Chapter 13: First Meet

885 37 8
                                    

[Reminder: Portrayers only show the visual images of the characters we have in our mind. It doesn't mean that everyone has to imagine them while reading. Everyone is free to have their own portrayers or nothing at all. Do whatever you want as long as you're happy.]

Vinisha's POV

Nang lumabas ako sa basement ng Aether ay biglang may humablot sa braso ko. Nakita ko si Magnus at kinaladkad niya ako palabas ng building at pagkatapos ay bigla kaming nakarating sa harap ng dorm building ko.

Taka ko siyang tinignan. "Why did you bring me here?"

"Kailangan mong magpalit ng uniporme. I'll bring you with me to Erebus."

Bumaba ang tingin ko sa tie niya. Nakadikit ang pin doon na ang simbolo ay pulang phoenix na nakatalikod at nakabaling sa kaliwa ang ulo. Umangat ang tingin ko sa mga mata niya. Sinalubong ako ng malalamig niyang titig. There's not a day where his face is not dark and grim.

"Why not? I can go to their building without changing. It's not like they haven't seen me drenched in blood."

"We are facing the head, Perez," matiim niyang sabi.

Bumaling ako sa kanan at napabuntong hininga. Tinalikuran ko siya at pumunta sa silid ko. Mabilis akong nagpalit ng uniporme at naghilamos. Wala pang sampung minuto ay nakababa na ako.

"Pwede ka nang mauna. Maglalakad lang ako," wika ko kay Santiago at nilagpasan siya.

Hindi ko na siya narinig kaya akala ko ay sumunod siya sa sinabi ko. Ngunit nabigo na lang ako nang makita siyang sumabay sa akin sa paglalakad. He walked beside me silently and his male scent filled my nose.

It is undeniable that Magnus is an attractive alpha male. Halos lahat ng babaeng napapansin kong nakatingin sa kaniya ay tila nahihilo at kulang na lang ang mawalan ng malay.

Matalino siya at mas maayos ang hitsura kompara sa ibang lalaki. Maganda rin ang pangangatawan dahil sa palagi nitong pagsasanay roon sa likuran ng kanilang dorm. Hindi ko na aalalahanin kung bakit ko nalaman iyon. Basta ay walang babaeng nakakalusot sa kamandag ni Magnus Santiago.

Maliban sa akin. Matagal ko nang kilala ang lalaking ito at wala akong mahanap na ibang dahilan para magustuhan ko siya maliban sa pagiging matalino, matangkad, gwapo at mayaman.

Mabuti na ring hindi ako nagkagusto sa kaniya dahil ayaw kong madagdagan ang inis sa akin ni Driya Hidalgo. Baliw na baliw iyon sa lalaking ito at kampante lang iyong ganitong magkakasama kaming dalawa dahil alam niyang hindi ako nagpapakatanga para rito.

"What are you thinking?" he suddenly spoke.

I remained looking forward, "Ano ang gagawin natin doon?"

"Your cousin is misbehaving again, Perez."

"Luna?"

"No other."

I grimaced. That girl again. Napaka-iksi talaga ng pasensya kaya napapasok sa gulo. Sino na naman kaya ang pinagdiskitahan ng spoiled kong pinsan?

"May nasaktan ba?" tanong ko.

"Fortunately, wala. It's a miracle that their ruler are there instead of being missing in action again, like you," baling nito sa akin.

I turned to him, "For your information, Santiago. I have never been absent when the school needs me. At saka, hindi naman kailangang nandito ako palagi kung walang importanteng gagawin."

"Paano kung kailangan kita?"

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. Takang-taka akong napatingin sa kaniya. "Ha?"

Sierra: Where Magic LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon