Chapter 25

4.2K 155 4
                                    

Cyan's Pov

Kanina ko pa tinitigna kong nagtext na ba si Ryler pero wala pa eh ni isang 'Hi' man lang pero saklap wala.

Bat ko nga ba siya iniisip? This is the reason why I hate drugs. Psh, nasali pa talaga ang drugs.

Teka, saan ba talaga ako pupunta? Ngayon ko lang nahalata kanina pa pala ako nagpalakad-lakad sa park. Dyahe naman eto na ba talaga ang epekto niya sa akin.

Yung lalaking yun. Yung Cyler Rhynz Fernandez na may initial na CR short for comfort room. 

Oo, CR talaga kasi nga Cyler Rhynz eh. Why not, instead of calling him Ryler I should call him C.R para mas unique.. Natawa na lang ako sa iniisip ko.

"Cyrene! Wait up." napatigil ako sa paglakad dahil narinig ko ang boses ni Achilles na tumatawag sa akin.

"Cyrene, alam mo bang kanina lang kita tinatawag." sabi niya sa akin ng makalapit na siya.

What? Kanina pa? Ganun na ba ako ka space out dahil hindi ko namalayan ang pagtawag niya sa akin.

"Sorry pala Achill kung hindi ko narinig ang pagtawag mo sa akin." ngumiti lamang. Yung ngiti niyang nakaka kilig.

"Nah, it's okay Cyrene." tahimik lang kaming naglalakad. Ngayon ko lang napansin na mas maputi pa si Achilles sa akin kainggit naman siya. Lumaklak kaya to ng gluta para pumuti.

"Staring is rude, Cyrene." sabi niya sa akin habang nakatingin sa malayo.

"The last time I check I am not staring at you, but I'm just looking." nakangiti kong sagot sa kanya.

Natawa naman siya sa sinagot ko kahit na siguro ako ay natawa talaga.

*Kruuu*kruuu*

Nanlaki ang sakit niyang mata at muling natawa.

Why is he laughing?

Etong tiyan ko ang sama-sama niya.

"Gutom na gutom na ang alaga mo, Cyrene." napayuko ako dahil sa kahihiyan dahil sa aking walanghiyang tiyan. Dyusme magpapatirik talaga ako ng itim na kandila dahil sa kahihiyan dulot ng aking tiyan.

"Sige tawa pa." I snorted. Naman eh kainis kang tiyan ka.

"Eto na lang may malapit na 7/11 dito tara papakainin kita." hinila niya ang kaliwang braso para makatawid kami sa kalsada pero may isang itim na ducati ang huminto sa harapan namin muntik pa kaming masagasaan mabuti na lang ay naging maingat si Achilles.

"Pare, mag ingat ka naman sa pagmamaneho." alma ni Achilles sa driver ng ducati. Dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang helmet.

S-si CR

Sinong CR?

Edi walang iba kundi si Ryler diba sabi ko noon gagawa ako nang mental note ang kanyang initial ay C.R short for comfort room.

"Sumakay ka na, Cyan." saad ni Ry-- este CR sa akin mukhang kailangan ko na sanayin ang sarili ko.

"Wag kang bastos Cyler." naiinis na sabi ni Achilles kay CR 

Pero hindi niya pinansin si Achilles at binaling ulit niya sa akin ang kanyang atensyon.

"Shut up, Achilles." nabigla ako sa inasta ni CR tinignan niya ulit ako at tinap ang bakenteng pwesto sa kanyang motor.

"Okay lang, Achill. Mapagkakatiwalaan ko yang si CR." napatingin silang dalawa sa akin. May mali ba akong nasabi?

"Este Ryler pala." nag peace sign ako niluwagan naman ni Achilles ang pagkakahawak sa braso ko. Nang makalas ang pagkakahawak sa akin ni Achilles lumapit kaagad ako kay CR. Inabot naman niya sa akin ang isa pang helmet.

Sinuot ko yun at sumakay na. Pinasibad niya ang kanyang ducati pero naawa naman ako kay Achilles hindi ako nakapagpaalam ng maayos.

"Kumapit ka, Cyan." sabi ni CR

Hindi ako nakinig sa kanya pero pusang gala ang bilis bilis niya magpatakbo feeling ko any minutes from now liliparin ako.

"Kapit." wala akong choice niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Pansin ko lang paglumuluwag ang pagkakayakap ko sa kanya mas lalo niya pang binibilisan ang pagmamaneho. Sinasadya niya ata eh.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa 7/11 dahil tuturuan akong maghintay at ipaparamdam na hindi lahat ay makukuha sa madaling paraan." 

Nanlaki ang mata ko.

May meaning yun eh pero bakit hindi ko ma-catch.

The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon