Chapter 45

3K 108 2
                                    

Ryler's Pov

Madaming what if's ang gumugulo sa utak ko. Lalo na ngayon nandito na si KD. Ang tanong ko lang bat niya alam ang totoo. 

Okay na sana kaso bumalik pa si KD. Eto na siguro yung karma ko. Wala akong maisip na plano. 

"Yo! May roll call tayo, Ryl?" tanong ni Mj habang papasok kasama si Sky, Aki at Ardy. Alam nila ang totoo.

Alam nila ang totoong ako at matagal na nilang alam na namumbalik na ang aking mga alaala. 

"Screw you Ryler." Ardy hissed at me. Alam niya eh hindi niya ako masisisi.

"Stop it Ardy." saway ni Aki sa kanya. Nagkatinginan kaming apat. Ayaw nilang madawit sa kinasasangkutan ko ngayon pero kailangan ko sila dahil sa mga kasalanan ko kay KD at kay Cyan.

"Yan kasi ang problema sayo. You should've told her the truth." singhal ni Sky sa akin. Napailing na lang ako.

Masasaktan ko siya. Kamumuhian niya ako. I mean it literally.

"Ayaw ko sanang madawit dyan sa problema mo. Pero sana naman wag mo nang pahirapan si Cyan. Tama yung panahon na pinapahirapan mo silang dalawa ni KD." saad ni Mj. "Nadadamay na kami, Ryler." dagdag ni Ardy.

"Sana naman gumawa ka ng paraan." singit ni Sky.

Tama sila may kanya-kanya kaming hinaharap ngayon na problema. 

"Kung sakaling sasabihin mo sa kanya ang katotohanan asahan mong hindi ka niya mapapatawad kung papatawarin ka niya siguraduhin mong matagal pa yun." saad ni Aki.

Tama siya.

"Alam mo dude wala kaming karapatan magalit o humusga sayo kasi hindi namin alam ang buong storya niyong tatlo." sabi pa ni Mj.

Napayuko ako. Kung hindi ko ginawa yun hindi siguro kami aabot sa ganitong sitwasyon. 

Sa sitwasyon kung saan lahat masasaktan at lahat magkakasakitan. 

Ako naman talaga ang puno't dulo ng galit ni KD.

Pinaghiwalay ko silang dalawa ni Cyan. Kung tutuusin inagaw ko rin si Zell sa kanya. Pati atensyon ng lahat. 

I am a leech sucking all of the attention and the happiness of the others.

The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon