Chapter 51

2.8K 105 1
                                    

Ayo! Sorry kung ngayon lang nakapag-UD busy kasi ang tangang author niyo. Alam niyo na estudyante feels. College ako eh kaya sarrey talaga kasi busy ako. 

XOXO

************

Ryler's Pov

Sabi ni Gabrielle ang love parang joke. Sometimes it's funny but sometimes it hurts. Totoo naman talaga eh. Pinakilig ko lang siya bago ko siya iniwan. 

She hates me. I can't blame her. Napabuntong hininga na lang ako. Siguro we had the right love at the wrong time. Ganyan naman talaga eh.

"Kuya Ryler." ningitian ko si Ken. Alam ni Ken ang tungkol sa hiwalayan namin ni Cyan. Naintindihan rin naman niya ako. Pero bago ang lahat nagalit si Ken sa akin dahil sa panggago ko sa Ate niya.

"Tulog na ba siya?"

"Oo, kanina pa." sagot niya sa akin. 

Pinapasok niya ako sa loob ng kwarto ni Cyan. Naalala ko tuloy yung pagaalaga niya sa akin nung nagkasakit ako.

Nakita ko siyang mahimbing na natutulog, nilapitan ko siya. Kitang kita ko ang namamasa niyang pilikmata.

Umiiyak ba siya? Kung Oo, sana mapatawad niya ako. Hindi man ngayon.

"Cyan, I am so sorry." hinaplos ko ang mukha niya. Gumalawa siya at dahan-dahang minulat ang kanyang mga mata. Bakas ito ng galit, pagtatanong at awa.

"Anong ginagawa mo dito?" bumangon siya mula sa pagkakahiga.

"Gusto kong mag sorry sayo. I want you to hear how sorry I am. Oo, nasaktan kita. I lied and you believed. Magiging okay din ang lahat. Di man ngayon pero someday it will." niyakap ko siya ng sobrang higpit naramdaman kong pinipilit niyang makawala sa yakap ko.

"Magiging okay? Nasasaktan ako, mahal kita pero hindi kita matatanggap." sabi niya.

Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Tama siya nasaktan ko siya.

"Minahal kita ng Pak na pak tapos iiwan mo ako ng ganern na ganern lang." dagdag pa niya.

"Selfish man sabihin pero aalis ako. Hindi ako aalis para takasan ang atrasong nagawa ko sayo kundi aalis ako para mahanap ko ang sarili ko. Gusto ko ring bigyan ka ng panahong magpagaling sa mga sugat na dulot ng pananakit ko." yumuko ako. Naramdaman ko ang kanyang maiinit na palad sa mukha ko.

"Ang lakas mo mang iwan sa ere." tumulo ang mga luha niya. Hindi ko sinayang ang pagkakataong yakapin siya.

"I am not worth it for you, Cyan. Kung makakahanap ka naman ng isang taong mas worth it kesa sa akin wag mo siyang pakawalan." bulong ko sa kanya muli ay humagulgol siya ng iyak. Masakit makita na ang taong mahal mo ay umiiyak dahil sayo.

Rinig ko ang pagsinghot niya.

"Cyan, you should sleep." utos ko sa kanya. Napansin kong pumapayat siya.

Kumakain pa ba to?

Kakantahan ko na lang siya para makatulog.

"Hey you, come over and let me embrace you

I know that I'm causing you pain too

But remember if you need to cry

I'm here to wipe your eyes" napansin kong tulog na siya. Kumuha ako ng papel at nagsulat. 

Pagkatapos ko magsulat inilagay ko ito sa tukador niya. Sana mabasa mo ito?

"And when the daylight comes I'll have to go

But tonight I'm gonna hold you so close

Cause in the daylight we'll be on our own

But tonight I need to hold you so close" kanta ko pa.

Ilang minuto na lang aalis na ako. Pero bago yun gusto ko muna siya makasama kahit saglit lang.


The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon