Chapter 24

4.2K 151 7
                                    

Ryler's Pov

"Para kang sira, Ryl." saway sa akin ni Ate Eliza

"Sira na kung sira atleast ako nagmamahal." binelatan niya na lamang ako.

"Care to share?" tanong niya sa akin

Kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa nangyaring confession ko hanggang sa pag amin ni Cyan.

"Parang labas lang sa ilong yung pag amin niya sayo." sabat naman ni Ate Xiel

Napakamot ako sa ulo, mukhang pinagtutulungan ako ng dalawang to.

"Ano ba mga Ates wag niyo akong pagtulungan. Can't you just be happy for me?" nagpout ako sa kanilang dalawa.

"Eww." they said in chorus

"Pero Ryl, kung saan ka masama edi dun na rin kami." saad ni Ate Eliza

"Best feeling?" tanong ni Ate Xiel

Here we go again with her words of wisdom etc,.

"Best feeling? Yung mahal ako ng taong mahal ko." full of confidence na sagot ko sa kanya.

"No, hindi yan. Yung best feeling talaga ay yung mas mahal ka ng taong mahal mo." napayuko ako.

"Wag kang ganyan, Xiel." saway ni Ate Eliza kay Ate Xiel

"Pero wag kang magalala Ryl just make her feel loved." saad ni Ate Xiel

"May plano kayo?" tanong naman ni Ate Eliza

Napakamot ako sa ulo. 

"Go out on a date." komento ni Ate Xiel

Lagi na lang ako nauunahan netong dalawa. Hindi ako makapagdecide dahil sa kanilang dalawa ang daming mga alam.

"Iniisip ko kung saan ko siya dadalhin." palusot ko sana lumusot.

"Naku palusot.com" bulong ni Ate Eliza

"I'll ask her out." tumayo ako at dumeretso palabas ng bahay.

Cyan's Pov

Today, I am doing my part to conserve energy, I'm going back to bed. Pero hihiga na sana ako ng

"ATE! PAPASOK AKO!" sigaw ng napakagaling kong kapatid. Nababanas na talaga ako sa kapatid kong out of this word ang pagiging slow.

"Wait lang bubuksan ko." binuksan ko ang pintuan at ang mokong dere-deretso lang ang pasok at walang paalam na humiga sa higaan ko.

Pakapalan lang?

"Ken, ginagawa mo rito?" tinabihan ko siya sa higaan. 

"Ate kailangan kaya ako mamahalin?" nabigla ako sa tanong niya

"What do you mean?" huminga muna siya ng malalim at niyakap ang malaking teddy bear ko.

"Di ko na kailangang magpaliwanag kasi di naman niya ako maiintindihan. At wala siyang panahon sa paliwanag ko." niyakap ko ang kapatid ko.

Kahit kelan talaga mahilig din to magdrama parang ako lang eh ganyan din ako nung mga araw na wala si Ryler.

"Piliin mo yung taong magpapangiti ka sa mga titig niya, hindi yung taong umiiyak ka na nga, siya naka ngiti pa." komento ko sa kanya.

"Katulad ng mga ngiting binibigay mo kay Kuya Ryler?" inosenteng tanong niya sa akin.

"Oo, parang ganun." palihim akong ngumiti.

Pag si Ryler na ang pinaguusapan talagang napapangiti ako na wala sa oras. Iba kasi yung epekto niya sa akin.

"Tama ka Ate." nilingon niya ako "Pero Ate malaki na ako kung makayakap ka parang isa akong grade schooler kadiri ka." dagdag pa niya.

Napailing na lang ako at kinalas ang pagkakayakap sa kanya.

"Ate don't let go of Kuya Ryler he's a keeper."

"I won't, pero ikaw uso ang mag move on." sagot ko sa kanya napa pout naman siya.

"It's time to move on and I am now moving on." saad niya.

Move on daw pero lakas maka hugot. Umiling na lang ako.





The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon