Chapter 10

5.5K 210 47
                                    

Lahat ng characters pa dito ay magkakaroon ng sariling kwento. I hope you'll support my incoming stories just like how you supported Cyan and Ryler. Thank You. But first tatapusin ko lang kwentong ito.

Lovelots.

Nagmamahal, crizz_riel

Vote

Comment

And be a fan

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Perwisyo talaga tong si Ryler pafeeling importante akala mo galingsa dugo ng mga Counts. Pakapalan lang ng mukha.

Kaasar talaga tong impaktong walanghiyang Ryler.

Gumalaw ng konti si Ryler mukhang magigising ata ang impaktong ito.

"Ugh, where am I?" babangon na sana siya pero agad ko namang pinigilan. Inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto ko. Parang feeling niya inaabduct siya ng alien.

"In my room." nanlaki ang mga mata niya at agad pinagkrus ang kanyang braso sa kanyang dibdib na akala mo irarape siya.

"Kapal? Anong akala mo irarape kita? Nagmamagandang loob lang ako tulungan ka." inirapan ko siya sa sobrang inis. Akala niya irarape ko siya? Tanga lang siguro ang rarape sa kanya. Atsaka hindi ko siya type.

"Teka diba sabi ko sa BAHAY KO hindi dito sa BAHAY MO?" inemphasize niya ang word na 'BAHAY KO at BAHAY MO' pinagtaasan ko siya ng kilay. "Atsaka kaning Tee ito wag mong sabihing hinalay mo ako." dagdag pa niya napanganga ako.

WHAT THE?!

Nakadrugs ba to?

Hindi pa nga to nakainom ng gamot.

"Wow ikaw hinalay ko? Dyusme mamatay muna ang lahat ng demonyo sa imperno. Sa kapatid ko yang Tee na suot mo. Kung bat nandito ka sa bahay ko dahil inutos ng kapatid mo." nagpipigil akong sampalin siya.

"Defensive mo naman." tinaasan ko siya ng kilay. Ako pa talaga ang defensive? Sipain ko kaya siya.

"Defensive agad? diba pwedeng nagsasabi ako ng totoo? Assuming ka rin no. Di kita type." tumawa siya sa sinabi ko.

~You're my Mona Lisa

You're my rainbow skies

And my only prayer is that you realize

You'll always be beautiful in my eyes.~

"Sino yun?" tanong niya. Nandito na naman yung damuho kong bunsong kapatid.

"Kapatid ko"

"Lalaki?"

"Sige nga itry mo boses lalaki tapos ang kasarian babae."

"Ate Cy?" pumasok ang kapatid ko sa loob ng aking kwarto at nanlaki ang kanyang mga mata.

"Hi" bati ni Ryler sa kanya at ang tanga kong kapatid naman tinignan ako na may pagtataka.

"Boyfriend mo, ate?" tanong niya sa akin.

"Hindi" deretsong sagot ko sa kanya. Nagkatinginan kami ni Ryler.

"Kaibigan ako ng ate mo ako si Ryler pero I'd rather be happy kung tatawagin mo akong Kuya Ryler." ngayon ko lang napansin na gusto talaga ni Ryler na may respect kasi nung kina Ate Eliza at Ate Xiel gusto niya tinatawag ko silang Ate tapos siya gusto niya tinatawag siyang kuya. Iba siya sa lahat ng lalaking napapansin ko.

"Ken" ngumiti ng nakakaloko ang aking magaling na kapatid. May pinaplano na naman to.

"May pagka badboy image pala ng kapatid mo." saad ni Ryler sa akin. Yeah badboy talaga ang image ng kapatid ko.

"Kaya pala laging blooming si ate." biro pa ni Ken

"Shut up ka na lang Kenzile Lou Villegas" saway ko sa kapatid kong makulit. Tinitigan namin siya ni Ryler halata kasi sa mukha ni Ken na hindi siya naniniwala na kaibigan lang kami.

 Tinitigan namin siya ni Ryler halata kasi sa mukha ni Ken na hindi siya naniniwala na kaibigan lang kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Umalis ka na Ken nagaantay na sayo ang tutor mo." pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Si Ate ang sungit sungit sabihin mo lang na gusto mo masolo si Kuya Ryler na Boyfie mo." asar pa niya tumawa naman si Ryler sa sinabi ni Ken. Ang sarap talaga nilang balibagin.

"LAYAS!" sigaw ko sa kanya nagmamadali naman tumakbo ang isa pang impakto ang nag-iisa kong bunsong kapatid.

"Anong tinatawa-tawa mo Ryler?"

"Hindi mo naman sinabi sa akin na boyfie mo pala ako." mas lalo siyang tumawa ang kapal talaga kasing kapal ng libag niya.

"Naniwala ka naman sa loko-lokong yun."

"Kapani-paniwala naman talaga." tumawa ulit siya.

"Alam mo kasing kapal mo ang encyclopedia." banat ko sa kanya.

"Wow, bumabanat. Gusto mo banatan kita?" napataas ang kilay ko.

"Banat? Baka gusto mo manghihiram ka ng mukha ng aso." pagsusungit ko sa kanya.

"Ako na nga ang may sakit, ako pa talaga ang pinapagalitan." bulong niya.

Baliw lang bubulong-bulong naririnig ko naman. Sira ulo talaga.

"Don't pout, Cyan. Mukha kang aso." Aba!

"Eh? Ikaw nga pagnakapout mukhang duck." asar ko rin sa kanya.

"Can you imagine na magkakaroon tayo ng relationship?" tanong ni Ryler sa akin napasimangot ako.

"I can't even imagine na tinatablan ka pa pala ng lagnat." inabot ko sa kanya ang gamot. Ininom naman niya.

Good doggy sabi ko sa aking sarili.

"Hindi mo ba talaga naisip na gwapo ako?" nabigla ako sa tanong niya.

"Well, minsan." Pwe! pagsisinungaling ko.

"Sigurado ka ba? Iba kasi sinasabi ng expression mo eh."

"Oo na minsan na gagwapuhan ako sayo." pag-amin ko humalakhak na naman siya. Grabe ang saltik sa utak ng lalaking to kasing tayog ng will tower mall.

The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon