Cyan's Pov
Grabe napagod talaga ako sa ilang araw na pag ensayo kabadtrip kasi tong event na to. Hindi na ako nakakain ng marami dahil kailangan diet. Diet na lang ng diet yung masasarap na pagkain paano na yun?
Hindi ba nila alam ang kahalagahan ng masasarap na pagkain sa mahilig kumain.
"Cyrene?" tumabi sa akin si Achilles sa aking kinauupuan.
"May naisip ako." ang awkward pa rin pagkasama ko si Achilles. Kasi naman eh.
"Ano?"
"Mahal ka niya, mahal mo siya. Eh pano ako, mahal kita?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Achilles.
"Ano ba yan, Achilles? Wag kang magbiro ng ganyan hindi nakakatawa." tinry ko pagaanin ang sitwasyon namin ni Achilles pero mukha hindi eh kasi yung expression niya hindi nagbabago.
"Don't mind what I send." tumayo siya sa kinauupuan niya at lumakad papalayo.
Napabuntong hininga ako, hindi ko naman inaasahan na magiging ganun ang confession niya sa akin pero sa panahon na magkasama kami ni Achilles nakakadama rin ako ng kakaibang kasiyahan napapagaan niya ang pakiramdam ko.
"Cyan, uwian na." sabi ni Ariana sa akin. She's not that bad anyway.
"Ayoko pa umuwi."
"You should go home. Wala pa naman si CR mo baka magalala yun." tinabihan niya ako.
"Si Achilles." nabigla siya sa sinabi ko at mukhang nagets niya naman ang sinasabi ko.
"Narinig ko yung sinabi niya. Alam mo bang binigyan ka niya ng lugar sa buhay niya, hindi mo lang alam kung saan." sa sobrang stress ko niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Bakit wala si CR ko?"
"Sabi niya may inasikaso lang siya atsaka wag kang magalala makakasama mo siya." ngumiti ako sa kanya hinila niya naman ako patayo.
"Mauna na ako sa iyo, Cyan." paalam niya sa akin, niyakap niya muna ako bago siya umalis at nagpaalam sa iba.
"Ate tara na." hinila ako ni Ken palabas ng gymnasium.
"Si Apple hindi ba natin isasabay." tinignan niya naman ako ng masama.
"Pakialam ko dun sa taong prutas na yun malaki na siya kaya n-"
"Ate Cyan sandali lang!" sigaw ng tumatakbong Apple papunta sa amin.
"Bat ka ba sumasabay sa amin, Apple?" singhal ni Ken sa hinihingal na Apple napasimangot ako sa inasta ni Ken.
"Bakit ba Ken? Masama bang sumabay sa inyo?" singhal naman ni Apple sa kay Ken.
"Dun ka na nga kay Anthony magsama kayo." napapout ang kapatid ko sa sinabi niya.
The jealous brother of mine halatang-halata.
"Bakit pa halos Anthony ka ng Anthony? Ikaw nga eh si Gabrielle na lang lagi." bulong ni Apple sa huling kataga niya.
Napailing na lang ako.
"Ate Cyan may napansin ako kay Kuya Ryler nung mga nakaraan na araw." napatingin ako kay Apple.
"Bakit anong napansin mo?"
"Kasi Ate laging sumasakit yung ulo niya nung isang araw nga nakita ko siyang nakaupo sa sahig ng boys restroom hawak hawak ang kanyang ulo." sagot ni Ken sa tanong ko.
Ano bang nangyayari sa kanya?
Wala naman siyang sinasabi sa akin na problema niya.
"Baka masama lang ang pakiramdam niya."
"Ate may masama bang pakiramdam na halos araw-araw na siguro yung sakit sa ulo niya." Ken hissed at me.
May hindi ba ako nalalaman na dapat kung malaman.
BINABASA MO ANG
The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)
Teen FictionThis story consists of works of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. No...