaso, hindi siya sumagot. Nagdesisyon akong puntahan na lang siya sa classroom nila dahil kung hindi, mauubos ang oras ng lunch break ko.
Nasaktuhan kong nagsisilabasan ang mga kaklase ni Jarreau, maingay at nagkakasiyahan sa hindi ko malamang dahilan. Katatapos lang siguro ng klase nila kaya hindi ako mareplyan. Nginitian ko ang mga lumalabas, kahit hindi ako masyadong komportable.
"Hi, Yassi!" bati ng lalaking kaklase at ka-team ni Jarrea sa basketball.
Alanganing giti ang naging sagot ko. Bumaba naman ang mata nito sa hawak ko.
"Kay Jarreau?" tanong nito.
Hindi na ako nakasagot dahil saktong lumabas din ng room si Jarreau. Lalapit sana ako pero agad ding napako ang mga paa sa kinatatayuan. Umawang ang labi ko nang makita ang tatlong babaeng kasama niya. Nagtatawanan sila at ang isa, nakakapit pa sa kanya. Hindi niya ako napansin dahil titig na titig sa babaeng iyon na may ikinukwento yatang nakakatawa.
Pinigilan ko ang sariling maapektuhan. Wala lang ito. Kaklase lang iyan ni Jarreau at syempre, nagiging kaibigan niya. Ako ang nililigawan niya. Ako ang gusto niya. Pinatunayan niya iyon kagabi...nang iligtas niya ako sa manyak.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
General FictionMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...