Cyan's Pov
Kanina ko pa tinatawagan si Ryler pero hindi niya sinasagot.
Malakas ang problema ng isang to.
"Yo!" napaangat ang ulo ko.
Si Achilles lang pala ako ko kung sino.
"Bat ka nakasimangot?" tanong niya umupo rin siya sa tabi ko.
"Alam mo ba yung feeling na, yung parang may nagbago talaga pero di mo maexplain." tinitigan niya ako na para ba akong isang alien galing planet x.
"Boyfriend mo yung pinoproblema mo? Kung feeling mo, binasura ka na niya. Wag kang mag-alala, irerecycle kita. Malaman mo lang na may halaga ka." napanganga ako sa sinabi niya.
Ano raw?
Loading.....
"What?"
"Ang slow mo naman." napailing siya
"You want to be my friend?" tanong ko sa kanya.
"Let me think about it Cyrene. As of for now I gotta go may klase pa ako. Laters gorgeous." he stand up and winked at me.
Habang naglalakad siya palayo, tumayo na rin ako at dumiretso sa next class ko.
"Cyan?"
"Huh?" nilingon ko si Cj na may halong pagtataka.
" Narinig ko ang usapan niyo ni kuyang pogi." sumabay na rin siya sa paglalakad sa akin.
"Hindi ko siya maintindihan." deretsong sabi ko.
"Alam mo ang slow mo rin paminsan-minsan, you cannot offer friendship sa taong alam mong may gusto sayo."
"You mean may gusto si Achilles sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Oo, hindi mo ba nahahalata?"
"Hindi eh." napakamot siya ng ulo at pinameywangan niya ako.
"Paano mo naman mahahalata kung puro Cyler Rhynz Fernandez ang nasa isip mo?" pinagtaasan niya ako ng kilay.
Tama nga naman siya mukhang pumasok na sa sistema ko si Ryler.
"Cj, kasi naman eh."
"Puro ka kasi Ryler, pero ngayon wag mo muna isipin si Ryler may quiz tayo sa Marketing Management." hinila niya ako papasok sa room.
Ayan na magsisimula na ang quiz. Lord please help me na masagutan ko eto.
After 123456789 years natapos din ang aming napakahirap na quiz.
"Nasagutan mo lahat?" tanong ni Cj.
"Oo, pero hindi ako sigurado kong tama ba ang mga sagot ko, ikaw?" kinakabahan ako, I'm not really sure kung tama ba yun hindi kasi ako nakapag study ng maayos.
"Hindi ko rin alam eh." natawa na lang ako sa kanya.
"Wala na akong pasok pagkatapos neto, ikaw?"
"Sad to say Cyan may klase pa ako. Umuwi ka na lang wala kang mapapala." napasimangot ako.
"At ano na naman ang gagawin ko sa bahay?"
"Aba malay ko sayo Cyan." sabi niya and she stormed out in the room.
Ano pa nga ba ang magagawa ko much better kung maglalakad na lang ako sa buong campus edi naka exercise na rin ako.
"Cyrene, may nagpapabigay pala sayo." inabot ng hindi ko kilalang tao ang sulat at isang box.
"Kanino galing to?"
"Bawal ko raw sabihin kung kanino galing." niingitian niya ako.
"Salamat." Umalis na siya sa classroom.
Kanino kaya galing to? Binuksan ko muna yung box.
Wow! Curly tops.
Mukhang alam ko na kung kanino galing to.
Dear Cyan,
Pasensya na kung hindi ko sinasagot ang mga tawag at text mo nahiya kasi ako sa dramahan natin nung isang araw. Nakita kita kanina mas lalaong kang gumanda sa ayos mo believe me or not mukha ka nang manika. Wag kang mag-isip na iniiwasan kita dahil kahit anong pagiwas ang gawin ko pero para kang magnet eh sayo pa rin ako dumidikit. If I am superman you're my kryptonite.
I'm not bribing you with your curly tops just to forgive me. Alam kong asar na asar ka sa kagwapuhan ko pero I'll make it up to you.
With Love,
Ryler
Napangiti ako sa sulat na galing sa kanya.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero napapangiti niya ako in every simple ways. Maybe this is the perks of being Ryler.
Naisipang kong itext siya.
To: Heartthrob Ryl
Thank you!
Hindi ako nag expect na magrereply siya sa text ko alam ko naman kasi na busy siya.
Naisipan kong umuwi sa bahay para matulog na lang ako.
As usual walang tao sa bahay pagdating ko. Nasa school si Ken.
I really should sleep.
BINABASA MO ANG
The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)
Teen FictionThis story consists of works of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. No...