Cyan's Pov
It could be one last chance,
It could be one last chance,
It could be one last time in your arms
Naputol ang pakikinig ko ng may nagtanggal ng earphone sa aking tenga. Here we go again, nandito naman 'tong bungangera kong kaibigan.
"Are you even listening Cyan?"
I rolled my eyes, may sinasabi ba siya? Wala akong narinig e, malamang wala dahil naka earphone ako.
I'm Cyrene Louise Villegas,pero tinatawag nila akong Cyan ewan ko ba kung bakit. Ang layo kaya ng Cyrene sa Cyan. 17 years old known as the Campus Queen. I'm a 2nd year college student. Hindi ko alam kung bakit ako napili as Campus Queen ng Shin Woo University, simula high school hanggang ngayon ganun pa rin. Pagtinatanong ko sila kung bakit, ang sagot nila ' ikaw, dahil you have the looks and the brain ' ganyan pa rin ang sagot nila hanggang ngayon.
"Are you done daydreaming?" sinimangutan ko lang si CJ pero Christine Joy ang totoo niyang pangalan. She is my best friend, ewan ko ba kung saan ko siya napulot at sobrang ingay niya.
"Punta na ako sa next class ko." pagpapaalam ko sa kanya, hindi ko siya hinintay sumagot. I know it's a bit rude pero drama ko lang 'yon. Alam niyang nagkukunwari lang ako sa pagiging rude, well who know's na ganoon talaga ako. They can't change me, ako lang ang may kakayahang mapabago ang sarili ko, whether they like it or not.
Nagmamadali akong pumunta sa next subject ko, sino ba kasi ang gumawa ng patakaran na kailangan pa ang estudyante ang pumunta sa room ng kanilang subject teacher? Kung sino ang may alam, pakisabi na lang sa akin at masakal ko.
"OMG, ang gwapo niya talaga."
"He's my dream guy."
"I hope na mapansin niya ako."
Iyan lang naman ang naririnig ko, sa totoo lang mga ambisyosang frog 'tong mga babaeng mukhang espasol at punong-puno ng colors ang mukha akala mo naman magaganda.
Is this what they call GGSS, Gandang-ganda sa sarili. Hindi ba sila nahihiya tumitili sila akala mo ang hihina ng boses ang lakas-lakas pa naman mukhang nakalunok ng megaphone.
"Ang gwapo niya talaga." okay, let's just say curiosity kills.
Tinignan ko ang lalaking tinutukoy nila, I know I'm being tsismosa, but I can't help it. Hinahanap ko pa rin ang kanilang tinutukoy, habang nilalagay ko ulit yung earphone ko sa aking tenga. I spotted a guy.
I think iyon ang tinutukoy nila. He's not bad mukha siyang tao.
"Hindi naman gwapo, baka gago ka mo." bulong ko, hindi ko sila pinansin. Maglalakad na sana ako ng harangan ako nang lalaking mukhang bakulaw.
"Ako gago?" okay, edi narinig niya ang sinabi ko kanina. I thought walang nakarinig or I'm just assuming na wala talagang nakarinig.
"Tinatanong pa ba 'yon? Akala ko alam mo." Geez, this guy is so arrogant. Siya gwapo?
"Nahiya naman 'yung kagwapuhan ko sa laki ng pisngi mo." wait, what?
"Wag mong idamay ang pisngi ko." tinitigan niya ako na para bang sinusuri, kaya napatitig din ako sa kanya.
"Hindi ka ba nabibigatan sa pisngi mo?" this guy is getting on my nerve.
"Whoever you are, wala ka nang paki sa pisngi ko. Hindi ko nga pinapakialaman yang mata mong may maleta idagdag mo pa 'yung pouch." sa sobrang inis ko sa kanya nagwalk-out ako. Anong karapatan niyang husgahan ang pisngi ko?
"I'm Cyler The Campus Heartthrob!" sigaw niya. Like I care kung ikaw ang Campus Heartthrob. Aanhin ko ang pagiging heartthrob mo?
Hmmm... napaka antipako, I hate to admit it gwapo nga siya pero he's being so pathetic, paki ko sa kanya.
"Hi Cyan!" 'yan ang naririnig ko palagi kapag pumapasok ako ng classroom, halos nagsasawa na nga ako eh. Gusto ko maiba naman 'yung may thrill.
"Sis Cyan, totoo ba 'yon?" nabigla ako sa pagsulpot ni CJ.
"Ang alin?"
"You're hiding something. Aminin mo nga?" may tinatago ba ako? sa pagkakaalam ko wala.
"I don't know what you're talking about." sa hindi ko alam. Anong magagawa ko?
"I'll get straight to the point, may gusto ka ba sa Campus Heartthrob?" napa-huh? 'yung bakulaw na yun.
"Me? May gusto dun? Hindi ko nga kilala 'yon, atsaka kung makikilala ko man iyon it will be the death of me." hindi na ulit nagtanong si Cj, what for? I'm already pissed.
Ikaw ba naman paghinalaan may gusto dun sa lalaking may maleta ang mata
"Kapag minamalas ka nga naman at naging kaklase mo ang malaking pisngi." bakulaw alert!
"Yeah, right. Kapag tinamaan ka ng langyang kamalasan at nakasama mo ang lalaking may maleta sa mata dito sa apat na sulok ng classroom." hindi ako papatalo, ano siya sinuswerte? pagkatapos niya ininsulto ang pisngi ko.
"Hindi ka ba nabibigatan sa pisngi mo?" what the?
"Hindi ka ba nabibigatan sa mata mong may maleta?" take that, Mr. Whoever you are.
"Easy there, halimaw na may malaking pisngi." Okay, that's below the belt.
"Sinong tinatawag mong halimaw!? Ako!? Hoy, lalaking panget, ikaw ang nagmumukhang halimaw!" sigaw ko sa kanya, halos mawalan na nga ako ng hininga.
"Mr. Fernandez and Ms. Villegas, bawal ang LQ dito kaya lumabas kayo!" sigaw ng professor namin. Lumabas ako ng classroom with full of frustration.
"Halimaw ka talaga, Ms. Campus Queen." I glared at him.
"Ang panget mo, I didn't know na ikaw ang Campus Heartthrob."
"Now you know." masapak ko nga 'to.
"Yeah, now I know na panget pala ang Campus Heartthrob." I hissed at him. I started walking nang sabayan niya ako sa paglalakad.
"Just so you know, I'm Cyler Rhynz Fernandez." he winked at me. Ano siya madadala niya ako sa charms niya?
"Gagawa lang ako ng mental note na your initial is CR short for comfort room, kung saan nilalabas ang taeng katulad mo. Baka makalimutan mo I'm Cyrene Louise Villegas your worst enemy." I waved at him.
I left him jawdropping in the middle of the hallway. Ano bang magagawa ko? He provoked me, kaya lumabas ang masama side ko. Magiging masaya to, lalo na't puno ng bangayan, awayan at asaran ang buong sem na ito. Let's just hope for the best.
BINABASA MO ANG
The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)
Teen FictionThis story consists of works of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. No...