"Kayo mga high schooler malapit na kayong grumaduate, anong plano niyo?" tukoy ni Cyan sa mga high schooler.
"Wag niyo akong isali college na ako." sabay ni Anthony.
Natawa naman kaming lahat. Hindi naman kasi halata dahil sa kanyang height.
"Pero seryoso tayo guys." sumabat na ako at natigil naman sila sa kakatawa.
"Anthropologist?" sagot ni Gabrielle
"Pilot" sagot naman ni Ken kaya napataas ang kilay ni Cyan
Ayan na naman si Cyan babarahin na naman niya ang kanyang kapatid.
"Gusto ko maging isang katulad ni Ate Cyan." sagot naman ni Apple.
Isa na namang future CEO
"Marami pa kaming hindi alam sa inyo. Kayo ba Ariana?" tanong na naman ni Cyan kina Ariana.
"Medicine ang kinukuha ko." grabe mahirap ang mag med madaming iisipin. Mabuti at kinaya ni Ariana.
"Anthropology." sabi ni Anthony sabay tingin kay Gabrielle na binelatan siya.
"Pagdodoctor yung akin." sabi ni Sky
"Si Ate Xiel niyo at ako ay business ad." sagot naman ni Ate Eliza.
Ang dami nilang future CEO
Si Mj at ako soon to be architect.
Sina Ate Xiel, Ate Eliza, Cj, Apple at Cyan future C.E.O.
Si Ariana future med ano nga tawag dun sa mga gumagawa ng gamot yung medicine chemist ba yun hindi ko alam eh.
Si Sky future doctor.
Si Ken future pilot.
Si Gabrielle at Anthony future anthropologist.
Oh, diba ang taas ng pangarap namin? Kung iisipin ko to ng mabuti na sana hindi ko sila makakalimutan pagdumating na ang panahon.
"Guys pwede ko bang masolo muna si Cyan?" tanong ko sa kanilang lahat nagkatinginan naman ang mga Ate ko kaya tumayo sila at pumuntang sa cottage.
Oo nga pala ang pwesto namin sa cottage ay tigdadalawang tao lang pero yung cottage ko at kay Cyan tatlo ang nakapaloob
Si Ate Eliza at Ate Xiel nasa iisang kwarto.
Si Ariana, Cj at Cyan.
Si Gabrielle at Apple buti nga silang dalawa hindi nagrambulan.
Si Anthony at Ken buti rin hindi sila nagsuntukan.
Ako naman at sina Mj at Sky.
"Let's go Apple." hinila ni Ken si Apple patayo.
"Tara na Ariana, Cj at Sky may paguusapan pa tayo." nagpaalam naman sinang apat sa amin bago lumipat sa ibang pwesto. Ang natira na lamang ay sina Gabrielle at Anthony.
"Ate Yan at Kuya Ynz, saludo ako sa inyo kahit alam kong ang bakasyong ito ay time ninyong dalawa isinama niyo pa rin kami at kahit na rin na wala akong balak sumama hinila niyo ako palabas ng bahay dala ang maleta ko." natawa naman kami ni Cyan sa sinabi ni Gabrielle.
"Tss. You and I have to talk. Mauna na kami." umalis si Gabrielle at Anthony papuntang dalampasigan dahil may paguusapan raw silang dalawa.
"Ayan solo mo na ako." niyakap ko si Cyan. One last hug bago mawala ang lahat.
"Para kang tanga." sabi niya
"Mabuti nang maging tanga basta kasama ka." sa huling araw ko gusto ka sana idagdag ang katagang yan pero hindi ko magawa.
"Huh? Bakit naman?"
"Kaysa naman sa ang dami kong alam pero wala ka naman."
Kinurot niya ang tagiliran ko.
Mamimiss ko ang pagiging amazona niya, yung pagsusungit.
Sana hindi matapos ang araw na to.
Sana hindi ako nagkaroon ng tumor sa utak.
Sana....
Sana...
Wala na akong mapapala sa kaka 'sana' ko kung hindi ko matatanggap yung katotohanan na darating ang panahon na maglalaho ang alaala ko.
BINABASA MO ANG
The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)
Teen FictionThis story consists of works of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. No...