Chapter 24: Rehearsal

608 30 1
                                    

Kiddy's POV

"Fifth floor, right wing, black door. Fifth floor, right wing, black door. Fifth floor, right wing, black door. Fifth-"

"Hoy!"

Tumigil ako sa paglalakad. Niyuko ko si Fox na biglang humarang sa aking harapan. Her lips were pouting like a sulking child.

"Oh? Tapos ka na sa photoshoot niyo?" hinagod ko siya ng tingin.

Makapal ang tela ng suot niyang itim na one-shoulder gown. It was very simple but she made it look like the most beautiful dress. Naka-waterfall braid ang buhok niya at may kaunting mga bulaklak na disenyo. Para siyang isang model. May make-up pa siya, damn.

Ang ganda pala ni Fox?

"Hmp! Hindi ka nanood. I told you to be there, wala akong ka-close dun. Nakakahiya magpose sa camera."

"Pero nagawa mo?"

"Oo," she nodded.

"Edi nakaya mo naman palang wala ako. Sinabi ko namang hindi kita masasamahan dahil busy ako sa rehearsal mamaya."

"What about now?" she gave me a puppy eyes.

Tinulak ko ang mukha niya kaya napa-aray siya. "The rehearsal is until 5 pm, Fox. Kayo rin mamaya kaya masanay kang wala ako, okay?" pinaningkitan ko siya ng mata. "Nasasanay ka nang palagi akong nandiyan sa tabi mo, a. Magka-crush ka sa'kin niyan, sige ka," tukso ko sa kaniya.

Nalukot ang mukha niya at tinapunan ako ng masamang tingin. Akma niya akong hahampasin ngunit tumakbo na ako nang mabilis palayo sa kaniya.

"Bye! Huwag kang magka-crush sa akin, a! Friends lang tayo, erps!"

"Bwesit ka!" she shouted.

Natatawa pa rin ako nang makarating sa building ng Gaea. Kahit kailan talaga, napakapikunin ng babaeng iyon. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kasi kadalasan sa mga taong palaging magkasama, nagkakahulugan ng loob. E, kaibigan lang naman ang tingin ko sa kaniya. Dapat lang na lumayo ako bago pa siya magkadevelop ng feelings para sa akin.

I don't want to ruin our friendship. Na-uh!

Nang makarating ako sa fifth floor ay kaagad kong hinanap ang black door na nasa right wing. Si Miss Ayala ang nag-instruct sa akin na rito ang hall na gagamitin para sa first day ng pageant. Gagamitin daw kasi ang lahat ng school buildings sa gagawing pageant.

Kanina ay doon nangyari sa Erebus building ang final assembly. We talked about the flow of the program, the performances, and also, they made sure that the candidates are complete, and physically and mentally conditioned to join the pageant.

Sa Aether naman ang venue ng photoshoot. I heard the Aetherians are good designers since sila ang nagdesign sa venue. Hindi ko pa kasi nasilip ang hall na ginamit nila dahil nga busy ako. Titignan ko na lang ang result ng photoshoot.

Tapos ngayon ay sa Gaea ang venue ng competition day ng pageant. Dito raw gagawin ang talent portion, swimsuit modelling, evening wear, and Q and A. Bukas pa ang coronation dahil gusto ng event organizer ng pa-suspense.

Who's the event organizer? Of course, the one and only picky leader of Aether, Bela Dela Cruz.

Ang mga Aetherian ang in-charge sa event ngayon assisted by the Erebusians. Kaya mostly sa entertainment performers ay galing sa Aether at Erebus. Minalas pa ako at napiling host. I really don't think si Miss Ayala ang may idea na gawin akong host, may hinala akong kagagawan iyon ni Foxxer Imperial!

For I know naghihiganti lang iyon sa pagtulak ko sa kaniyang maging kapalit ni Luna. Nahihiya pa e gusto naman.

At kung pinagtutulungan nga naman ako ng tadhana, kinuha pa akong drummer ng banda ni Bela. Sino ba ang nagtip sa kaniyang ex-band member ako dati? Hiyang hiya pa akong tumanggi kaya napa-oo na lang.

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon