Cyan's Pov
Mukha na akong tanga naghihintay sa wala tuluyan nang tumulo ang aking luha. Kasalukuyang nandito ako sa park.
"Miss may masakit?" pamilyar ang kanyang boses. Tinignan ko ang taong nagtatanong.
O.O
S-si Ryler! Nandito siya. Worth it ang paghihintay ng limang buwan.
"Miss? May masakit ba sayo?" inabot niya sa akin ang kanyang panyo kinuha ko naman ito at ipinahid sa luha kong patuloy pa rin umaagos.
"Masakit?" tanong niya ulit. Nainis ako sa kanya syempre masakit ikaw ba iwan ka ng taong mahal mo sa ere.
"Ay hindi. Nag-enjoy ako. Ulitin mong iwan ako. Isa pa bilis! Tatanungin mo kung masakit? Ikaw kaya ang iwan ko. Tapos i-share mo sa akin yung feelings mo. Kaya, na-enjoy. Sige, mag-iwanan tayo para masaya. Ulit-ulitin natin. Kung gusto mo, ipauso natin." naka nganga siya sa pagrant ko.
"What are you saying? Look, hindi kita kilala. Tapos sasabihin mo sa akin iniwan kita. Are you on."damn dama ko yung sakit. hindi niya pinagpatuloy ang sinabi niya.
"Ryler, hindi mo ba talaga ako naalala? Ako to si Cyan. Si Cyrene Louise Villegas" tanong ko sa kanya.
"Wait. Kilala mo ako? Maybe you're one of my followers on my blog. Miss, let me get this straight napadaan lang ako, nakita kitang umiiyak dyan. And please don't call me Ryler that nickname of mine aren't allowed for those people na hindi ko kaanu-ano." tumayo siya at umalis.
Tagos na tagos sa akin ang sakit. Hindi nga niya ako maalala ang mas malala pa inakala niya akong isa sa mga followers niya.
The worst part I am not allowed to call him Ryler.
BINABASA MO ANG
The Campus Queen Vs. The Campus Heartthrob [Completed] (Wattys 2017)
Teen FictionThis story consists of works of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. No...