Cyan's Pov
From: Heartthrob Ryl
Start your day with a smile. Good Morning Cyan. :)
Napangiti ako sa message ni Ryler. Kay aga-aga kinikilig ako.
Sana hindi to pa-fall si Ryler dahil masusuntok ko talaga siya hindi niyo nman ako masisi kung bakit masakit kaya ang umasa sa taong paasa.
Nagsasabi ako ng totoo.
*bzzzzt*bzzzzt*
Kung makapag vibrate parang wala ng bukas.
May voice message galing kay Ryler. Ano na naman kaya ang trip niya? Sigurado akong wala na naman siyang magawa kaya ako ang pinagtitripan.
Nagdadalawang isip akong pakinggan ang voice mail na isinend niya sa akin pero wala eh curious ako.
Na'san ba yung fast-paced whirlwind romance, yung feeling that makes my heartbeat so fast. I wanna fall in love. Gusto kong may ka-free fall into love.
Pwede ka bang ka-free fall into love Cyrene Louise "Cyan" Villegas?
What?
O.O
Seryoso ano na naman ang pakana ng isang to?
Idinail ko ang numero niya, saktong ika tatlong ring inagot niya. Naku Ryler susungitan talaga kita
"Hello?" sabi niya sa kabilang linya. Mukhang nagising ko ata siya.
"Kakagising mo lang?"
"Oo, late kasi ako natulog." sagot niya.
"Naku Ryler wag mo ako idaan sa pakanta-kanta mo alam kong ginogood time mo lang ako. Joke lang yun diba?"
"..."
"Silence means yes."
"..."
"Ryler?" ibinaba na niya ang tawag.
Alam ko namang nagbibiro siya pero bakit may masakit. Pero bat ganun? Lalo kong iniisip na joke yun mas lalong sumasakit ang nararamdaman ko.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng aking silid. Mamaya ko na iisipin si Ryler bago muna yun iisipin ko muna ang kapatid ko.
"Good morning ate." bati sa akin ni Ken
"Morning."
"Ate, If you won't mind pupunta rito mga tropa ko." pagpapaalam niya sa akin.
"Okay lang, basta hindi kayo magkakalat." napailing na lang ako.
"Ate nakapagluto na ako atsaka muntik ko nang makalimutan dumaan dito yung Ate ni kuya Ryler pinapasabing invited ka raw sa party nila bukas." nakangiting sabi ni Ken
"Okay. Ken, may itatanong ako sayo."
"Ano yun ate?"
"Sa tingin mo ba jinojoke lang ako ni Ryler?" napaisip naman si Ken
"Hay naku etong si ate. Sa panahon ngayon joke na lang ang totoo at ang totoo naman ay ang kasinungalingan. Sabi pa nga ni taong prutas na magandang tutor ko jokes are half meant." napatanga naman ako sa kapatid ko.
"Alam mo kahit slow ka hindi ko sinasabing bobo ka pero may alam ka rin naman." napakamot naman siya ng ulo.
"Syempre magaling ang tutor ko, pero Ate siguradong sigurado akong type ka ni Kuya Ryler." ngumisi ang kapatid ko.
"Pero Ate kung mahal mo na siya wag mo nang patagalin dahil minsan sa pwesto naming mga lalaki nahihiya rin kami magsabi ng aming mga damdamin kumbaga dinadaanan namin sa ibang bagay ang aming damdamin." tinitigan ko si Ken
Nahulog na ba talaga ang loob ko kay Ryler?
Ano ba to?
"Tandaan mo ate hindi masama ang mag invest sa love as long as magtira ka ng kahit 1% na pagmamahal sa sarili mo nandito lang ako sa tabi kahit anong mangyari."
BINABASA MO ANG
The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)
Teen FictionThis story consists of works of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. No...