Chapter 35

3.1K 113 6
                                    

Cyan's Pov

Eto ako basang basa sa ulan walang masisilungan. Kasabay ang pagbuhos ng ulan sa pag agos ng aking luha.

Ang drama ko yata ngayon tag ulan eh. Buti pa ang variable kadalasan may value. Samantalang ako walang halaga para sa kanya.

Bakit ba kasi dumating ka pa sa buhay ko eh. Mas mahirap ka pang isolve i-eliminate kaysa abitrary constant.

Sige ulan buhos lang na parang wala nang bukas habang hindi pa humuhupa ang sakit na nararamdaman ko. Just like in math, there are things that cannot be.

Nakaramdam ako ng pagkirot sa ulo ko mukhang lalagnatin ata ako ngayon nasa gitna pa naman ako ng pagdadrama.

Naglakad na lang ako sa gitna nang ulan kesa naman tumunganga ako. Hinilot ko ang aking sentido habang naglalakad grabe ang sakit na ng ulo ko.

Parang umiikot yung paligid ko.

Gustong gusto ko nang ifactor out si X para macancel ko siya pero hindi ko kaya.

Pero seryoso talaga nahihilo na ako hindi na talaga parang umiikot ang paningin ko kundi umiikot na talaga.

Ang sakit ng ulo ko tumigil ako sa paglalakad dahil sobrang hilo ko na talaga. Hindi ko na magalaw ang buong katawan ko nanghihina talaga ako.

Ryler's Pov

Ang lakas naman ng ulan ngayon dahil siguro ito sa low pressure area. Kanina ko pa napansin ang babaeng palakad-lakad sa gitna nang ulan.

The girl in the rain. Pft.

She looks familiar. Tinitigan ko ang pigura nang babae. Siya yung babaeng nasa park. Yung babaeng baliw na bigla na lang akong inaway.

Mukhang matutumba ata siya.

Damn mabilis pa sa alas kwatro ako nakapunta sa pwesto niya. Ang tanga naman ng babaeng to. Dinala ko siya sa loob ng sasakyan ko. Sino ba kasing nagpauso na maligo sa ulan lalo na pagmukhang tila bagyo ang ulan? Nang masapak ko.

Medyo malayo-layo pa naman ang condo ko. Hinubad ko ang jacket ko ang ipinulupot sa kanya. Saan ba kasi siya nakatira?

"Miss, saan ka nakatira?" tanong ko sa kanya.

"Hmm." ungol niya.

Paano nga ba yan sasagot sayo Ryler? Kinapa ko ang noo niya at ang init niya.

Tinitigan ko siyang mabuti teka bakit parang kilala ko talaga siya. Ang inosente niyang mukha, ang mahaba niyang pilik mata, ang mapupulang labi niya.

Sino ka ba talaga? Bat parang pamilyar itong nararamdaman ko sayo? 

Naramdaman kong medyo kumirot ang ulo ko. Damn hinilot ko ang sentido ko para mawala ang sakit.

Bago ko pinaandar ang sasakyan tinitigan ko muna ang mukha ng babae.

Ano ba tong naramdaman ko?

The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon