Masamang masama ang loob ko dahil sa nangyari. Pakiramdam ko, naisahan ako ng bwisit na Dela Siervo na ito. Nautakan ako at talagang dumirekta siya sa kung saan hindi ako makakatanggi.
Marami pang sinabi si Ma'am, mga bilin at siguro'y ilang tips din para kay Jarreau pero wala akong naintindihan. Busy akong magmukmok.
Matalim ang mga titig ko kay Jarreau habang ito ay walang ginawa kundi ang ngumiti lang sa akin. Umirap ako sa kanya at paglabas ni Ma'am, pinalo ko agad ang balikat niya, kasi iyon lang ang abot ko.
"Aray!" reklamo niya kahit natatawa. "Ang bigat pala ng kamay mo kahit ang liit mo?"
"Anong ibig sabihin nito? Bakit biglang ikaw na ang tuturuan ko?!" tanong ko na hindi na pinansin ang sinabi niya tungkol sa palo ko.
Lumawak ang ngisi niya. He even cocked his head to the side, probably to irritate me more.
"Our professor had said it. I need help in this subject so..." Nagkibit balikat pa ito.
"Hindi ako naniniwala. Financial Accounting and Reporting was a piece of cake for you--"
"And you said that we don't have the same pace and level of learnings, right? Mahina ako rito," pagputol niya sa sinasabi ko.
"Mahina? Tama ang lahat ng identification pero iyong computation, parang sinadya ang pagkakamali!"
"Woah!" Natatawa niyang itinaas ang kamay. "Why would I do that? Why would I risk getting the shame when I could've gotten the pride for the highest score?"
Natahimik ako dahil may punto siya pero hindi ko inalis ang matalim na titig sa kanya. Hindi rin nawala ang nakakainis na ngiti niya.
I gritted my teeth, took a deep breath before I started walking out of the room.
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili. Ayos lang naman na turuan siya, hindi ba? Ginagawa ko naman sa iba ito. At ano naman kung alam naman niya talaga ang lesson? Hindi ba't mas ayos iyon dahil mapapabilis ang serbisyo ko sa kanya pero ganoon pa rin ang bayad?
Tama! Bahala siya. Ang mahalaga, bayaran niya ako para sa pagbalik ni Mama, bukod sa maipaghahain ko ng masarap na pagkain, may maibibigay pa ako sa kanya. Para naman manatili na lang muna siya sa bahay. Dadalawa na nga lang kami sa buhay, hindi pa mabuo buo.
Bumuntong hininga ako nang mapansing kumalma na nga ako. Sandaling oras, kapalit ng grasya. Kaya ko na sigurong pagtyagaan ito.
Kaya lang, natigilan ako sa paglalakad nang may marahas na humila sa kamay ko.
"What the--"
"Where're you going?" tanong ni Jarreau.
Agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at tiningala siya.
"Library! Saan pa ba?"
"Not there," aniya sa nagpipigil na ngiti. "I know a place."
"Huh? Sa library lang ako nagtuturo."
Napanguso siya.
"Then can you make an exception for me? I'm more focused when studying in front of our fields."
Kumunot na ang noo ko. Fields? Balak niya akong dalhin sa teritoryo nila? At fields? Bukid?!
"S-saan?"
"Sa lupa namin. Malapit lang dito."
"B-baka gabihin ako," sagot ko na lang bilang pagtanggi pa rin, inaalis ang negatibong naiisip sa salitang bukid.
"So you have a curfew? At what time should I take you home?"
"Before five," I cleared my throat. "Kaya mo?"
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
General FictionMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...
