Cyan's Pov
Kanina pa kami dito naghihintay kasi nga hindi pa masisimulan ang meeting dahil hindi pa dumarating ang dalawa pang estudyante.
Can they comprehend na kailangan maaga sila?
Iniwan ko muna sila sa loob ng classroom dahil gusto kong magpahangin ang awkward naman kasi sa loob halos mayroong pinagdadaanan hindi ko sila ma-reach.
"Gabrielle?" napansin ko kasi siya nag-iisa habang may tinitignan sa cellphone niya. Lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanyang braso.
"Ate Cyan?"
"Bat ka narito sa labas?" tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang mapag-isa. Yung tipong ako lang ang meron at walang iba." lalim naman nun kasing lalim ng hugot ni Achilles kanina.
"Care to share?" umiling lamang siya.
"Nakayanan ko nga magbigay ng advice in a hugot way eto pa kayang akin. Pasensya na pala nung nakaraang araw hindi ko naman kasi sinasadya yung sinabi ko naawa lang naman ako kay Kuya Ynz."
"Ynz?"
"Yeah, si Kuya Cyler Rhynz Fernandez. Ako kasi yung tumulong sa kanya para makapag-confess siya sa kanyang lihim na pagsinta sa iyo." means siya yung Vj sa University radio station.
"Ikaw yun?" tumango siya.
Yan kasi Cyan puro ka kasi maling akala.
"Alam mo ba Ate Cyan mahal na mahal ka ni Kuya Ynz matagal na raw." saad niya.
Matagal na akong mahal ni CR.
"Gaano katagal?"
"Nung isang araw habang kumakain kami sa McDo kinukwento niya sa akin ang unang pagkakita niya sayo first year college pa lang kayo nun sabi niya. Na-mesmerize raw siya sayo lagi ka raw niya iniistalk sa mga SNS mo." nabigla ako sa sinabi niya. "Kaya nung dumating kayo sa puntong ganito naglakas loob siyang magpapansin sayo. I should'nt be the one saying this you to pero just like what Ken said to me na Kuya Ynz is a keeper kaya don't stop loving him. Kahit na medyo labas sa ilong yung confession mo." dagdag pa niya natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ako naman ang may sasabihin sayo."
"Ano naman yun?" she's adorable ang cute cute niya mukha siyang bear.
"Please take care of Ken." nabigla siya sa sinabi ko.
"Ate Cyan, being alone is better then being with the wrong person. Walang kami ni Ken actually Ken and I are friends ako ang taga advice sa kanya. Kasi naman nakakaawa siya." umiling na lamang siya.
"Nandito ka lang pala Cyan oh ikaw pala yan Gab." sabi ng bagong dating na si CR.
"Ay, hindi po. Osya, papasok na ako loob baka maka istorbo ako sa moment niyong dalawa." pagsusungit niya.
Napatawa kaming dalawa ni CR sa tono ng boses ng Gabrielle na halatang bitter. Ilang kilo kaya ng ampalaya ang nakain nun?
"May sinabi ba sya sayo?" tanong ni CR sa akin.
Sasabihin ko ba? Wag na lang baka mapahiya pa.
"Wala naman." pinulupot niya ang kanyang dalawang braso sa aking bewang. Kinilig naman ako sa posisyon namin.
"CR, I am not the best but I promise I will love you with all my heart." sabi ko sa kanya dumampi ang kanyang labi sa kaliwang pisngi ko.
What a sweet gesture.
"Cyan, may tanong ako sayo." It seems he didn't mind na tinawag ko siyang CR but who cares. He's mine and mine alone.
"Ano yun?"
"If one day, I had an accident and I lost my memory, how are you gonna make me remember you?" tanong niya bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong niya. Kinabahan ako sa katagang yun.
"Wag ka namang ganyan." nalukot yung mukha ko para kasing namamaalam siya.
"Sagot mo muna ang tanong ko." may halong lungkot ang boses niya hindi ko napigilang lumingon sa kanya para mapantay ang mukha namin.
"Lah--" naputol ang sasabihin ko.
"Excuse me?" nilingon namin ang pinanggalingan ng boses. Isang babae at lalaki siguro ito yung dalawa pang estudyante na hinihintay namin. Bumitaw si CR sa pagkakayakap niya sa akin.
Tinamaan ata ng hiya. Nakakahiya kaya ang maging PDA.
"Kayo pala yan Sky." napakamot ng batok si CR.
"Kami nga." cold na saad ng lalaking singit ang mata tapos medyo cold. Hindi ko alam kung paano idescribe eh.
"Sya nga pala. Sky this is Cyan my girl." ngumiti ako sa kanya.
"Nice meeting you, Cyan. And meet Ariana." pakilala ni Sky sa kasamang niya babae na super ganda.
"Hi." bati ni Ariana sa akin hindi yung Aryana na serena yung Ariana katulad ni Ariana Grande.
"Pasok na tayo sa loob kanina pa nila kayo hinihintay." hinila ako ni CR papasok sa loob habang kasunod namin ang dalawa.
Pero medyo naguguluhan ako sa tanong sa akin ni CR kanina.
Siguro what if's lang yun dahil hindi naman talaga natin alam ang mangyayari.
BINABASA MO ANG
The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)
Teen FictionThis story consists of works of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. No...