Para sa mga walang ka-date na tulad ko. Happy Valentine's!
---
Sabi ko, gusto kong makita mismo ng mata ko na may girlfriend na siya para sa peace of mind ko. Ganoon naman ang nangyari. Halatang may kung ano sa kanila ni Kazumi.
Pero bakit ganoon? Isang kita ko lang sa regalo kong bracelet ay nagulo na naman ako?
Ano ba kasi ang dahilan kung bakit suot niya pa iyon? Itinatapon na ang mga bagay na magpapaalala sa nakaraan. Lahat ng mga bigay niya sa akin noon, wala na. Bakit ko naman itatago? Hindi sa pagiging bitter pero hindi ba iyon ang rule kapag ex na?
Bakit niya pa isusuot iyon tapos kapag nasasalubong ko naman sa school, hindi siya namamansin? Hindi nga rin makalingon man lang. Masungit lang ang mukha niya at diretso ang mga mata sa daan. Wala siyang binabati kahit sino, kahit pa binabati siya ng ilang teachers na nasasalubong.
Suplado!
Isang tingin lang talaga niyan sa akin, iirapan ko siya at hindi ako mahihiya.
Kanina pa ang daming kwento ni Benj pero kanina pa lumulutang ang utak ko sa kalsada. Ginabi ako ng uwi dahil todo ang review namin ni Toshiro lalo ngayong papalapit na ang competition. Mabuting hinintay ako ni Benj at ang sabi, sa church na kami didiretso para sa midweek service.
Huminga ako nang malalim, pilit na inaalis sa isip ko si Jarreau at ang akto niya nitong mga nakaraan. Sabi ko, ikatatahimik ng isip ko ang makita siyang may bago na. Parang lalo pa akong nagulo. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili.
Noong mga nakaraang linggo lang, ayaw ko siyang makita dahil sa sobrang takot. Ngayon naman...
Ugh! Hayaan mo na nga siya, Yassi! Basta walang masamang plano. Masaya na dapat ako doon!
Pero wait, paano kung annulment ang habol niya? May Kazumi siya. Posibleng gusto niya na iyong pakasalan at nandito siya para kausapin ako sa annulment.
Hindi ba't win-win situation iyon para sa akin?
"So what time will you be leaving for Singapore next week?" nahugot ni Benj ang atensyon ko mula sa malalim na dagat ng kaisipan.
Sa isang linggo na ang competition ni Toshiro pero kung ano ano pa ang nasa utak ko. Sisisihin ko talaga ang sarili ko kung hindi siya mananalo.
"I have to leave at five in the afternoon on Tuesday," sagot ko.
"Can I drive you to the airport, then?"
Saglit kong tinitigan si Benj at sinuring mabuti kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Sabi kasi ni Shy, pwede ko naman siyang subukan. Mabait naman ito at palaging inuuna ang kapakanan ko. Pero hindi talaga magawa ng puso ko na pagbigyan siya ng higit sa pagiging kaibigan.
Siguro pagkatapos ng annulment, bubukas ang pinto ng puso ko para sa iba. Magiging magaan na sa akin na umibig ulit. Siguro iyon lang ang hinihintay ng puso ko.
Sana lang maintindihan ni Benj...
"I appreciate the offer, Benj. But the school will provide a shuttle for me and Toshiro's mom."
Nakita ko ang palabiro niyang pagnguso.
"Aww. I think I'll have to send an application to be the school driver, then," biro niya na tinawanan naming pareho.
At six thirty, nakarating kami sa church. Magandang ngiti ang sinalubong sa amin ng mga ushers, kasama si Ate Hannah at Pastor Dei. Maganda ang ngiti ng mag asawa sa amin, hindi katulad nina Lyra at Jemma, ilan sa mga ushers na nanunuri kaagad ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Pawned (Gold Digger Series #2)
General FictionMayaman lang ang pwedeng manligaw kay Yassi Hernandez. Iyon ang pinakatumatak na utos ng Mama niya sa kanya. Kaya mula nang nagkaisip at natutong makisalamuha sa mga lalaki, mayayaman lang ang pinapansin niya. Biglaan at hindi inaasahan ang naging p...