Konting tumbling na lang malapit ko na mairaos ang The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob tapos isusunod ko na ang Diary ni Author. Mabilisang update ang gawin ko para matapos ko ang kwento nina Cyan at Ryler. Please keep on supporting me and my kabaliwang kwento. More power.
Vote.
Comment.
And Be A Fan
#TeamRylYan
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Cyan's Pov
Kasalukuyan akong papunta kina Ryler upang magpatulong sa aking thesis. Alam kong hindi naman Maria Klarang tignan ang ginagawa ko dahil ako pa ang pumunta sa bahay ng lalaki pero wala naman akong magagawa. Ewan ko lang kung matatawa kayo o hindi pero yung tipong katext ko siya kanina ang saya ko kasi katext ko siya simula kahapon, kagabi at kanina pero ang saklap naman nung feeling na hind na siya nagreply tapos ilang sandali ang lumipas may message pagtingin ko walanghiya nag smartalert pala. Hindi ko naman siya matawagan dahil wala akong pantawag.
Saan nga ba yung bahay nila? Sabi niya dati sa akin
"Yung may pulang gate."
Nakita ko kaagad ang bahay na may pulang gate. Ngayon ko lang napansin sa lahat ng bahay ang narito dito sa subdivision ay black na gate pero ang bahay nila Ryler pula ang gate.
Saktong pipindutin ko na ang door bell lumabas si Ate Eliza.
"Oh? Cyan naparito ka?" Ate Eliza looks like a goddess
"Si Ryler po?"
"May lakad kayo? Shocks! Don't tell me magtatanan na kayo?" nanlaki ang mata ko tinignan kasi ni Ate Eliza ang dala kong bag.
"Hindi po, magpapatulong po kasi ako." napakamot naman ng batok si Ate Eliza.
"Oy, defensive. Nasa loob si Ryler deretso ka lang nandyan sa terrace si Xiel tapos umakyat ka na lang at katukin mo ang kwarto ni Ryler yung kulay beige ang pintuan."
"Salamat po Ate Eliza." ningitian ko siya.
"No worries. Mauna na ako." nilagpasan ako ni Ate Eliza nagtuloy rin ako sa pagpasok.
May kalakihan rin ang bahay nila Ryler halatang mayaman ayaw lang sabihin.
Nang makarating ako sa terrace nakita ko si Ate Xiel na may kasamang lalaki at kung tutuusin mukha silang may pinagaawayan. Yung lalaki naman teka lang mukhang paano ko ba to sasabihin? Mas maganda pa sa akin eh nahiya naman ako.
"Xie, may tao." Ay kuyang maganda pa sa akin walang tao hangin lang ako. Ang tingin ni Ate Xiel nakatuon sa laptop ay nakatuon na mismo sa akin.
"Si Ryler? Nasa kwarto puntahan mo na lang yung kulay beige ang pintuan. Pasensya na hindi kita masasamaham tinatapos pa kasi namin ni Rupert ang FS namin." ningitian naman ako ni kuyang mas maganda pa sa akin. I see Rupert pala ang pangalan niya.
"Sige, salamat." ningitian nila ako shemz naman ang gwapo talaga niya bagay silang dalawa ni Ate Xiel.
Pumasok ako loob ng bahay inikot ng mga mata ko ang kabuuan sa loob nakikita ko ang mga awards nilang tatlo simula elementary hanggang high school pati ngayon college. I can even see the trophies.
Wait, baka makalimutan ko kung ano ang pakay ko talaga dito. Umakyat ako sa hagdanan at naglakad kung saan ang may kulay beige na pintuan.
Ganda naman dito may iba't ibang style ang pintuan halatang planado talaga at specialize talaga yung paggawa.
Nang makita ko na ang kulay beige na pintuan ay kinatok ko ito ng ubod na may kalakasan.
Hindi pa rin niya binubuksan ang pintuan. Ano bang ginagawa niya? Kinatok ko ng kinatok pero wala pa rin pero seryoso antagal ata niyang buksan ang pintuan.
"Ryler?" kumatok ulit ako.
1
2
3
4
5
Wala pa rin.
Isa pa kakatok pa ako.
"Ryl, si Cyan to buksan mo please."kinatok ko ulit pero walang pag asa hindi pa rin niya binubuksan.
Sasandal na sana ako pintuan nang........
"AHH!" Gosh, that was odd.
"Muntikan ka nang mapahiga sa sahig." saad ni Ryler na nakahawak sa akin.
Tama siya muntikan na talaga akong mapahiga sa sahig kung hindi lang niya binuksan kaagad ang pintuan.
When I regained myself I easily regained my posture at tinignan siya ng masama.
"What's with looks, Cyan?"
"Kasalanan mo eh." napapout ako. Pouting is my signature expression.
"Katok ka ng katok at syempre sabi mo buksan ko edi binuksan ko. Kasalanan ko bang sasandal ka dyan sa pintuan ko." ayun nag rant ang lolo niyo.
"Kasalanan mo talaga ang tagal tagal mong buksan ang pintuan."
"Paano ko ba bubuksan nagbibihis pa ako." napalunok ako tinignan ko siyang mabuti medyo basa pa yung buhok niya.
Syete! Ang hot. Kidding aside Cyan.
"Edi sorry malay ko bang nagbibihis ka pa dyan sa loob. Sana man lang sumagot ka."
"Hindi mo ako maririnig. Soundproof ang kwarto ko." then me be like wow sosyal ang taray ni lolo.
"Aish." Niluwagan niya ang pintuan upang makapasok ako pero what caught me the most was his room.
"Eto." binigyan ako ng isang box ng curly tops ni Ryler. Alam ba niyang pupunta ako rito?
"Tulala ka ata Cy?"
"Kasi ang cool ng room mo." napangiti siya.
"Lahat ng kwarto namin dito ay pina costumize namin. We want our room to symbolize ourselves." yung parang nasa loob ka ng isang bachelor's pad.
Sosyal may flat screen t.v, may mini ref at sofa tapos may computer set rin.
"Napadpad ka dito, anong maitutulong ko?" bago ko sinagot ang tanong niya umupo ako sa mahabang sofa niya.
"Patulong naman sa thesis ko editing lang naman ito hindi ko na kaya eh konting na lang ito." pagmamakaawa ko sa kanya sabay bigay ng laptop at hardcopy.
"Okay, wala naman siguro akong problema nito. Itatype ko na lang ba to?"
"Itatype mo na lang yan tapos konting edit." humiga ako sa sofa ang lambot naman ng sofa ang sarap matulog.
"Wag ka diyan matulog dun ka nga sa higaan." napangiti ako minsan lang kasi siya maging mabait. Ako po ay isang masunuring bata humiga ako sa kanyang higaan.
"Umaayos ka ng higa." utos niya pero binelatan ko lang siya mukhang magsisimula na siya sa pagtatype pero ako matutulog muna. Inaantok ako eh. I need some beauty rest.
BINABASA MO ANG
The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)
Teen FictionThis story consists of works of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. No...