Twenty-first

1.1K 32 4
                                    

Makapangyarihan nga siguro ang pag ibig. Binabago tayo nito. Kung para sa ikabubuti o sa ikasasama, depende siguro sa tao.

Gusto kong paniwalaan na inilalabas ni Jarreau ang lahat ng magaganda sa akin. Hindi na ako naghahangad ng mga materyal na bagay. Hindi na ako naghahanap ng atensyon ng iba, kay Mama na lang. Kung dati puro future ang iniisip ko, ngayon naman ay nagkaroon ako ng pagkakataong sulitin ang kung ano ang nasa kasalukuyan.

Siguro'y nasasaktan lang ang tao depende sa kung gaano kalaki ang pagmamahal at tiwalang ibinigay sa isang tao. Iba't iba ang ugali ng tao. Iba't iba ang paraan ng pagmamahal. Iba't iba rin ang pagtugon sa sakit at pighati.

Palagi kong sinasabi na natatakot ako sa pag ibig na nararamdaman ko para kay Jarreau. Pakiramdam ko, kaya nitong baliin ang lahat ng prinsipyo ko sa buhay. Wala akong kahit anong materyal na bagay kaya natatakot akong pati iyon ay mawala pa sa akin.

Dahil unti unti kong nakikita na iyon nga ang nagagawa ng pag ibig sa pinsan ko.

"I'm just worried about her studies, Yassi. Matalino at masipag si Shylene. Huling taon niya na sana ito pero kung magtutuloy tuloy ang absences niya at missed quizzes, baka mapag iwanan na siya," malungkot na sabi ng adviser ng pinsan ko nang ipatawag ako nito isang araw.

Madrama akong bumuntong hininga.

"Ilang araw na po kasing may sakit, Ma'am. Ilang beses ko na pong inayang magpatingin pero ayaw niya eh. Matigas po kasi ang ulo noon kapag may sakit. Si Tita lang po ang nakakapag alaga nang maayos sa kanya kaya po siguro ang tagal niyang gumaling," pagrarason ko.

Half truth iyon. Totoo kasing ilang araw na siyang may sakit. Nagsusuka siya at nilagnat pa nung minsan. Hanggang ngayon matamlay pa rin nga. Pero hindi dahil hindi si Tita ang nag aalaga sa kanya.

Alam kong ang break up nila ni Ivan ang ugat ng lahat. Hindi siya nakakakain. Laging tulala. Laging umiiyak. Laging walang gana sa buhay. Namamayat na at namumugto ang mata.

If love can bring out the best in someone, it can also bring out the worst. At iyon ang mahirap. Sa sobrang makapangyarihan ng pag ibig, minsan kahit ang sarili natin, hindi na ito kayang kontrolin. At hindi ba, mas madaling magpalamon sa masasamang gawi kaysa mabuti?

Walang nagawa ang adviser kundi ang mapailing at paalalahanan akong kailangan kong makumbinsi ang pinsan kong bumalik sa pag aaral.

"Jarreau! Ah...teka lang." Halos mawalan ako ng kontrol sa sariling boses dahil sa mga ginagawa ni Jarreau sa katawan ko.

Sinusukat ko ang dress na binili niya para sa akin, iyong isusuot daw para sa lunch kasama ang kapatid niyang si Nei. Ang tagal naming nag away tungkol dito dahil hindi ko nagustuhang gumastos pa siya para sa sasandaling oras na iyon.

At ngayong ngang pumayag na ako, ipinapataas ko lang ang zipper ng dress sa likod pero sa halip na gawin iyon ay gumapang ang kamay niya sa loob para damhin ang dibdib ko. Akala ko ay iyon lang ang gagawin niya, kaso bumaba ang kamay niya sa ibabaw ng panty ko.

"I want you better with nothing on," namamaos niyang bulong sa tainga ko nang bumagsak ang dress hanggang sa paanan.

Suminghap ako at pinilit na ibalik ang sarili sa katinuan. Kapag bumigay ako, baka magkaroon kami ng Jarreau Junior kaya hindi pwede.

"Akala ko ba next...ahh." Hinawi niya ang panty ko at pareho naming naramdamang basa na ako. "...next week pa natin 'to gagawin?"

Mahina siyang natawa. "Next week ipapasok. Pero itong hawak, pwede kahit kailan, 'di ba?" pagrarason niya sabay lalong bukas ng hita ko.

Umirap ako at hinayaan na lang siya. Para akong lantang gulay na bumagsak sa balikat niya matapos ang ilang beses na panginginig. Mahigpit niya akong niyakap habang nasa kandungan niya ako sa ibabaw ng kama. Nang halikan niya ako, hindi ako nakatugon.

Pawned (Gold Digger Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon