[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]
FOXXER'S POV
Alas otso na ng gabi at nandito ako ngayon sa kwarto ko, kinukuha ang mga gamit na nasa loob ng aking bagahi at inilagay sa sarili kong aparador dito sa kwarto.
While arranging, pabigla na bumukas ang pinto kaya't napalingon ako roon. Ngunit napakunot ang noo ko nang wala akong makitang tao o kahit anino man lang.
Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakaupo at nagsimulang humakbang papalapit sa pintuan. Napalunok ako ng laway nang maramdaman ko ang hangin na hindi ko alam kung saan nanggaling, nakasara naman 'yong bintana ng kwarto.
Sinilip ko ang labas upang siguraduhin kung may tao nga ba ngunit wala talaga akong nakita. Akmang isasara ko na ang pintuan nang biglang bumulaga sa'kin ang pagmumukha ni Benjo.
Muntik pa akong mapasigaw sa sobrang gulat. Mas lalo pa akong nainis nang makita ko ang nakangisi nitong mukha na ani mo'y nang aasar.
"The fudge is wrong with you, Benj? Muntik na akong atakihin sa puso," sigaw ko sa kanya habang ang kanang kamay ay nakatapat sa dibdib ko. Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
But instead of answering, he was just standing while staring at me intently. Hindi pa rin nawawala ang nakakaloko nitong ngiti sa labi.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang nanindig ang balahibo ko. Ang kaninang hangin na naramdaman ko ay mas lalo pang lumakas at sobrang lamig nito na para bang binabalutan ako ng maraming yelo.
"Hoy, bakit ganyan ka makatingin?" hilaw akong tumawa. "Naweweirduhan ako sa'yo, mag seryoso ka nga," pinilit kong magbiro sa pag-aakalang mababawasan ang takot na naramdaman ko.
Ngunit mas lalo pa akong natakot na halos manginig ang tuhod ko nang biglang sumeryoso ang mukha nito na para bang galit na galit ito sa'kin.
Agad akong napalingon sa aking likuran ng biglang bumagsak ang salamin na nakakabit sa dingding ng aking kwarto. Ngunit nang muli akong humarap ay wala na si Benjo sa harapan ko. Sa sobrang takot ay mabilis akong naglakad palabas ng kwarto. Hindi inalintana ang salaming nahulog na ngayon ay basag na at saka pinuntahan sina Tita na nasa labas ng bahay kasama si Yael.
"Fox? Bakit ka nandito? Anong prob-" hindi agad natapos ni Tita ang kanyang sasabihin nang bigla kong isiniksik ang sarili ko sa kanya. Kaya't napapagitnaan nila ako ngayon nina Yael.
"Ano'ng nangyari? Bakit ka namumutla?" she asked me worriedly. Ngunit wala akong binitawang salita at umiiling-iling lang ako, pinipigilan na maiyak sa sobrang takot at kaba.
Nang makita ko si Benjo na nakatayo sa likuran ni Tita ay agad akong tumayo at mabilis siyang nilapitan.
I glared at him. Gusto kong ipakita sa kanya na galit ako sa ginawa niya ngunit mas lalo lang rin akong nakaramdam ng galit nang makita ko ang ekspresyon niyang nagtataka. Nagkukunwari na para bang wala siyang ginawa sa akin.
"Bakit mo ginawa 'yon?" mahinahon kong sabi sa kanya, pinipigilan na sigawan siya at sapukin ang kaniyang ulo.
"Huh? Pinagsasasabi mo?"
Grabe. Ang galing umarte. Pwede na isalang sa Oscars. Putspa!
"Huwag mo nga akong gaguhin, Benj! Bakit mo ginawa 'yon? Diba sinabi ko naman na sayo noon pa man na ayaw ko 'yong ginugulat o tinatakot ako?!" pasigaw kong sabi sa kanya. Nanginginig ang kamay ko at pinipigilan kong suntokin siya sa mukha.
Katatapos ko lang malagpasan ang takot nang may multong sumakal sa akin kanina tapos ngayon ay tatakutin niya pa ako. Babalatan ko talaga ang lalaking ito.
"Uy, ano ba yan? Fox! Kalma ka nga. Ano ba'ng nangyari?" hinawakan ako ni Yael sa balikat.
Pilit akong pinapakalma which is medyo effective kasi agad na nawala ang panginginig sa kamay ko.
"Aba, Yael. Kahit ako ay naguluhan sa sinabi ni Fox, eh," kunot noo na saad ni Benjo.
"Wag ka nang magkunwari, Benj! Diba nandoon ka kanina sa kwarto, nagulat pa nga ako sayo diba? Sinabihan pa kitang wag magbiro kasi kung makangisi at makatitig ka sa akin parang may binabalak ka," sabi ko sa kanya. Halos tumalsik na ang laway ko sa bilis at lakas ng pagkakasabi ko.
"Ano ba'ng pinagsasasabi mo, Fox? Hindi naman ako nagpunta roon sa kwarto mo, ah. Saka aware ako na ayaw mo iyong ginugulat at tinatakot ka. Nakatatak na iyon sa utak ko. Ikaw ba naman, halos oras-oras sinasabi mo na sakin 'yon," kamot-ulo niyang saad sakin.
"Pero seryoso ako, Benj. Ikaw 'yon," tumigil ako sandali. "Kamukhang-kamukha mo, nakatingin ka sa'kin tapos... tapos nakangisi ka pa. Nilingon ko pa nga iyong salamin sa likuran ko kasi nahulog tapos pag harap ko ulit wala ka na," mahina kong sabi sa kanya. Napapikit ako nang muli akong kinilabutan.
"Hunyango..." hindi ko narinig ang sinabi niya sa sobrang hina.
"Ano'ng sabi mo?" tanong ko sa kanya.
Ngunit imbes na ulitin iyong sinabi niya ay nanatili siyang nakatingin kay Yael na nanlalaki ang mga mata.
"Yael..."
"Ah! Baka namamalik-mata ka lang, Fox," tumawa nang pilit si Yael. "Ano ba 'yan. Siguro pagod ka lang kaya kung ano-ano na ang nakikita mo. Halika na nga, bumalik na tayo sa loob at nang makapagpahinga ka na," pilit ang ngiting ipinakita sa'kin ni Yael bago ako hinawakan sa balikat at marahan na itinulak papasok ng bahay.
"Alam mo, Fox, kailangan mong magpahinga ngayon. Alam mo naman na nanggaling ka sa biyahe kaya minsan sa sobrang pagod, hindi natin maiiwasan na mamalik-mata o makaisip ng mga bagay na hindi naman totoo," sabi sakin ni Yael.
"Pero..."
"Shhh," putol niya sa akin. "Maniwala ka sa'kin, Fox. Hindi iyon totoo. Kasama namin ni mama si Benj sa labas kaya imposible na pumasok siya sa kwarto mo. 'Tsaka wala naman siyang kakambal, diba? Ako lang ang nag-iisa niyang kapatid na sobrang gwapo," umakto pa siya at nagpose na para bang isang model.
Kaya naman ay hindi ko napigilan ang tumawa dahil sobrang nakakatawa talaga ang hitsura niya.
"Siguro nga, Yael," humalakhak ako. "Sige na nga, matutulog na ako. Aalis din kasi ako bukas, eh."
"Huh? Bakit? Saan ka pupunta?" takang tanong niya sa'kin.
"Hmm. Wala lang. Gusto ko lang munang mamasyal. Para naman mas makabisado ko itong buong lugar ng Sierra," nakangiti kong sabi sa kanya.
Hindi ko mapigilan na makaramdam ng excitement para bukas. Matagal na rin noong huli kong nakita ang hitsura nitong buong lugar. Puro picture na nga lang ang nakikita ko galing kina Benjo eh. Sinesend nila sa'kin sa socmed noong nasa America pa ako.
"Gusto mo samahan kita bukas?" aya niya sa'kin na agad ko ring inayawan.
"Huwag na, Yael. Kaya ko naman na, eh. 'Tsaka diba aalis ka rin bukas? Nasabi mo kay Tita kanina na may pupuntahan ka."
Agad namang napakamot ng ulo si Yael. Pusta ko, nakalimutan niya iyon.
"Ay! Oo nga pala," tumawa siya. "Eh si Benjo? Ayaw mo bang magpasama sa kaniya?"
"Naku! Ayoko roon. Baka masira lang ang araw ko kapag kasama ko iyon. Palagi ba naman akong aasarin," nakasimangot kong sabi na siyang dahilan ng pagtawa niya.
"O sya, pumasok ka na sa kwarto at nang makatulog ka na. Tatawagin ko na rin sila Mama. Huwag kalimutang mag lock ng pinto, goodnight soro~" sabi niya sa'kin.
"Goodnight din, Yael."
Matapos umalis ni Yael ay agad kong isinara at inilock ang pinto. Nagbihis muna ako ng pantulog bago ako umupo sa kama. Agad akong nag pray pagkatapos ay tuluyan na akong humiga at ipinikit ang aking mga mata.
Hoping to start my day with a smile tomorrow.
BINABASA MO ANG
Sierra: Where Magic Lives
Mystery / ThrillerThe town of Sierra, where the woods isolates the magical world and the school of magics, Silva Schola Institute. They have the two most powerful students: Vinisha Perez, the second highest leader of SSI. The strong leader who holds two identities. ...