Chapter 7

8.1K 254 22
                                    

Cyler's Pov

"Cyler Rhynz Fernandez, sinungaling ka rin no?" tanong sa akin ni Ate Xie. Nandito siya sa bahay para kulitin ako.

"Sinungaling? medyo lang." biro ko sa kanya tumawa lang si Ate Xie sa sinagot ko. Napailing ako isa pa to malakas rin ang sapi sa utak.

"Medyo? Nababaliw ka na talaga. Sige na praktisin mo na yung kanta." sabi ni Ate Xie.

Yes, marunong talaga akong kumanta, sumayaw, tumugtog ng gitara. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang papel na kanina pa tinuturo ni Ate Xie. Nagsimula nang tumugtog si Ate Xie.

~Beauty queen of only eighteen

She had some trouble with herself

He was always there to help her

She always belonged to someone else~

Tinignan ko si Ate Xie kasi siya naman ang kakanta sa susunod na stanza. Ate Xie has a really nice voice yung mapapa-wow ka talaga.

~I drove for miles and miles

And wound up at your door

I've had you so many times but somehow

I want more~

"Galing naman." sabat ni Ate Eliza, she was smiling ng walang katapusan. Maganda rin ang boses ni Ate Eliza. Both of them si Ate Xie and Ate Eliza silang dalawa ang lagi kong ka-duet tuwing napagtitripan kong kumanta.

"Wala kang pasok ngayon, Ry?" tanong ni Ate Eliza na may pagbabanta she was eyeing me na para bang may mali akong nagawa.

"Mamaya pa ako papasok, tatapusin ko muna yung plates ko para maipasa ko na." saad ko habang nililigpit ko ang aking mga gamit.

"Tinatapos ang plates? May tinatapos bang nakikipag-duet ka na naman kay Xie." tumaas ang kilay ni Ate Eliza. There she goes again nagiging nagger na naman siya.

"I like that girl, yung si Cyan." pag-iiba ni Ate Xie sa usapan.

"Ate Xie, hindi ko nga yun type. Yung halimaw na yun." lumukot yung mukha ko.

"Hindi raw type? Yang kaartehan mo Cyler Rhynz sobra na." tinignan ko ng masama si Ate Eliza kagabi pa niya pinagpipilitan na bagay kami ni Cyan.

Kami bagay? Asa pa kayo? Ikakamatay ko yun. Kadiri.

"Totoo naman talaga. May spark kayo. Yung sa ilaw na spark parang ganun." isa pa tong baliw.

"Xiellene Fernandez Aragon and Eliza Fate Fernandez, shut up na lang kayo." tumayo ako sa sobrang inis. Alam nila pagnaiinis ako kasi complete name talaga yung pang roll call.

"Papasok na ako!" sigaw ko sa kanilang dalawa Ate Xie gestured me my guitar. Kinuha ko na yung gitara ko at lumabas na ng bahay. Mamaya pa talaga ang pasok ko kaso lang mukhang mapapaaga ang pagpasok ko dahil sa dalawang yun.

"Ry?" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Si Ate Xie lang pala.

"Bakit?" nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"Hindi ka makakapagmotor dahil dala-dala mo yang plate mo, ihatid na lang kita tutal dadaan rin naman ako sa school niyo." pagpresinta ni Ate Xie.

Dahil isa akong masunuring bata sumakay ako sa kotse ni Ate Xie. Pagkapasok ko pa lang naamoy ko yung air freshener ni Ate Xie sa kanyang sasakyan.

"Ate, pwede dahan-dahan ka lang sa pagdadrive baka mamatay ako ng maaga." paghingi ko ng pabor sa kanya.

"Ryler,wag kang praning wala ako sa racetrack. Kung makapagsabi ka ng ganyan para bang racer ako." sagot ni Ate Xie

The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon