Ryler's Pov
Lumipas ang ilang araw, buwan ni hindi ko nasabi sa kanya ang totoong dahilan kung bat ako pumuntang States and it's been awhile since nagka-usap kami ni Cyan. I miss her voice, the way she laugh and the way she pout nakakamiss.
"Kumusta na kaya siya?" natanong ko sa aking sarili habang nakahiga sa hospital bed.
"Okay lang siya, dude." sagot ng bagong dating na si Sky kasama si Mj.
Ngayon ko lang nalaman na may tumor sa utak ko at kailangan itong matagal kaso nga lang 50/50 ang chance na mabuhay ako at mawalan ng alaala.
"Alam ba niya?" tanong ni Mj sa akin.
"Hindi niya alam." napayuko narinig ko ang pagbuntong hininga nilang dalawa.
"Dude, ano na lang ang gagawin namin kung sakaling bumalik ka? Alam mo bang iyak siya ng iyak nung umalis kami kesyo hindi ka raw nagpaparamdam, kesyo iniwan mo raw siya sa ere. Damn dude mukhang wala na sa sarili si Cyan." litanya ni Sky
"Mamaya pa ang operation ko may oras pa akong kausapin siya." yan lang ang tanging nasabi ko at napatango silang dalawa.
Ang hina ko kung itatago ko lang sa kanya mas lalo ko siyang masasaktan.
*Flashback*
"Dude, anong gagawin ko?" tanong ko kay Mj habang tinititigan si Cyan sa di kalayuan kung saan papasok na siya sa kanyang klase.
"I-date mo na lang ang dami mo pang litanya." inis na sagot ni Mj
"Ayoko nang date. Gusto parang gathering yung tropa." suhestiyon ko.
"Pucha ka dude may naisip ko pala bat mo ako tinatanong. Ang bobo nito." bulong ni Mj.
Natawa na lang ako may pabulong-bulong pa siya.
Naisipan kong itext sila.
To: Cyan, Cj, Ken, ApAp, Gab, Anthony, Ariana, Sky
Beach tayo guys. A trip to El Nido Palawan, Game? Suggest na rin kayo.
Just PM me.
then sinend ko na sa kanila. Biglang nagvibrate ang cellphone ko at sa kanila nanggaling ang mga text.
From: Cyan
Game kami ni Ken. Mag iisip ako ng lugar. I love you na talaga.
From: ApAp
Kk.
From: Sky
Game kami ni Ariana.
From: Gab
Pag-iisipan muna namin.
Napangiti ako sa mga reply nila sa akin lahat sila game pwera lang siguro sa dalawa.
Eto na yung pagkakataon kung makasama silang lahat bago ako umalis.
*End of Flashback*
"Tapos na ba ang pag-iisip mo?" tanong ni Mj sa akin para bumalik ako sa realidad.
"Gusto ko siyang kausapin."
Ilang oras na lang ang natitira ko para maalala ko siya dahil hindi ko alam kung anong parte ng alala ko ang mawawala. Pero ang tanging hiling ko ay sana dumating ang panahong magawa kong maalala ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)
Teen FictionThis story consists of works of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. No...